CHAPTER TEN

2.1K 108 2
                                    

It annoys the hell out of her as she watched him say those words without any single expression on his face. Parang wala nga lang dito ang sinasabi nito. Paano nito nasasabi ang mga bagay na iyon gayong hindi naman niya maramdaman kung sincere ito o nagloloko lang? Wala. Wala talagang kaemo-emosyon. Kaya paano rin siya maniniwala rito?

"I only came after you for the sole reason of wanting to make you pay for killing my parents. Wala akong intensiyon na sundin kung ano man iyang sinasabi mong nakatadhana sa 'kin."

"It's already written. You cannot changed what's meant to happen."

"Then, I'll hunt down that bastard fate and make him rewrite his stupid---"

"Let's eat," putol nito sa sinasabi niya at kinuha ang table napkin.

She clenched her jaw. She no more have the appetite. Kahit na pa mukhang masarap ang beef stake na nakahain sa harapan niya. Lalo lamang umiinit ang dugo niya dahil tila balewala lang naman sa lalaking ito ang lahat. She should really stop this nonsense and think about of more important things.

Like her parents' death, her revenge, Dennis's suspicion about her, the resistance, and many more. Napakarami, ni wala pa nga siyang nagagawa ni isa sa mga dapat niyang gawin.

"Alam ko kung ano ang iniisip mo, Marianne." Mayamaya ay putol nito sa makapal na katahimikang nakapag-itan sa kanila. "But there is a reason on why I am like this."

"Like what?"

"Like what you are seeing right now," seryoso nitong sagot.

Napatigil siya sa pagsubo ng ubas  at tumingin dito. Hindi ito nakatingin sa kaniya at abalang hinihiwa ang beef stake.

'There is a reason on why he is so cold and serious?'

Nagtaas ito ng mukha at sinalubong ang kaniyang tingin.

"I've been living like a shell for nine hundred years, Marianne. And you are the only one who can bring back my soul."
  -
 
SOFIA was left with a more troubled mind after that awkward dinner. Not like what she had expected from romantic dates, theirs was like a funeral. Matapos sabihin ni Zafrix ang bagay na iyon ay lalo siyang nawalan ng ganang kumain. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Sa totoo lang, wala talaga siyang naintindihan.

Does he mean it literally? Parang hindi naman. She could sense a deeper reason on why he is being like 'that'. Pero hindi talaga niya ma-gets. Gulong-gulo na nga siya para sa damdamin niya para rito ay binigyan na naman siya nito ng bagong isipin. Punong-puno na ang utak niya, natatabunan na nga ang kagustuhan niyang paghigantihan ito.

Matapos nga iyon ay bumalik na sila ng mansiyon. But this time, tinanggal na niya ang sapatos at naglakad na lamang ng nakapanyapak. Nagpatiuna pa siya at naiinis siyang hindi man lang siya nito pinigil o ano. Paglingon niya sa kaniyang likuran ay wala na pala siyang kasama.

"Ang buwisit na iyon," nasabi niya sa sobrang inis.

She was about to climb up the stairs when she saw Dennis going down. Napatigil siya. Gusto niya itong iwasan. She needs to be wary of him because he might recognized who she really is. Kaso bago pa man siya makaliko ay tinawag na siya nito.

"Lady Marianne," tawag nito.

Tumigil siya at humigit ng isang malalim na hininga bago ito hinarap. Nakababa na ito ng hagdan at katulad ng dati ay natigilan itong muli pagkakita sa kaniya.

Overcoming the Darkness (Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon