Monday

1.7K 25 5
                                    

Makalipas ang weekend mula ng maganap ang performance nila Rachel.

Monday na



Pagpasok pa lamang ni Jen sa room ay agad niyang tinungo si Rachel sa kanyang kinauupuan. Niyakap niya ito kaagad.

Jen: Uy Rachel, patawarin mo na 'ko... 'Di  ko naman sinasadyang umabsent ee, nilagnat kasi ako.  ( pagmamakaawa nito ka Rachel)

Si Rachel naman ay walang kibo sa kanyang kinauupuan.

Jen: Kumibo ka naman Rachel oh. ( habang pilit na pinapatingin nito si Rachel sa kaniya)

Lumingon naman si Rachel

Rachel: Sino nga po pala sila? ( patanong nito kay Jen na ani mo'y  'di niya ito kilala)

Jen: Sorry na talaga. Ano ba dapat kong gawin para mapatawad mo ko...   ( pagmamakaawa nito kay Rachel) lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako. (dagdag pa nito)

Si Rachel naman ay palihim na tumawa.

Rachel: Jen right? (  pigil tawa)

Jen: luh, ano yan pinagtatawanan mo ba ko? ( nagtampo)


Hindi na napigilan ni Rachel ang tawa niya kaya nagsalita na'to.

Rachel: Oo na. Ok lang naman sakin yun, tutal acceptable naman yung reason mo. ( sabi nito kay Jen) tyaka sabi mo kanina, lahat gagawin mo mapatawad lang kita...  For now bati tayo, pero wag mong  kalilimutang may utang ka sakin ha! ( dagdag nito kay Jen at tumawa)

Jen: luh! Ano kaya yun... Bahala na... Basta bati na tayo ha. ( niyakap nito ulit si Rachel )

Rachel: Ano ba yan 'di ako makahinga ( pagbibiro nito ni Rachel,) Baka ako na naman ang magkasakit nito. ( dagdag pa nito)

Bumitaw agad si Jen sa pagkakayakap niya kay Rachel ng may mapansin.

Jen: Wait nga lang, bat di mo ko tinatanong kung ok lang ba ako?. ( pagtatampo nito kay Rachel)

Rachel: Syempre alam ko naman na tama na ang tatlong araw para gumaling ka. ( nakatingin ka Jen) tyaka alam ko naman na ok ka na. Lalo na ngayon na nakita mo na 'ko, aaayyyiieee ( pang-aasar nito kay Jen)

Jen: Ala, ayaw ko na nga. Parang lumakas yung hangin bigla ah. ( umarteng nilalamig) mukhang babalik yung lagnat ko nito ( at biglang tumawa)

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Patapos na ang English subject ni Rachel at makikitang abala na naman si Rachel sa pag-aayos sa sarili.


Nandyan na si sir!!!  (sigaw ng isang kaklase ni Rachel na galing sa labas)



Si Rachel ay nagsusulat sa kanyang kinauupuan.


My ghad! Ang bilis ng kabog ng puso ko. Anong gagawin ko ngayon?

Ahh... gagawin ko muna yung iba ko pang mga assignments para bukas.

My gosh...


Andyan na si sir!






Nakatayo na sa harapan si sir. Ito


Sir. Ito: Ok, good afternoon class. ( habang nakatayo sa harapan)

Nagtayuan naman ang lahat at binati si sir. Ito.

"MY MAPEH TEACHER"Where stories live. Discover now