LIMA

33 0 0
                                    


KABANATA 5

Madilim ang paligid, tanging gasera lang ang nagbibigay sa'min ng liwanag. Hinuli ko ang kamay ni Leo, ang lalaking mahal ko, napangiti ako at bahagyang nag-init ang aking pisngi dahil sa aking agresibong galaw. Hinuli ko lang naman ang kamay niya dahil natatakot ako, sa tuwing hinahawakan ko ang kanyang kamay ay pakiramdam ko ligtas ako sa piling niya. Hinawakan naman niya ang akin, napansin ko nanginginig at malamig ang kanyang kamay. Tinanong ko siya kong ayos lang ba siya pero sabi niya ayos lang daw, pero kahit sinabi niya iyon hindi parin ako mapakali. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon, baka dahil sa malamig na hangin.

Narito kami sa kagubatan, hindi ko alam kung ano ang ginagawa namin dito, pero may kutob ako na baka dito ako aayain ni Leo ng kasal dahil halos limang taon na kaming magkasintahan. Pinangarap ko noon na sa ilalim ng gabi ako aayain ng kasal ng lalaking mahal ko.

Huminto kami sa madamong paligid, lumohod siya sa akin, napasinghap ako dahil doon, tiningnan ko ang kalangitan, ganon na lang ang pagkadismaya ko ng walang buwan na nagmamatyag sa kalangitan at walang mga bituin na magiging saksi sa aming pagmamahalan.

Natigil ako sa aking pagmumuni ng marinig ko ang munting iyak at palahaw ni Leo, hindi ko masabi kong ano ang pahiwatig ng kanyang iyak, naiiyak ba siya dahil sa tuwa o dahil sa kalungkutan. Tinanong ko siya kung anong problema pero matapos ang ilang minuto tanging iyak at paghingi ng tawad ang lumabas sa kanyang bibig. Maski ako ay napa-iyak na din dahil sa kanya, gulong-gulo ang isip ko sa mga nangyayari.

"Patawad Berna, patawad"

Iyon ang huling kataga na narinig ko sa kanya at iniwan na niya ako pati ang gasera. Hinabol ko siya pero sadyang maliksi ang kanyang mga binti kaya hindi ko siya maabutan. Mula sa di kalayuan, narinig ko ang mga tawanan at murahan ng mga kalalakihan. Nilapitan ko sila sa pag-aakalang matulungan nila ako, humingi ako ng tulong sa kanila na dalhin nila ako kay Leo.

"Pare, ito na ba ang sinabi ni Leo sa atin? Naka-jackpot tayo oh"

Nabuhayan ako ng loob dahil sa binanggit nila ang pangalan ng lalaking mahal ko. Sumama ako sa kanila dahil sabi nila sasamahan nila ako kay Leo. Habang naglalakad kami, maririnig ko sa aking likuran ang murahan at malalaswang mga salita na lumalabas sa kanilang mga bibig. Pero hindi ko na sila pinansin dahil desperada na akong mahanap si Leo at pag-usapan ang nangyari kanina.

Tumigil kami sa ilalim ng malaking puno, inilapag na nila ang gasera ganon din sa'kin. Tinanong ko sila kung bakit kami huminto sabi nila magpapahinga daw muna kami dahil malayo- layo pa ang lalakarin namin. Sumalampak ako ng upo sa damuhan at tumabi sa akin ang isang lalaki na malaswa kung tumitig sa'kin. Pinagapang niya ang kanyang kamay sa aking binti papunta sa aking hita, sinuway ko siya pero hinwakan lang niya ang aking mga kamay ng mahigpit. Nagmakaawa ako sa kanya na huwag pero isang mala demonyong halakhak lang ang tugon niya sa akin, tila nawala ang malakaibigan nitong awra at napalitan iyon ng demonyo. Tiningnan ko ang kanyang mga kasamahan para humingi ng tulong, pero ganon nalang ang gulat ko nang nakahubad- baro na silang lahat na may mga demonyong mga ngisi.

Pilit nila akong hinalikan sa bawat parte ng aking katawan, pinunit rin nila ang aking kasuotan dahilan para makita nila ang hindi dapat nila makita. Sumigaw, nagpupumiglas, at nagmakaawa na itigil nila iyon pero tila isa akong alipin na kanilang binaboy. Tinawag ko ang pangalan ni Leo para tulungan ako, pero hindi siya dumating, iniwan na ako ng mahal ko.

Ilang ulit nila akong binaboy sa ilalim ng madilim na kalangitan, wala akong ibang panalangin kundi ang dumating ang lalaking mahal ko para iligtas ako sa mga hayup na'to. Pito silang mga kalalakihan na bumaboy sa'kin, mga dayo sila sa aming lugar dahil sila ay mga sundalo. Wala akong magawa nang tutukan nila ako ng baril para patahimikin, kaya isang munting iyak nalang ang aking nailabas sa aking bibig.

ESTORYA NI LOLAWhere stories live. Discover now