UNA

91 0 0
                                    


KABANATA 1

LOLA BERNADETTE

Ang buhay ay parang ulan, aambonan ka ng kasiyahan, maya-maya ay babagyuhin ka ng kalungkutan. Iyon ang naging pananaw ko sa buhay, lahat ng kasiyahan ay may kaakibat na kalung kutan, kaya mass pipiliin ko nalang na malungkot habang-buhay keysa sa maging masaya sa panandaliang panahon. Halos karamihan ay hindi sang-ayon sa pananaw ko sa buhay dahil katwiran ng iba ay maikli lang ang buhay dapat maging masaya sa bawat segundong pananatili dito sa mundo. Pero kahit anong sabi nila maninindigan parin ako sa pananaw ko sa buhay, maikli lang nga ang buhay, kung masaya ka ngayon, malulungkot ka parin kasi lilisanin mo na ang mundo sa pagdating ng panahon, maiiwan dito sa mundo ang mga bagay na magpapasaya sa'yo, malulungkot kalang. Kaya inunahan ko na. Kahit iba-iba ang pananaw namin sa buhay, wala na akong magagawa kasi sa kanila 'yon, wala akong karapatan na baguhin ang isip nila para sang-ayunan ako, basta ba'y walang away na magaganap, ayos na sa'kin.

Kasalukuyan akong naghahabi ng kumot dito sa'king teresa habang sumasabay sa kanta na nagmumula sa radyo. Malamyos ang tono ng kanta na nakapagbibigay sa'kin ng kapayapaan sa aking damdamin. Dinagdagan pa ng mga huni ng mga ibon na sumisilong ngayon sa puno ng mangga upang magpalamig mula sa napaka-init na panahon. Totoo nga ang sabi ng reporter kahapon sa balita na aaasahan ang pagtaas ng temperatura sa bansa dulot narin ng El Ninong paparating. Gayunpaman, hindi naman masyadong maiinit dito sa lugar ko kasi nakapalibot sa bahay ang mga naglalakihang mga punong kahoy, na mismong mga ninono ko pa ang nagtanim, pero may naiambag naman ako tulad ng pagtatanim ng mga bulaklak sa nandito sa'king teresa na nakapagbibigay ganda sa buong lugar. Sa loob ng apat-napong taon ko na pamamalagi dito sa mundo, ito na ang nakagisnan ko, kontento na ako sa buhay ko at masasabi kong ito ay nakapagbibigay sa'kin ng kapayapaan. 'Yung kapayapaan na hindi mo na kailangan pang humanap ng ibang tao para makamit ito. Minsan mahahanap mo ito sa mga simpleng bagay , tulad nalang ng mga bagay na makapagpasaya sa puso mo, doon mo mahahanap ang kapayapaan. Minsan din hindi mo na kailangan ng isang tao para masasabi mong masaya at kontento kana.

Nawala ang atensyon ko sa aking ginagawa ng may narinig akong isang malakas na sigaw at mura ng isang lalaki na tumalon mula sa itaas ng bato hanggang pababa sa falls . Nakatirik kasi ang bahay ko sa gilid ng isang falls. Isa ito sa may maipagmamayabang na falls sa buong probinsya dahil may laban ang ganda nito. Napailing nalang ako at ibinalik ang aking atensyon sa aking ginagawa kanina lang, pero sa ilang minutong pilitan na ibalik ang atensyon sa ginawa at sa kasawiang palad ay hindi ako nagtagumpay sapagkat nagsusumiksik sa aking tenga at isip ang sigaw ng lalaki na naliligong mag-isa sa falls na parang ang saya-saya niya sa kanyang ginagawa. Pabalik-balik siya sa pagtalon at pagsigaw na parang walang nakakarinig sa kanya, na parang walang matandang nakakarinig sa lahat ng mura niya at sigaw. Hays! Kabataan nga naman. Ang dudumi ng mga bibig.

Inangat ko ang tingin sa kanya na may kasamang talim. Nagtama ang paningin namin at kaagad akong kinindatan ng lalaki bago lumusong pababa. Aba't tong batang 'to. Sa aking paningin, ang lalaki ay isang binata na nagkaka-edad ng dise-otso pataas. Maputi ang balat at may maamong mukha, malaman ang pangangatawan at paniguradong anak-mayaman ito dahil parang hindi nagbabanat ng buto ang katawan nito.

"You're drooling over me " sigaw niya

Napakisi ako sa sigaw niya at sa sinabi niya. Ano daw? Ako? Drooling? sa kanya? Aba, Abang batang 'to, pinagbintangan pa ako.

"Hoy bata nakakaintindi ako ng Ingles, and I'm not drooling over you, hindi ako kasing edad mo na pagnanasaan ang katawan mo, matanda na ako" sigaw ko pabalik sa kanya.

Tumawa naman ito ng napakalakas na nakakairita naman talagang pakinggan pero maya-maya ay bigla itong lumubog at hindi ko na ito makita matapos ang ilang minuto. Naalarma naman ako dahil baka nalunod ito, kaya mabilis pa sa kabayo ng iwan ko ang ginagawa ko at mabilis na sumuong sa tubig at nagsimulang hanapin ang binata, ilang minuto ko na siyang hinahanap pero wala akong makita kahit bakas niya sa ilalim ng tubig. Mas kinabahan pa'ko , paano na'to ? Ako ang una't huling saksi sa kanya ay baka naman pagbintangan ako na ako ang gumawa ng masamang bagay sa kanya pag may mangyayaring ganon. Ayaw ko non.

Maya-maya pa ay naramdaman kong may kumapit sa braso ko na isang malamig na kamay, kaya napasigaw ako at napahawak sa dibdib dahil sa gulat ko. Tumawa naman ang kumag na binata sa likuran ko na siyang-siya dahil sa naging reaksyon ko kaya tiningnan ko siya ng napakatalim.

"Earlier you were drooling over my sexy hot body and now andito ka sa tubig kasama ko. Ikaw ha? nagdududa na ako, baka naman na love at first sight ka sa'kin niyan. Sabagay gwapo naman ako kaya hindi maikakaila na pati matanda ay magugustuhan ako" confident niyang sabi sa'kin

Nagulat naman ako sa sinabi niya , lakas magparatang ang batang 'to. Ako? Love at first sight? Sa kanya?

"Dios mio nino, kabahan ka nga sa sinasabi mo. Bakit naman kita magugustuhan, eh parang anak lang kita" sigaw ko dito.

Kadiri ng pinagsasabi niya. Ako papatol sa isang bata. Ayaw ko nalang uy!

"At tsaka may asawa at mga anak na ako nahalos kaedad mo lang sila kaya tumahimik kana"dagdag ko pa

Tumawa naman ito na parang isang napakalaking biro ang mga sinsabi ko sa kanya. Kumislap ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin, ang labi niya'y parang mapupunit na dahil sa laki ng kanyang ngiti.

"Talaga ? Weh? Bakit hirap akong paniwalaan ka? bakit parang pakiramdam ko that you're lying, that you have no husband nor children at all. Why do I have this feeling that you're still a virgin"

Nag-init naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya, para naman akong teenager nito na virgin pa. Nahuli pa akong nagsisiningaling sa kanya, pinaglihi ata 'to sa isang manghuhula pero kahit ganon ay hindi ako magpapatalo.

"Paano mo naman nasabi iyan" tanong ko

"Simple lang, kasi hindi ka manginginig at ilang beses nalumonok kung magsasabi ka ng totoo, tsaka wala akong ibang makitang tao sa loob ng bahay mo kung may pamilya kaman"

Natigilan naman ako sa sinabi niya, tama siya, naku parang detective to. Wala na akong takas, nahuli na ako. Inirapan ko nalang siya na parang isang teenager at iniwan sa tubig, nang umahon na ako ay narinig ko na sumipol siya.

"Nice ass, and sexy back" sabi niya pa

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya at tumingin ako sa aking kabuoan at doon ko napagtanto ang ibig niyang sabihin. Manipis lang ang suot ko kaya nang nabasa ito kanina ay kumapit na ito sa aking katawan at nakita ang bra't panty ko na iba ang kulay sa isa't-isa. Mabilis kong tinakpan ang katawan ko ng aking mga kamay at dali-daling pumasok sa loob pero bago 'yun sinigawan ko muna siya.

"Bastos"

"Tsk Virgen"

Gusto ko talagang kutusan ang sarili ko dahil sa katangahan. Bakit ko ba nakalimutan na manipis lang ang suot ko? Ayun tuloy nabastos ako ng bata. Pero hindi tama ang ginawa niya kanina at ang pagsagot sa'kin, matanda ako kaya dapat bigyan ako ng respeto ng mga taong bata sa'kin tulad ng binatang 'yun. Umiling nalang ako, hahayaan ko muna 'to dahil bata pa'to tsaka mukhang hindi naman kami magkikita pang muli dahil isa itong turista na napadpad sa falls na malapit sa bahay ko.


_________________

CHARING

ESTORYA NI LOLAWhere stories live. Discover now