Chapter Twenty Nine.

332 32 4
                                    

Anghel Pov.

"Anghel okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Amber.

Nandito na rin sila Sienna, Aisha at ang mga kaibigan ni Legend. Inirapan ko lang sila syaka ko tinabig ang kamay ni Amber.

Masama kong tinignan ang mga kasamahan kong class officers na mga walang kwenta, kung kailan ako ng sampal ng walanghiyang lalaki na yun syaka sila susulpot!

Bwesit!

"Saang impyerno ba kayo galing at ngayon lang kayo ah!? Hindi niyo ba alam na may kumakalaban sa section natin!?" Galit na sabi ko sa mga kasama kong class officers.

"Lodi okay ka lang ba masakit ba ang pisngi mo?" Nag aalalang tanong sakin ni Laureen akmang hahawakan niya ang pisngi ko ng umiwas ako.

"Meserep, meserep kaya." Pabebe at sarcastic na sagot ko sa kanya.

"Hahaha tangina Anghel nakuha mo pa talagang magbiro, pagkatapos mong masampal hahaha." Tumatawang sabi ni Sienna.

Napansin ko rin na nag pipigil din ng tawa sila Aisha at Amber, ganun rin ang mga kaibigan ni Legend.

"Masakit ba?" Tanong ulit ni Laureen.

Mahinahon ang pagkakatanong niya sakin pero hindi ang mga mata niya. Dahil katulad ni Legend nag aapoy din ang mga mata nito sa galit.

"Ikaw ba naman sampalin hindi ka ba masasaktan? Ikaw kaya sampalin ko ng malakas tapos tanungin kita kung masakit ba pisngi mo, makasagot ka pa kaya ng 'hindi masakit'? Saan ka nakakita ng sinampal na hindi masakit, aber?" Pag bubunganga ko sa kanya.

"Pffttt... Grabi Anghel para kang nag ra-rap, tinanong ka lang ni Laureen ang dami mo ng sinabi hahaha." Sabi ni Magnus at hindi na napigilan nito ang tumawa.

Mas lalong naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Anong gusto niyong isagot ko sa tanong niya? Na nasarapan ako sa pagkakampal sakin ng tarantadong lalaki na yan?" Inis na sabi ko sabay turo kay Jeremie na binubugbug pa rin ni Legend.

Pero wala akong pakiilam sa lalaki na yan bakla sya! Bakla!

"Hahahaha."

Pakiramdam ko nag init lalo ang ulo ko ng malakas lang akong tawanan nila Magnus at Vance.

"Mga piste kayo tignan natin kung makatawa pa kayo kung butasin ko yang ulo niyo gamit ang takong ng sapatos ko, 3 inches din 'to! Kayang kayang butasin ang ulo niyo kapag pinukpok ko 'to sa ulo niyo " Pikon na sabi ko.

"Pffttt... Hahaha nagbibiro ka lang Anghel diba? Hahaha." Tumatawang sabi ni Vance.

"Bakit kailan ba ako nagbiro?" Sabi ko na ikinahinto nila sa pag tawa.

Namutla sila ng aalisin ko na ang takong ko nagtago ang dalawa sa likod ni Aisha.

"Mhine oh, si Anghel hahampasin ako ng takong niya." Parang bata na sumbong ni Vance kay Aisha.

"AAAHHHH..." Napalingon ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Jeremie marami ng dugo ang uniform nito pati ang mukha.

Nakita ko kung paano sinuntok ng malakas ni Legend sa mukha si Jeremie tumilapon ito sa loob ng classroom namin, napataas ang kilay ko ng sumugod ang dalawang kaibigan ni Jeremie kay Legend.

Sasapakin sana si Legend ng isa ng mahawakan nito ang kamay ng lalaki at syaka sinuntok sa mukha. Yung isang lalaki naman bago pa ito makalapit kay Legend, sinipa niya na ito sa mukha pagkatapos hinila niya ito at inuntog sa blackboard. Ganun rin ang isang lalaking hinawakan niya kanina sa kamay.

Nangilabot ako ng makita ko kung paano nabutas ang blackboard namin dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam na ganito pala kahalimaw si Legend pagdating sa pakikipag away.

Pasugod na ang tatlong lalaki kay Legend ng humarang ang mga kaibigan ni Legend. Sinuntok sa sikmura at mukha ni Vance ang isang lalaki, sasapakin niya sana ulit ang lalaki ng suntukin ito ni Harry kaya tumumba ang lalaki.

Dinaganan pa ito ni Harry at sunod sunod niya itong pinagsusuntok sa mukha, hinila siya ni ni Vance at tinapik sa balikat.

"Pre kalma ka lang." Sabi ni Vance.

Unti unting tumayo ang lalaki pero nagulat na lang ako ng si Vance naman ang sumunod na sumuntok sa mukha ng lalaki.

Hinila siya palayo ni Harry pagkatapos tinapik tapik niya ito sa balikat.

"Pre kalma ka lang." Sabi ni Harry kumunot ang noo ko sa dalawa.

May saltik ba ang dalawa na 'to?

"Ako naman Remy." Tumingin ako dahil sa sinabi ni Magnus.

Hawak hawak ni Magnus ang lalaki habang sunod sunod ang pagsuntok nito sa lalaki. Sa mukha, sa sikmura at kung saan saang parte pa ito natatamaan.

Tumigil sa pagsuntok si Remy at kinuha ang lalaki na kunti na lang mahihimatay na ata. Marami na itong pasa at maga na ang mukha ng lalaki.

"Tingin ko dapat na natin sila awatin." Rinig kong sabi ni Sienna.

"Remy." Mahinang bulong ni Amber kaya nilingon ko siya.

Malungkot itong nakatingin kay Remy at halata sa mukha nito na hindi niya gusto ang ginagawa ng binata.

Hmm... Kung makabanggit ito sa pangalan ng lalaki parang ang tagal niya na itong nakasama... Nakapagtataka.

"Hayaan mo sila ginusto ng mga lalaki yan eh, mga tarantado ang lalaki na yan balak pa ata nilang pag tulungan ang kuya ko, magdusa sila!" May himig na galit na sabi ni Aisha.

Napagiwi naman ako ng makita kong nasuntok sa mukha si Laureen pero agad din nakabawi ang binata dahil malakas niya rin itong sinuntok sa mukha.

Sinipa rin ito ng malakas ni Legend sa mukha. Parehong nagliliyab ang mga mata nito sa galit.

Nakaramdam ako ng kaba ng makita ko si Jeremie na nasa likod ni Legend at may hawak na upuan, hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo papunta kay Legend ng makita ko si Jeremie na hahampasin niya si Legend.

Nagulat pa si Legend sa bigla kong pagyakap sa kanya bago pa ako makapagsalita naramdaman ko na ang malakas na bagay na humampas sa likod ko. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko ng maramdaman ko ang matinding sakit sa likod ko.

Nakita ko ang pagdaan sa mga mata ni Legend ang pag aalala ng magkatitigan kaming dalawa bago ulit dumilim ang mukha niya, kung nakakatakot na ang mukha niya kanina mas lalo itong nakakatakot tignan ngayon. Bago pa ako matumba nahawakan na ako ni Legend.

"Fuck! Anghel." May pag aalala sa boses nito pero nandoon ang mapanganib sa boses nito.

"L-Legend." Huling kong sabi at nag dilim na ang paningin ko.

***

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now