Chapter Thirteen.

376 57 6
                                    

Anghel Pov.

Pagpasok na pagpasok ko sa school nagtataka ako kung bakit yung ibang studyante tinitignan nila ako, bakas sa mukha nila ang pandidiri at pag digusto sa akin.

Yung iba naman pinagbubulungan ako at tinatawanan. Ang mas nakakainis pa doon nginingisihan ako ng mga lalaki at parang minamanyak pa ata nila ako sa mga tingin nila.

Ano bang problema nila? Tangina.

Tinitignan ko lang sila ng masama nakita kong tumatakbo na parang kabayo si Laureen habang papunta sa akin. Huminto ako sa paglalakad ng makatapat na siya sa akin hingal na hingal ito.

"Lodi may kailangan kang makita." Seryosong sabi niya.

"Ano na naman ba yun paepal ah? Kay aga aga yang pagmumukha mo agad ang nakikita ko! Paepal ka talaga." Mataray na sabi ko.

"Relax Lodi kay aga aga rin highblood kana agad." Nakasimangot na sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.

"Mukha mo ba naman una kong makikita sinong hindi maha-highblood." Mataray na sagot ko sa kanya.

"Tss. Halika my kailangan ka makita." Akmang hahawakan niya ako ng lumayo ako. Nagtataka siyang tumingin sakin.

"Wag mo akong hahawakan baka kung anong virus ang meron ka mahawaan mo pa ako."

Umiling iling lang siya sa sinabi ko.

"Arte nito. Fine. Sumunod ka sakin katulad nga ng sinabi ko, MAY DAPAT KANG MAKITA, Hayst. Paulit ulit na lang ako." Napipikon niyang sabi.

Nauna na siyang naglakad umirap mona ako bago sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa second building kung nasaan ang room ko nagtaka ako dahil maraming nagkukumpulang studyante hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

Nang makita ako ng mga studyante katulad kanina sa mga studyante na nakatingin sa akin. Bakas sa mukha nila ang pandidiri at pagdigusto sa akin.

"Anghel buti nandito kana." Nag aalalang sabi ni Sienna kasama niya si Aisha.

"Bakit ba ano bang meron?" Tanong ko.

Hinila ako ni Aisha kaya humawi ang mga studyante.

Nanigas ako ng my makita akong malaking tarpaulin na nakasabit sa second floor halos hindi ako makahinga sa mga nakikita ko.

No!

Nakalagay sa malaking tarpaulin ang picture ko may naka-caption din na.

ANGHEL SY TOUGH  'THE QUEEN OF BITCH'
Of Lorkins National Highschool

Yeah. SHE'S A BITCH dahil inagaw niya ang EX-BOYFRIEND KO. Isa siyang MALANDING BABAE na nang agaw ng boyfriend! Nilandi niya ang ex-boyfriend ko para hiwalayan ako ng ex-boyfriend ko. Who knows kung anong ginagawa nilang dalawa kapag silang dalawa lang ang nagkikita.

Well. Hindi na nakapagtataka yun dahil nasa lahi na nila ang pagiging malandi, dahil kahit ang parents niya may mga kalandian din na iba. Bagay nga sa kanya ang ang bansag na "The Queen Of BITCH" dahil isa siyang MANG AAGAW AT MALANDING BABAE.

Nanglambot ang mga tuhod ko sa mga pictures na nakita ko, bukod kasi sa pictures ko may pictures din sila mommy at daddy sa mga babae at lalaki nila.

Pati ang mga pictures ko na my kasamang lalaki edited lang yun! Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang galit kung sinuman ang my kagagawan nito sigurado akong gusto niya akong ipahiya. Pinilit kong maging blangko ang mukha ko.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now