UPAT

26 0 0
                                    


KABANATA 4

Isang gabi, nagulat nalang ako na may kumalampag sa pinto ng bahay ko. Tiningnan ko ang orasan at pasdo ala una na ng madaling araw. Yamot na yamot ako nang umibis ako sa aking higaan para puntahan ang pintuan na wala paring humpay ang kalampag. Pina-ilaw ko ang ilaw at nagdala ng baston, baka kasi magnanakaw o di kaya'y mga rebelde. Pagbukas ko ng pinto ay akala ko kung sino, pero ang binata lang pala. Pinagalitan ko ito at pinagsabihan na may matandang natutulog sa dis oras ng gabi. Pero isa lang ang sabi niya sa'kin.

"Tara"

Wala na akong nagawa ng hilain niya ako papunta sa kung saan, hindi ko maaninag ang daan dahil narin sa kadiliman. Isinara niya ang bahay at hinaklit niya ang aking braso patungo sa lugar na gusto niyang puntahan. Ilang ulit ko nang tinanong sa kanya kung saan kami pupunta pero tipid na sagot lang ang naibigay niya.

"Basta"

Hindi nalang ako nagtanong pa, ang ganda ng sagot eh, nakuha ko talaga. Matapos ang ilang lakaran ay naka-abot na kami sa lugar na gusto niyang puntahan dahil tumigil na ito. Handa ko na sana siyang pagalitan ng maaninag ko ang paligid kong saan kami naroroon. Narito kami sa may burol na bahagi kung saan patag ito at nakapalibot ang mga bulaklak na minsan kong pitasin noong bata pa ako. Akala ko isang ordinaryong patag lang ito, pero nagkamali ako, hindi ito ordinaryo pag gabi, isa itong paraiso. Nakapalibot sa amin ang nagkikislapang mga bituin sa langit habang yumayakap sa amin ang malamig na simoy ng hangin dahil narin pasado ala una na ng gabi.

Hindi ko inakala na may magdadala sakin dito. Iginiya ako ng binata sa isang kumot na puno ng junk foods.

"Midnight snack ang tawag dito, ito ang ginagawa ko kapag may problema ako o di kaya'y stress o trip lang"

"So, may problema ka?"

"Wala"

"Alam kong makapal ang mukha mo bata pero sa tingin ko hindi ka sinungaling"

"Paano mo naman nasabi?"

"Hindi ko alam pero iyon ang nararamdaman ko"

"So may nararamdaman ka na sa'kin, effective ba ang pagpapa-cute ko sa'yo?"

"Ang kapal talaga ng mukha mo no? Ang layo ng agwat natin pero iyan ang sinasabi mo. Kilabutan ka nga"

"Bakit naman ako kikilabutan?"

"Ba-basta"

Nautal naman ako sa huli kong sinabi dahil sa kakaiba niyang tingin.. Tingin kung saan nakikita ko ang iba't ibang emosyon na gustong kumawala sa kanyang mga mata at mailabas sa kanyang bibig. Biglang nawala ang pilyong binata at napalitan iyon ng seryoso Hindi ako magaling sa pag-basa ng mga emosyon ng tao, pero sa kanya ewan ko, hindi lang isip ko ang nakabasa, pati rin ang puso ko. Tila sumasang-ayon ang puso sa isip ko.

"Ganon ba talaga ang tingin mo sa'tin? Sa akin? Isang binata na alalay mo? Isang binatang palaging nambu-bwesit sa'yo? Berna, hindi 'yun ang tingin ko sa sarili ko, kundi isang lalaking magmamahal sa'yo ng tapat. Mahal na yata kita Berna"

Napasinghap ako dahil sa sinabi niya, at bahagyang nakanganga. Napaka-imposible ng batang 'to.

"Tama na bata! Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na tawagin mo akong Lola at 'wag mo na ulit itong babanggitin dahil mali ito. Maling-mali!"

Tumakbo ako sa pag-aakalang makalayo ako sa kanya, na makalimot sa mga sinabi niya. Pero bago pa ako makalayo pababa sa burol ay nahawakan na niya ang braso at pinihit paharap sa kanya. Ginawa ko ang lahat para makawala sa mga bisig niya, pilit niya akong niyakap pero nagmatigas ako at pinagsusuntok ko siya.

Gusto niya akong yakapin at halikan pero nagmatigas ako hanggang sa unti-unting nag-iba ang paningin ko. Para akong bumalik sa nakaraan na pilit kong kinalimutan. Ang nakaraan kung saan parating nagbibigay sa'kin ng bangungut gabi-gabi

ESTORYA NI LOLAWhere stories live. Discover now