Chapter Forty Six.

44 2 0
                                    

Author's Pov.

"Twin. Kukunin ka na bukas ni lola." Malungkot na sabi ni Angelica sa kanyang kakambal na si Anghel.

Bukas kasi ay darating ang lola niya na galing sa batanggas para kunin siya. Ayaw man niya pero wala siyang magagawa, masyado pa siyang bata para humadlang sa decision ng mas nakakatanda sa kanya.

Ayaw niyang iwan ang kakambal niya at ang mga kaibigan niya, lalo na si Legend. Pero katulad nga ng sinabi niya wala siyang magagawa.

Pilit siyang ngumiti sa kakambal niyang umiiyak na.

"Huwag ka ngang umiyak jan, iniiyakan mo ako, eh, hindi pa nga ako patay." Biro niya rito kaya nakatanggap siya dito ng kurot sa tagiliran.

Umakto siyang nasaktan kahit na ba ang totoo hindi naman talaga masakit. Halos hindi nga niya naramdaman na kinurot siya ng kapatid niya eh. Ganyan ka-soft ang kakambal niya.

Sa kanilang dalawa na magkambal si Angelica ang iyakin at mahina ang loob na kabaligtaran naman niya.

Mabait ito at laging nakangiti sa mga taong nakakasalamuha niya, kahit na ba ang iba'y inaabuso na ang kabaitan niya. Kaya nga lagi niya lang ito nasa tabi kasi yung ibang mga bata na ka-age lang nila inaaway ang kakambal niya.

Isa rin sa ugali ni Angelica na hindi mahilig sa gulo kapag inaaway ito iiyak lang ito pero hindi lalaban, na labis niyang ikinaiinis sa kakambal niya. Masyado itong mabait kaya ang ibang tao naaabuso ang kabaitan niya.

Siya kasi kung anong ugali ng kapatid niya, yun naman ang kabaligtaran ng ugali niya. Kaya nga tinatawag na angel si Angelica, samantalang siya bad angel.

"Huwag ka ngang magsasalita ng ganyan Twin!" Inis na sabi nito sa kanya pinisil niya ng mahina ang pisngi nito.

"Ito naman nag jo-joke lang ako eh. Hindi ka naman mabiro." Natatawa niyang sabi.

Bumuntong hininga ang kakambal niya.

"Hindi mo dapat ginagawang biro ang kamatayan ng isang tao." Sermon nito sa kanya na ikinaikot ng mga mata niya.

"Oo na po Kambal. Sorry na." Sabi niya na lang para hindi na siya masermonan nito.

"Nakapag paalam ka na ba kanila Aisha at Dash?" Tanong sa kanya ni Angelica na ikinatahimik niya.

Sila Dash Legend At Aisha ay magkapatid na kaibigan nilang dalawa. Hindi mali. Hindi na pala kaibigan ang turing niya kay Legend dahil higit pa sa kaibigan ang turing niya sa binata.

Ganun rin naman ang binata sa kanya, hindi na rin isang kaibigan ang turing nito sa kanya. Dahil higit sa kaibigan na rin ang turing nito sa kanya.

Sa katunayan nga niyan may pangako na sila sa isat isa, pero lihim lang nilang dalawa iyon

Ayaw niyang ipaalam kanila Aisha at sa kakambal niya ang pangako nila sa isat isa.

"Hindi pa. Actually magkikita kami mamaya ni Legend, doon na ako magpapaalam sa kanya." Sabi niya.

"Lagi na lang kayo nagkikita ni Legend." Sabi nito sa kanya na para bang nagtatampo.  "Ayy. Oo nga pala, Twin, may gusto sana akong sabihin sayo, matagal ko ng gustong sabihin ito sayo kaso nahihiya lang ako." Sabi pa sa kanya ni Angelica na hindi makatingin ng maayos sa kanya.

"Ano naman yun? Sige na sabihin mo na, para naman tayong hindi magkambal niyan eh." Pamimilit niya rito.

Nahihiyang tumingin sa kanya si Angelica.

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now