08.

37K 1.5K 952
                                    


Demrene's Point of View


Nakatingin pa rin ako sa kamay ni Eris na nakahawak sa'kin. Habang nakatingin ako rito, ramdam na ramdam at rinig na rinig ko ang kabog ng puso ko.

Nagdadalawang-isip akong tumunghay at tignan sa mata si Eris. His eyes were serious. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya akong hawakan gayong dati ay parang sukang suka siya sakin.

"Baby, let's go."

Sandali akong bumalik sa katinuan nang naramdaman ko sa kabila kong kamay ang mahinang paghila ni Matt.

Hawak nga rin pala niya ako.

Nang hindi ako bitiwan ni Eris ay sumama ang tingin ni Matt sa kanya. Humakbang ito papalapit sakin at hinila ako ngunit hindi pa rin nagpapigil si Eris. Hinihila nya rin ako.

"Let go." Seryoso at maawtoridad na utos ni Matt kay Eris.

Tinignan lang siya ni Eris pagkatapos ay nabaling sakin ang mga mata niya.

Huminga ako ng malalim at tumingin din kay Eris.

"Ano bang sasabihin mo?" Nagpapasalamat ako at hindi ako nabulol ngayong oras na ito. Pakiramdan ko kasi magbubuhol-buhol ang dila ko dahil sa kaba.

"Let's talk... privately." He said.

Matt clenched his jaw. "Tss. Ang arte. I'm sorry pero hindi ko pinapasama ang baby ko sa ibang lalaki. Let go of her hand." Matt said with a low voice.

Hindi naman sumagot si Eris at sa halip ay mas humigpit ang hawak sakin.

Napalunok ako at tumingin kay Matt. Bahagya akong tumikhim at dahan-dahang inalis ang kamay niya na nakahawak sakin.

Dahil sa ginawa ko ay bumakas sa mukha ni Matt ang pagkagulat lalong lalo na ang disappointment nang alisin ko ang kamay niyang nakahawak sakin.

"I'm sorry." Hingi ko ng pasensya kay Matt.

Nakita ko naman ang ginawang paghawi ni Matt ng buhok at ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi. Para itong napahiya dahil sa ginawa ko.

Umiling ito at gumuhit ang ngisi sa kanyang labi. Pagkatapos ng sandaling iyon ay kusa na siyang umalis.

Napapikit naman ako at ibinalik ang tingin kay Eris. Inalis na rin nya ang pagkakahawak sakin pagkatapos ay tinalikuran ako.

Kumuyom ang dalawa kong kamao habang nakatingin sa malapad niyang likod.

Sinundan ko ang yapak niya hanggang sa makapunta kami sa hagdanan pababa ng second floor. Tumigil siya roon at humarap sa railings ng corridor.

Inayos ko ang buhok kong nililipad ng hangin at tumigil sa paglalakad. Isang dipa ang layo ko mula sa kinatatayuan niya at siguro naman ay ayos na ito.

"Ano bang gusto mong sabi—"

"I'm sorry."

Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya iyong sabihin. Nakabuka pa rin ang mga labi ko nang humarap siya sakin.

"And I think this is the last time I will talk to you. I just want to apologize for the last time. Continue forgetting me." Dugtong niya pagkatapos ay dahan dahang lumakad at nilampasan ako.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at mariin kong nakuyom ang kamao.

Hindi ko alam kung bakit napangisi ako. Humarap ako rito at hindi pa siya masyadong nakakalayo sakin kaya sinigawan ko ito.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon