DUHA

33 0 0
                                    


KABANATA 2

Kinabukasan, ay maaga akong nagising tulad ng nakagawaian pero bago pa ako magsimula ng aking trabaho ay nagdasal muna ako sa puong maykapal at taos pusong humihingi ng tawad sa mga kasalanan ko. Matapos magdasal, handa na akong salubungin ang araw na may ngiti sa labi. Ngiti-ngiti akong lumabas ng bahay papunta saaking teresa at nilanghap ang napakasarap na hangin na kailanman ay wala sa mga syudad. Ganito ako araw-araw, dapat ay simulan ang araw na may ngiti sa labi pero agad napalis ang ngiti ko sa labi ng may nakita akong tent na nakatirik malapit sa gilid ng bahay ko. Magulo 'yun parang inabandona ito ng may-ari. Sa pagkaka-alam ko ay wala pa ito kahapon, hindi pa ako ulyanin kaya natatandaan ko pa ang ganap sa aking paligid. Bumukas ang tent at iniluwa non ang binata na naliligo kahapon sa falls.

"Good morning" sabi niya sabay kindat.

Mukhang hindi magiging maganda ang araw ko nito kung nanadito ang asungot na batang 'to.Nag-inat ito ng mga buto,at magulo pa sa magulo ang buhok nito, naghikab pa ito ng ilang beses bago umupo sa silya sa labas ng kanyang tent at mukhang matutulog ulit. Tss tamad.

Umalis ako ng bahay at pinuntahan siya ng nakapameywang. Parang sasabaog ang ulo ko dahil ang daming kalat na mga balat ng chichirya at nasira ang bermuda grass na tinanim ko pa. Napupuno ako sabatang 'to ah.

"Hoy bata" niyugyug ko siya para magising pero ungol lang ang sagot niya sa'kin.

"Nagagalit na ako sa'yung bata ka, kung noong una ay mapapalampas ko pa pero ngayon hindi na. Alam mo bang trespassing ka ha? Pag-aari ko ang lugar na kinalalagyan mo kaya wala kang karapatan na mag-tirik ng tent lalo na't wala kang hininging pahintulot sa'kin"

"Pasyal tayo"

Galit na galit ako kanina at parang sasabog na ako sa na parang bulkan pero sa lahat ng sagot ito pa ang napili niya? Ibang klaseng bata 'to. Ilang beses akong nagdadakdak tungkol sa pagpapaalis sa kanya pero parang bato yata ang lalaking ito dahil hindi man lang natinag. Maya-maya pa ay sumuko na ako, wala narin ang magagawa kasi naka ayos na ng tuluyan ang kanyang tent. Iniwan ko nalang siya at ipinagpatuloy ang gawain ko sa araw-araw. Nakapag-almusalnarin ako at nakapagtanghaian pero sa bawat laas ko ng bahay ay naroon parin ang binata at nagsusumikap na makagawa ng apoy pero mula pa kaninang als syete ay hindi pa siya nakagawa ng apoy. Nag-alala naman ako dahil sa kalagayan niya kasi mula pa kaninang umaga hanggang ngayon tanghalian ay hindi pa siya nakakain, tanging tinapay na paubos ang kinain niya simula kaninang umaga. Sa twing mapapagawi ang tingin ko sa kanya ay nahuhuli niya akong nakatingin at nginitian lang niya ako o di kaya'y kikindatan. Iba talagang batang 'to, naghihirap na nga ay nagawang gumawa ng kalokohan.

Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na siya. Mukhang hindi na niya ako napapansin kasi hindi kaagad siya nag-angat ng tingin.

"Tama na'yan, pumasok kana sa bahay may natira pa akong pagkain kanina"

Doon lang siya nag-angat ng tingin noong nagsalita na ako, pero kung kanina ay aktibo ito sa paglingon, ngayon ay hindi na kasi unti-unti lang niya ito iningat, kumbaga ay parang slow motion. Nagulat naman ako sa itsura niya kasi namumutla na'to at puno ng uling ang maamo niyang mukha, pumupungay ang mga mata na sa tingin ko ay dahil sa gutom. Ngiti lang ang naisagot niya sa akin at hindi na nagmatigas , nauna pa talagang naglakad patungong bahay kesa sa'kin na ako ang may-ari. Napailing naman ako at hinayaan nalang.

Natapos ang pananghalian slash almusal niya kanina ng halos isang oras. Ang akala ko ay ma-iinarte pa'to dahil adobo lang at afritada ang ulam ko pero mali ang akala ko kasi halos maubos--ay hindi naubos niya talaga ang isang malaking mangkok ng adobo at afritada at isang kalderong kanin. Para siyang batang nasa langsangan na ngayon lang nakakain ng masarap na pagkain, ginawan ko rin siya ng fresh mango juice at halos naubos ang isang pitsel nito. Tahimik lang kami kanina habang siya ay kumakain habang ako ay nakamasid lang. Sa twing nagtatama ang paningin namin ay siya ang unang babawi non, parang nawala lang bigla ang mayabang na binata na nakilala ko kahapon, at napalitan ito ng maamong binata.

ESTORYA NI LOLAWhere stories live. Discover now