29

37.3K 2.2K 688
                                    


Play it Cool


Kinuha ni Eris ang isang cue stick na nasa gilid ng lamesa at umikot sa kabilang dulo nito. Tinapatan n'ya si Matt at kagaya ng kanina, seryoso lang s'yang nakikipagtitigan.

Ilang sandali pa, naramdaman kong hinawakan ako ni Ivann sa braso. Tumingin ako sa kan'ya.

"Sit beside me." Alok n'ya sa bakanteng upuan sa tabi n'ya.

Naupo naman ako na hindi inaalis ang tingin sa dalawa.

"Mukhang magandang laban 'to." Bulong ni Ivann pagkatapos ay ininom ang kan'yang milk tea.

Buti nakipaglaro si Eris sa kan'ya? Pero bakit pa kasi n'ya pinatulan yung pagyayabang ni Matt? Hindi na dapat s'ya kumagat.

Mukhang mag-uumpisa na sila dahil inalis na ni Matt ang rack na nagshe-shape sa mga object balls.

Unang tumira si Matt at isang tira pa lang nito, dalawang bola na ang pumasok.

The crowd clap their hands as well as me. Hindi ko napigilan ang pumalakpak, syempre kaibigan ko si Matt. Suportado ko pa rin 'to pero nakay Eris ang whole support ko!

Sunod namang tumira si Eris. Umikot ito ng kaunti at humahanap ng magandang target.

Ilang sandali pa ay nakaturo na sa red ball ang cue stick n'ya at kalauna'y tinira na n'ya ito.

The white ball hit the green ball and also the long rail. Akala ko ay hindi 'yon magshu-shoot dahil sa napakabagal nitong galaw pero after a few second, it falls on the side pocket.

Pumalakpak din ako kasabay ng mga babae sa gilid namin ni Ivann. Nakatayo pa ang mga ito at parang bulateng binuhusan ng asin.

Seryoso lang namang naglalaro si Eris samantalang si Matt ay kanina pang ngisi nang ngisi.

Ikiniskis muna ni Matt ang cue stick sa chalk bago tumira.

Napangiwi ako nang hindi pumasok 'yung brown na bola sa target n'yang pocket. Matt also made a face.

Si Eris naman ang sumunod, gaya ng ginawa ni Matt, naglagay muna ito ng chalk sa stick at humanap ng titirahin. He stopped in front of me.

Pumwesto s'ya kung saan kami nakaupo ni Ivann. Tapat na tapat sa'kin 'yung dulo ng cue stick kung titignan ito ng mabuti.

Eris leveled his face right after the stick and I saw him took some glimpse where I am after hitting the yellow ball.

Napatayo naman ako nang makitang dalawang bola ang pumasok.

"Go, Eris!" Sigaw ko habang pumapalakpak at nakatayo.

Hindi naman n'ya ako tinignan, tumalikod lang ito sa'min at itinungkod ang stick sa sahig.

Nasulyapan ko naman ang nakangusong si Matt sa'kin. Inilingan n'ya ako kaya naman natawa ako ng bahagya at nagthumbs up sa kan'ya.

Mukhang umiinit na ang laban dahil tatatlong bola na lang ang natitira.

Lamang na rin si Matt sa bilang dahil walang palya ang mga sumunod nitong tira.

In the mean time, Eris always hit the wrong ball but he's still playing chill and doesn't give a fuck.

Napapakagat tuloy ako sa kuko kapag nakakashoot si Matt. Mukhang matatalo n'ya ata si Eris.

Si Eris na ang titira. Isang bola na lang ang lamang n'ya kay Matt at kapag na-shoot n'ya 'yon sa pinakamalapit na pocket, he'll win this game.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now