Chapter Forty Seven.

41 5 0
                                    

Anghel Pov.

Nakanguso ako habang nakatingin sa cellphone ko, tinitignan ko ang petsya na nakalagay sa akin cellphone.

September 12 2019.

It's my birthday.

Kung nabubuhay lang ngayon si lola malamang nagluluto na ito sa handa ko, at kinukulit na akong isama ang mga classmates ko sa bahay namin.

Pero iba na ngayon. Wala na ako sa batanggas, wala na rin si lola, at sempre wala na rin handaan na magaganap, katulad ng nakagawian ko. Hindi na rin ako umaasang maaalala nila mommy and daddy ang birthday ko.

Kasi kung naaalala nila malamang kanina pa nila ako binati diba? Katulad nitong kasama ko ngayon na fuck boy! Hindi manlang naalala na birthday ko ngayon, nakakabwesit lang sarap tadyakan ang ulo niya, hanggang sa maalog ang utak niya at maalala niyang birthday ko ngayon.

Hmm... Why not diba?

Tumingin ako sa kanya, seryoso lang siyang nag da-drive. Pagkatapos ko kasing mag i love you sa kanya kanina, sinampal ko siya ng malakas at kinaladkad palabas ng kwarto ko.

Kaya ang ending? Ayan. Simula pa kanina seryoso na ang mukha at hindi ako pinapansin.

Tinanggal ko ang isang sapatos sa paa ko at saka ito inangat. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Legend dahil sa ginawa ko.

Kunot noo ka pa ah. Tignan natin kung kumunot pa ang noo mo kapag sinipa ko yan ulo mo. HAHAHA.

"What are you doing Anghel?" Kunot noong tanong niya sakin.

"Wala pa akong ginagawa. Gagawin ko pa lang." Nakangisi kong sabi sa kanya sabay sipa sa mukha niya.

Dahil sa ginawa ko nagpagewang gewang ang kotse namin.

"What the fuck Anghel!" Galit na sigaw niya pero sinipa ko ulit siya sa mukha na mas lalong nagpagalit sa kanya.

Bad Anghel... Bad.

Dahil nagpagewang gewang ang kotse, gumilid siya at naghanap ng pwedeng i-park. Nang makahanap siya agad niyang pinatay ang makina ng kotse, at galit na galit na humarap sakin.

Napalunok ako dahil sa galit na nakikita ko sa kanya. Aminin ko naman natatakot ako sa kanya ngayon, kasi talaga naman na nakakatakot! Bago pa niya ako masakal at mapatay ay sinigawan ko na siya.

"It's my birthday today! Sinipa kita kasi baka maalog ang utak mo, at maalala mong birthday ko ngayon!" Sigaw ko sa kanya na ikinatigil niya.

"Goddamnit! I forgot! Fuck!" Sunod sunod na mura niya.

Okay. Hindi naman masakit. Hindi talaga masakit na hindi niya naalala na birthday ko ngayon, hindi talaga masakit na ang taong mahal mo nakalimutan ang isang mahalagang bagay sa buhay mo. Hindi talaga masakit promise!

Dahil sa sakit este inis na nararamdaman ko dahil kinalimutan niya ang birthday ko, sinuntok ko siya sa mukha at saka siya sinabunutan ng malakas.

Aray naman siya ng aray dahil sa pananabunot ko sa kanya, habang ako ay tawa ng tawa.

"Dahil nasaktan este nainis mo ako, dapat ka rin masaktan este mainis pala! Bwesit ka! Kinalimutan mo ang birthday ko? How dare you fuck boy! How dare you!" Sabi ko sa kanya at mas lalo kong nilakasan ang pagsabunot ko sa kanya kaya mas lalo siyang napasigaw.

Habang ako hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa. Nababaliw na ako! Dahil niyo na ako sa mental hospital, now na!

"Anghel.."

THE QUEEN OF BITCH: Anghel Sy Tough[UNDER REVISIONS]Where stories live. Discover now