DALAWANG araw makalipas ang pagtakas nila ay madalas na siyang wala sa sarili. Hindi lang iyon. Her mark always throbs painfully lalo na kapag wala siyang ginagawa. Kaya naman madalas niyang inaabala ang sarili sa lubusang pag-eensayo at pilit na pinapagod ang sarili.
Nakakahalata na rin ang ilan sa kakaibang ikinikilos niya. Nagsisimula nang mag-alala sina Glory at maging ang kapatid niya dahil sa madalas niyang pagiging tulala sa isang tabi.
Nang minsan ay kasama niyang nag-eensayo ang mga natitirang miyembro ng Resistance. At ang kaniyang kalaban sa pagkakataong iyon ay ang kaniyang mentor.
"Focus, Sofia!" seryosong bilin nito sa kaniya bago siya muling inatake.
If she didn't have a much better senses, malamang ay sa nagawa na siya nitong sugatan gamit ang hunting knife na hawak nito. Iniwasan niya ang bawat pag-atake nito. Kabisado na niya ang pattern ng pakikipaglaban ng kaniyang mentor dahil ito ang nagturo sa kaniya ng lahat.
"Very good," nakangiting sabi ni Glory nang magawa niyang salagin lahat ng pag-atakeng ginawa nito. "But please don't be distracted next time, Sofia. Halatang-halata sa kilos mo na may malalim kang iniisip."
Hindi siya kumibo at sa halip ay walang sabi-sabing inagaw ang patalim na hawak nito at itinutok iyon sa leeg ng babae. Napasinghap si Glory sa pagkagulat. Ngumiti siya.
"That's just my excuse, ate. So you will give me an opening."
Glory gave her a smirk and twisted her body so fast to give Sofia a roundhouse kick. Natamaan nito ang kamay ni Sofia kung kaya't tumilapon ang hawak niyang patalim. Sinundan iyon ng tingin ni Sofia at mabilis na bumalik sa kaniyang ala-ala ang naganap sa hotel kung saan nasa punto siya noon na pupulutin ang nabitawang dagger nang bigla siyang hapitin ni Zafrix sa beywang at markahan. Napadaing siya nang bigla na lamang kumirot ang marka sa kaniyang leeg.
"Sofia! Anong problema?" alalang tanong ni Glory na mabilis na lumapit sa kaniya.
-
Hawak-hawak niya ang gilid ng leeg habang mariin na nakapikit dahil sa sobrang sakit. Nagsisimula na rin siyang makaagaw ng atensyon mula sa iba pang miyembro na naroroon. She forced herself to calm down even though the pain was almost blinding her. Dumiretso siya ng tayo at tiningnan si Glory."A-ayos lang ako. Na-Naipitan lang siguro ako ng ugat. Magpapahinga muna ako, ate," sabi niya at nagmamadali nang umalis doon.
Nanghihina siyang naupo sa kawayang upuan sa loob ng kanilang bahay. Hawak-hawak pa rin niya ang marka sa gilid ng kaniyang leeg. Hindi man lang nababawasan ang kirot mula roon at parang nadadagdagan pa nga.
"Sofia."
Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig si Glory. Sinundan pala siya nito. Naupo ito sa tabi niya at tinitigan ang mukha niya.
"Ano na bang nangyayari sayo? Bakit ayaw mong sabihin sakin? Dalawang araw na kitang tinatanong," sabi nito na bakas sa tono at itsura ang sobrang pag-aalala.
She shut her eyes tightly when another wave of pain came through her.
"Ayaw ko na kayong pag-alalahanin, ate. Please. I will tell you everything once I'm ready," sabi niya sa mahinang tinig.
"S-Sige. Pero sana hindi ka na mag-alangang sabihin sakin lahat. Nag-aalala na kaming lahat sa iyo. Ibang-iba ka na sa dating Sofia na nakilala namin."
She opened her eyes and looked at the kind-faced woman. "Ako pa rin ito, ate. M-May pinagdadaanan lang akong sobrang hirap."
"Sana magawa mo akong pagkatiwalaan."
Nag-iwas siya ng tingin. May tiwala siya rito, sa kanilang lahat. Ang kaso ay, ayaw na niyang makarating pa sa mga ito kung sino at ano siya sa kanilang numero unong kalaban. Lalo lamang manganganib ang lahat.
BINABASA MO ANG
Overcoming the Darkness (Series 2)
WerewolfMy goal is to torture him, burn him, skin him alive, rip his throat, drown him in his own blood, make him taste the pain of my vengeance, before I finally give my killing blow. That was before I locked gaze with one of Satan's evil spawn... And now...