35

36.2K 1.9K 638
                                    




Overthinking





Napabangon ako sa higaan nang maalala ko na naman ang sinabi ni Xyzhie kanina noong nasa loob kami ng rest room. Hindi talaga mawala sa isip ko 'yon kahit na kanina pa akong nakapikit.

Alas dyis na pero hindi pa rin ako dalawin ng antok... pinipilit kong matulog pero lalong nagigising ang diwa ko dahil sa kakaisip ng tungkol doon.

I didn't want to ask Eris about this.

Kung itatanong ko man sa kan'ya, siguro sa personal ko 'yon gagawin. This is also a personal matter... an important matter.

Nasira na rin kasi ang mood ko matapos ang usapang 'yon. Halos buong lesson akong hindi makausap ni Maddy, kahit si Eris. I'm talking to him but it has limitation.

Kung ano lang ang itanong n'ya, yun lang ang sasagutin ko.

Inalis ko ang kumot na nakabalot sa'kin at tumayo sa higaan.

Kinuha ko ang flask bottle na nakapatong sa study table at ininom.

Halos maubos ko ang laman noon bago bumalik ng higaan. Hindi ko alam kung uhaw ba ako o dahil iyon ng inis kaya pinagpapawisan ako kahit bukas naman ang aircon.

Bumuntong hininga ako at ikinuyom ang dalawang kamao.

"Hindi. I will trust him. Sa bibig na mismo niya nanggaling, I should trust him..."

Bulong ko sa sarili ko. I'm trying to comfort myself and stay positive. Hindi naman talaga dapat ako mag-overthink!

Umiling ako at humiga sa kama. Overthinking is not good with my mental health as well as Xyzhie.

Nang tuluyang makahiga, sandali ko namang inabot ang phone na nakapatong sa side table at nagtingin ng kung ano-ano sa social media accounts.

Pampaantok na rin. Share muna bago matulog. Nakasanayan ko na rin kasi 'to and it's effective.

Ilang sandali pa, habang nag-i-scroll sa story ng mga kaibigan ko, aksidenteng tumama ang paningin ko sa story ni Xyzhie. Katabi kasi iyon ng story ni Maddy kaya naman napa-click ako roon.

There's something familiar also...

Napakarami n'yang story, puro naman collection ng lipsticks and such.

Hindi naman sa judger pero... mukha tuloy s'yang reseller ng mga 'yon.

Napailing na lang ako dahil halos 20 slides ang story n'ya. Ilan na kaya kaming inis dahil sa dami ng story n'ya?

Akmang i-e-exit ko na ang story n'ya ngunit napatigil ako nang makita ang picture ni Eris kasama s'ya.

Nakayakap si Xyzhie sa likod ni Eris at naka-peace sign, samantalang si Eris naman ay may hawak na goblet at parang nasilaw pa sa flash ng camera. This photo was taken at Playmates, I guess.

Eris look cute on this photo and what about Xyzhie... nevermind.

Napatingin naman ako sa ibaba noon at mas lalong tumaas ang kilay ko matapos iyong mabasa.

May caption ito na 'I miss this man on top of me. : ( Omg, I'm crying.'

"Edi wow!"

Inis kong sambit pagkatapos ay ibinaba ang phone at isinubsob ang mukha sa unan.

Makatulog na nga!

It's Friday in the afternoon, kalalabas lang namin ni Maddy sa Cafeteria dahil sinamahan n'ya akong bumili ng Waffer.

Pabalik na kami sa lecture room dahil maya-maya lang ay dadating na ang susunod na Professor.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon