TUYO

32 0 0
                                    


KABANATA 3

Naabutan ko itong gulat ang mukha at hindi makapaniwala dahil sa nakita niya, kasi ngayon lang ako nagdala ng isang tao dito sa palengke na hindi pa niya kakilala. Sa lahat kasi ng kaibigan ko ay kilala niya kung sino sila pwera nalang sa katabi ko.

"Oh sino naman itong kasama mo? 'wag mong sabihin may anak ka noon at ngayon mo ipinakilala sa'kin?"

"Hindi no, baliw, turista lang 'to doon sa falls at napagtripan na sumama kaya ayun narito siya sa harapan mo"

"Siguradohing mo lang yan Berna kasi naku! Pag 'yan ang naging bunga ng nakaraan niyo ni La--"

"Tumahimik ka nga"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tinakpan ko na ang mabunganga niyang bibig, kahit kailan talaga ang daldal ng isang 'to. Ayaw ko ng pinagsasabi niya tungkol sa nakaraan ko, ayaw ko ng alalahanin iyon dahil isa iyong napakasalimoot na na bangungut para sa'kin. Tiningnan ko ang aking katabi at laking pasalamat ko at parang wala itong pakialam sa kanyang paligid. Palinga-linga ito at binubusog ang mga mata sa tanawin dito sa palengke kahit hindi naman kaaya-aya ang paligid dahil sa mga nagkakagulong mga tao. Pansin ko rin na panay ang linga ng mga kababaehan sa kanya mapa-babae man o mga bakla. Hindi ko rin siya masisisi kasi ang kanyang tindig ay nagsusumigaw ng kagwapuhan.

Ay ano bayan Berna! Ang halay! matanda kana!

Ilang saglit pa ay nagpaalam ito sa'kin na mamamasyal muna at bibili rin ng mga kailangan niya . Nagtaka naman ako kasi para akong nanay niya na hinihingan ng permiso upang gumala. Pero ipinagsawalng bahala ko nalang, bahala siya sa trip niya sa buhay. Pagkaalis na pagkaalis ng binata ay pinaulanan ako ng tanong ni Nympha.

"Bakit mo kasama ang binatang 'yun? 'Wag mong sabihing nanliligaw siya sa'yo? Ano?"

"Tumahimik ka nga Nympha at mangilabot ka sa tinatanong mo. Una hindi ko siya manliligaw, at pangalawa hindi ko siya manliligaw. Ano ayos na?"

"Siguraduhin mo lang Berna, madali ka pa namang mahulog, alam mo matanda na tayo, kaya dapat mag-isip matanda na rin. Payong kaibigan lang Berna, ako gusto kitang makasal at magkaroon ng sariling pamilya para maging masaya ka narin, at makalimutan mo na ang sakit ng 'yung nakaraan pero sana, 'wag sa bata, ayaw kitang kutyain ng mga tao sa paligid mo, minsan wala ako sa tabi mo para ipagtanggol ka dahil may pamilya rin ako" madamdamin niyang sabi.

Tumawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi niya, jusko may payo pa siyang nalalaman, parang ako ang nangilabot dahil sa pinagsasabi niya.

Bakit ko naman papatulan ang isang bata, eh sa kontento na ako sa buhay.

"Alam mo Nympha, malabong mangyari 'yon at imposible. Bakit ko naman gagawin 'yon? Natuto na ako noon, at ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal muli dahil ang pagmamahal ay hindi talaga para sa'kin, sakin ang tadhana, bibigyan niya ako ng napakaikiling kasiyahan sa pag-ibig tapos panghabang-buhay na kalungkutan ang susunod. Ayoko nang maransan 'yun sa ikalawang pagkakataon"

"Siguraduhin mo lang Berna, pero hindi pa naman huli para sa'yo, marami pa tayong binata dito na kaedad mo"

"Sabi ko diba ayoko na"

"Oo sabi mo nga hehe"

Natapos ang pagkukwentuhan namin ni Nympha ng ilang oras, tumulong naman ako sa pagtitinda niya kahit ilang ulit na niya akong sinuway pero dahil likas na matigas ang ulo ko ay hindi ako sumonod sa kanya. pagkatapos din ng pagtitinda ko ay siyang pagsulpot ng binata sa tindahan at nag-ayang umuwi, dahil doon ay binigyan naman ako ng ibang titig ni Nympha na nakakairita naman talaga.

Habang pauwi ay tahimik lang kaming naglalakad ng binata, pinapakiramdaman ang isa't-isa. Hanggang ngayon ay nagtataka ako sa kanya kasi ang pagkakakilala ko sa kanya ay bastos at hambog na binata na naliligo sa falls, pero ngayon parang maamong tuta na sunod ng sunod sa'kin. Tinanong ko siya na bakit ganito ang turing niya sa'kin at ang sabi niya lang ay binabayaran niya lang ang utang niya sa'kin, 'yung pagpapakain ko sa kanya kanina. Grabe naman 'tong batang 'to, tsk iba.

Nabasag ang katahimikan namin na dala-dala pa namin simula noong maglakad kami.

"Pupunta ka sa sayawan sa susunod na linggo?"

"hindi"

"Bakit?"

"Ayaw ko"

"Bakit?"

"Ah basta ayaw ko, 'wag ka nang makulit"

"Sabi ng ibang tao, maganda daw doon at dahil first time kong pupunta doon, dapat lang na samahan mo'ko"

"Ayaw ko"

"Alam mo ang KJ mo, siguro noong kabataan mo, wala kang social life"

"Anong KeyJey at sosyal layp ang pinagsasabi mo huh?"

"Ibig kong sabihin ay hindi naging maganda ang kabataan mo noon, Tama? Base sa nakita ko kanina ay wala kang masyadong kaibigan at minsan walang pumapansin sa'yo."

"Anong pakialam mo sa buhay ko?"

"Wala naman"

"Pwede ba, 'wag mong himasukin ang buhay ko dahil wala kang alam, kaya manahimik ka"

Natahimik ulit kami dahil sa naging daloy ng pag-uusap namin. Masyado siyang nakikialam at hindi ko gusto iyon. Ayoko nang may ibang taong naghihimasuk sa buhay ko ng walang pahintulot. Hindi ko siya kaano- ano kaya wala siyang karapatan na manghimasuk. Ayaw kong banggitin ang kabataan ko dahil kahit kailan ay hindi ito naging maganda sa paningin ko.

Nagulat naman siya sa inasta ko kaya tumahimik nalang siya at naglakad patungo sa bahay kung saan naroon ang kanyang tent. Bago pa ako pumasok sa bahay ay ramdam ko na nakasunod siya sa'kin kaya wala akong ibang maisip kundi ang harapin siya, pero laking gulat ko na isang malungkot na binata ang sumalubong sa'kin at nagwika ng paumanhin sa akin. Hindi ko inaasahan 'yun sa totoo lang, kasi sa lahat ng taong may atraso sa'kin, siya lang ang tanging humingi ng paumanhin sa'kin. Ni minsan 'yun mga hayup na malaki ang atraso sa'kin hindi nila ako mabigyan ng kahit isang 'sorry' man lang pero ang binatang 'to, iba, kahit maliit lang na bagay kumpara sa iba ang kasalanan niya sa'kin ay nagawa niya pang humingi ng 'sorry' sa'kin.

Hindi naman lahat ng tao ganon Berna, anang isip ko.

Pero paano naman kung nagbalat-kayo lang ang isang 'to? Kontra naman ng isa.

Naguguluhan na ako masyado sa mga iniisip ko kaya wala akong masabi sa kanya. Pero hindi pa ako nakakapasok ay nagwika naman ito na nagpawala sa lahat ng kaguluhan sa isip ko.

"Sorry na Bernadette, alam kong masyado na akong pakiilamero pero sana naman mapatawad mo 'ko dahil ang bigat sa pakiramdam na galit ka sa'kin, ayoko lang na galit ka sa'kin, mas gusto ko 'yung Bernadette na palagi akong sinisita sa lahat ng gawain ko." nakayuko niyang sabi.

Parang may humaplos naman na kamay sa nagpupuyos kong damdamin. Hindi ko gusto ng inasta niya kanina pero sino ba naman ako para hindi siya patawarin, siya na ang humingi ng tawad, babalewalain ko pa ba?

"Ayos lang, pinapatawad na kita, paumanhin din kung nag-iba ang timpla ng modo ko kanina, hindi ko lang talaga nagustohan ang mga sinabi mo"

Ngumiti naman ang binata sa'kin at gayun din ako. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa batang 'to, hindi katulad ng iba na kapag may nakikipagkaibagan sa'kin ay kinakabahan na ako. Pero siya, payapa ang tanging nararamdaman ko.

Niyakap niya ako at hinalikan sa bandang uluhan, hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko pero isa lang ang masasabi ko, mabilis ang tibok ng puso ko, ewan ko ba kung sa gulat o ano.

Baka nagulat lang ako! Tama, sabi ng isip ko

Ilang araw ang lumipas, matapos ang insedenteng iyon, akala ko mapapawi lang ito makalipas ng ilang araw pero nagkamali ako, mas bumilis pa ito sa twing magkasama kaming mag tanim o mag harvest. Hindi ko alam kung may plano pa bang umuwi ng binata kasi ilang araw na siyang narito at hindi ko masasabing turista na siya sa lagay na 'yan. Masaya kasama ang binata, pala-biro, masipag kaso may pagka pilyo lang talaga siyang taglay.

ESTORYA NI LOLAWhere stories live. Discover now