SA pagmamadaling makaalis doon ay hindi na inisip ni Sofia ang posibilidad na may makakakita sa kanya. Kailangan niyang makatakas at masabihan ang mga kasamahan. Hindi na rin niya alintana na maliwanag pa dahil papalubog pa lamang ang araw. She needs to warn them off. Nadiskubre na ni Zafrix ang tungkol sa kanilang sikretong samahan at hindi niya hahayaang malaman pa ng lalaki kung nasaan ang mga ito.
Hindi siya naniniwalang hindi gagalawin ni Zafrix ang mga ordinaryong tao na kasamahan niya. Kayang ubusin ng lalaking iyon ang lahat ng mga ito lalo na at may nakikita itong sapat na dahilan upang gawin iyon.
Ang Resistance ay isang sikretong samahan na binubuo lamang ng mga ordinaryong tao na ang layunin ay labanan ang mga taong-lobo at bampira. Ito ang kumopkop sa kanilang magkapatid matapos ang pag-atake nina Zafrix sa lugar na pinagtataguan ng mga taong-lobo, kung saan sila nanunuluyan, tatlong taon na ang nakalilipas. Iilan lamang ang nakatakas sa kanila dahil nadakip ang karamihan ng kasama nila ng mga tauhan ng lalaking iyon. Isa sa mga dahilan niya ang mahanap ang mga ito kung kaya't pikit-matang sinuong niya ang mismong panganib nang pasukin niya ang teritoryo ni Zafrix.
Habang tumatakbo ay nakarating siya sa daungan ng mga malalaking yate na tanging mayayaman lamang ang nakakabili. Noon lamang niya nakita ang mga iyon. Marahil ay iyon ang sinakyan ng mga tauhan ni Zafrix papunta sa islang iyon. Huminga siya nang malalim, hindi niya alam kung paano paaandarin iyon pero kailangan niyang subukan. Kailangan niyang makaalis.
Her association with Zafrix Wolfe had been unbearable and she wanted to make a final end to it. Sigurado siyang malalaman ng lahat kapag nangyari iyon. She feared him, and yet she was attracted to him in a very strange way. Masyado na siyang nagugulo ng koneksiyong hindi pa rin niya naiintindihan magpahanggang ngayon.
'Stupid beloved bond.'
Now she felt like a little bird instead of a tigress, being mesmerized by a venomous snake.
Nasa punto na siya ng paghakbang papunta sa mga yate nang bigla niyang narinig ang boses ni Zafrix mula sa kaniyang likuran.
"Marianne."
Nanlamig ang buong katawan ni Sofia nang makita ang lalaki roon. Kanina pa ba ito nandito? Bakit hindi man lang niya naramdaman ang pagdating nito? Alam ba nito ang balak niyang gawin? Hindi sinasadyang napaatras ang kaniyang paa. Alam niyang bahagya ring bumakas ang takot sa kaniyang mukha sa isipin na baka malaman nitong isa siya sa mga miyembro ng Resistance.
"What's wrong?" tanong nito na agad naging alerto. Iginala pa nito ang tingin sa paligid na tila ba naghahanap ng kahina-hinala.
"N-Nothing... J-Just admiring the v-view..." she stuttered, her heart pounding wildly agaist her chest. Mabuti na lamang at papalubog na ang araw kung kaya't nagbigay iyon ng pulang liwanag sa paligid siyang nakalatag sa mga ulap at karagatan.
He gaze at her intently, studying her features. Halatang alam nito na nagsisinungaling siya.
"Indeed, the view is beautiful..." he said slowly and walked towards her like an advancing predator.
Sofia shivered involuntarily at the sound of his voice. Napakalapit na pala nito. Unti-unti siyang nagtaas ng tingin at nakitang sa kaniya ito nakatitig. Mabilis na tumaas ang temperatura sa kaniyang katawan, lalo na nang hawiin nito ang ilang hibla ng buhok mula sa kaniyang mukha.
BINABASA MO ANG
Overcoming the Darkness (Series 2)
WerewolfMy goal is to torture him, burn him, skin him alive, rip his throat, drown him in his own blood, make him taste the pain of my vengeance, before I finally give my killing blow. That was before I locked gaze with one of Satan's evil spawn... And now...