04.

49.4K 1.9K 2K
                                    






Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Demrene's Point of View

Hila-hila ko si Maddy palabas ng gate habang masayang nakangiti. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano nagpadala si Eris sa kamandag ko. I don't know why he closed his eyes when in fact he don't need to do that because he don't have feelings on me. That's ridiculous. I'm laughing. 1 point, Eris. Kaunti na lang at magugustuhan mo na rin ako.

Ilang years ko na rin siyang sinusuyo at nililigawan pero ngayon lang ulit siya kumagat ng ganoon. I feel blessed. Gagamitin ko nga ulit 'yung bagong pabango ni Mama.

"Hibang ka na talaga, Dem!"

Sandali kaming napatigil sa paglalakad nang kumawala sa hawak ko si Maddy at batukan ako. Napataas naman ang kilay ko habang tumatawa.

"I know right. Matagal na akong hibang kay Eris and finally, napaamo ko s'ya kanina. You saw that? Muntik ko ng halikan yung kissable n'yang lips!" Mahinang saad ko ngunit sapat na para marinig niya.

Akmang kukurutin niya ako sa singit pero kaagad akong umilag. "Hey!" I said while laughing. Hindi ko pa rin talaga mapigilan yung kilig.

"Paano na lang kung dumating si Xyzhie at makita ka n'yang hinaharot mo 'yung boyfriend n'ya? Alam mo naman kung gaano kaimpluwensya ang pamilya nila rito sa University, di ba?" Nag-aalalang tanong ni Maddy.

Bahagya namang napawi ang ngiti sa aking mga labi at sandaling napaisip. Yes, she's right. Yun din pala ang kulang sakin. Talo rin ako ng Xyzhie'ng iyon sa impluwensya rito. She's rich. Ako? Medyo lang. Hindi pa sigurado 'yon. Pero ano bang pake ko?

Lumapit ako kay Maddy at marahan siyang inakbayan, "Chill, Maddy. Bakit ako matatakot? I have you and your back, right? Yakang yaka n'yo 'yung pamilya nina Xyzhie. I am sure of it." I said confidently.

Maddy rolled her eyes. "Yah, you're right but not all the times, Dem. Kaya kung ako sa'yo, give some limits sa panghaharot mo d'yan kay Eris. Baka mamaya sa sobrang pagmamahal mo sa kan'ya wala ng matira sa'yo ha? You have me pa naman, hindi lang si Eris yung nandyan, no."

I felt guilty. Sa pagkakataong ito, tama ulit s'ya. Pero anong magagawa ko. Maddy, my best friend makes me happy but Eris, my loves makes me more happy. Bata pa ako and I should enjoy this moment. Mahirap naman kung lagi na lang tayong nagpapaka-kj sa buhay.

Minsan, masarap gawin yung mga bagay na bawal at hindi pwede. Dahil sa pagtanda natin, hindi na ulit na'tin 'yon magagawa. Life is too short. We must enjoy this life while we're still living.

Pumikit ako at niyakap s'ya. I tapped her back three times and estrange myself on her. "Thank you, Maddy. I appreciate it. Yung concern mo and yung mga advice mo pero di ba? Mas masaya kung pipiliin natin kung saan tayo masaya."

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now