Practice

3.6K 33 11
                                    

Minsan 'di ko narin maintindihan si sir. Ito... Ay mali!


Minsan 'di ko narin maintindihan yung feelings ko.

Sa tuwing may recitations at reporting parati nalang ako ang bukang bibig ni sir. Ito.

Kala ko nga ako lang nakakapansin nun. Pati mga kaklase ko, pansin din yun.

Sa tuwing badtrip si sir. Ito ako ang tinatawag ng mga kaklase ko para kausapin si sir. Ewan ko sa mga kaklase ko parang baliw lang (pero gusto ko rin hahahaha).



It's Monday


'Yan na naman at patapos na ang English subject namin, pasimpleng liptint at pulbo rin naman ako bago mag Mapeh time, para 'di nila halata.

Sir. Ito: Ok class, good morning!

Classmates and me: Good morning sir. Ito!

Sir. Ito: So ngayon, hindi ko pala nasabi sainyo kahapon na magdala kayo ng P.E uniform, dahil magpapratice tayo para sa Chacha and after that, ipe-present niyo sakin by group.

Luh, my goodness! My weekness. Hate na hate ko talaga ang pag sayaw, huhuhuhu.




Sir. Ito: So ngayon, pupunta tayo sa court para magpractice at 'di para magharutan. Maliwanag!? (Tas tumingin sa'kin)


Sir. Ito walang ganyanan, I'm not ready!!!!





Habang nakapagform na kami ng by group. Syempre pumuwesto ako sa pinakalikod para 'di ako makita ni sir, baka pagtawanan at asarin lang ako ee.

Tapos yung ituturo niya na yung dance step sa chacha. Pansin ko si sir parang may hinahanap, bandang likod pa naman ako nun. Bigla siyang humakbang papunta sa kinaroroonan ko. Nagkunwari naman akong 'di ko napansin at nagbisibisihan nalang ako. Tapos bigla niyang hinila yung isa kong kaklaseng babae sa bandang tabi ko lang.

Sir. Ito: ikaw na nga lang.

Gosh! 'Di ko alam kung matutuwa ba ako kasi hindi ako makakasayaw sa harap ng mga kaklase ko at nakaligtas sa kaba dahil pawis narin ang kamay ko (nakakahiya naman kay sir. Ito kung mahahawakan niya ang kamay ko na ganto ang kalagayan) at 'di narin ako mapagtatawanan sa mala robot kong sayaw.





O magagalit ba ako, dahil sayang yung chance ko na makasayaw si sir. (Ito na nga yung pagkakataon ko oh, pinalagpas ko pa!) Iba tuloy ang kasayaw ni sir.






Ito tuloy ako ngayon nganga. Pilit ngiti (deep in side selos na selos), kunwari nakatingin ako sa mga steps, pero si Sir. Ito talaga yung tinitingnan ko, kagigil si Klasmeyt may patawa-tawa pang nalalaman.

Habang nagpapratice na kami ng kagroupmate ko biglang lumapit si sir. Ito...






Sir. Ito: Rachel, medyo iayos mo naman yung pagsasayaw mo. (Biglang nagtaka) Wait teka nga, bakit babae yung kapartner mo, ha? (nakatingin sa'kin)

Rachel: Sir, kulang po kasi kami sa lalaki, puro babae na kami rito. Tyaka sir 'di po ako sanay na may kasayaw na lalaki. Strict ang parents ko (pabiro kong sabi)

Sir. Ito: Eh sino ang gaganap na lalake sainyong dalawa? Kasi sa final performance ee panglalake rin dapat yung attire ng magiging lalake sainyong dalawa. (Nakangiti niyang sabi)

Rachel: A....ko sa... (hindi ko pa tapos ang pagsasalita ko, biglang sumingit si Jen ang ka-partner ko she's a lesbian)

Jen: Sir, ako nalang po sana kasi mas matangkad ako at mas maganda kung si Rachel nalang ang gaganap na babae

Sir. Ito: Oo nga Rachel mas magandang si Jen nalang ang gaganap na lalake (huminto siya saglit)  at mas maliit ka kaysa kay Jen (panglalait ni sir ito saakin).

Rachel: Grabe ka sir, nahurt naman ako ro'n sa maliit ha. ( sabay hawak sa puso at ngumiti)


Salamat at natapos narin namin ang mga steps sa sayaw.

Sir. Ito: Ok, bukas bring yung attire. Na-discuss ko narin naman sainyo yung proper attire na dapat damitin, right!.

Classmates: Opo!

Habang nagsasalita si sir. Nakatitig ako sa kanya ng 'di ko namamalayan.

Sir. Ito: So, next  week niyo 'yan ipe-perform by group kailangan may attire na, dahil kasama rin yun sa scores niyo. Dapat kabisado niyo na 'yan. Ok, Class you may go! Goodluck.


Shocks! Nakakahiya, lumingon si sir. Feeling ko talaga napansin niya na kanina ko pa siya tinititigan.


Namula talaga yung mukha ko ng sobra-sobra. Pinapakalma ko nalang yung sarili ko sa sobrang hiya ko.

'Wag kang nag-alala Rachel, normal lang na titigan mo si Sir. Ito kasi teacher siya at for sure 'di niya iisipin na gusto mo siya, dahil ang alam niya nakikinig kalang sa kanya. Malaya ka Rachel, malaya kang tumitig kay sir Rachel, ok!.

"MY MAPEH TEACHER"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon