11.

40K 1.5K 1.3K
                                    




Demrene's Point of View


Pinabasa ko kaagad kay Maddy ang convo namin ni Eris sa messenger. Kasalukuyan kaming nasa Cafeteria at kinukwento sa kan'ya yung nangyari kagabi. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi ko habang nagkukwento.

"Nakwento mo na 'yan sis kanina. Paulit-ulit ka."

Napasimangot naman ako sa reaksyon ni Maddy. Inirapan ko s'ya pagkatapos ay humigop sa smoothie na libre n'ya.

"Ano na palang balita d'yan sa nilalandi mo?" Tanong ko sa kan'ya at akmang sisilip ako sa phone nito pero kaagad n'yang inilayo.

"Hoy ang damot ha!" Sigaw ko sa kan'ya.

"Tsaka ko na sasabihin kung sino! Flirt flirt lang 'to! Ayoko munang i-flex, baka maging ex!" Sigaw n'ya pabalik sa'kin.

Tinaasan ko s'ya ng kilay at sarkastikong tumawa. "Wow ha! Bakit kayo na ba?"

"Hindi nga! Flirt nga lang 'di ba?" Inirapan n'ya ko pagkatapos ay itinago ang kan'yang phone sa bulsa.

Nauna s'yang tumayo bago ako. Pinanliitan ko pa s'ya ng mata dahil nakakahalata na ako pero wala talaga akong idea kung sinong nilalandi n'ya ngayon. Noong nakaraan lang taga Law Course Building yung nilalandi n'ya tapos ngayon hindi ko na maintindihan. Bahala nga s'ya.

Habang naglalakad kami sa hallway, tumigil ako sa paglalakad.



"Oh, bakit?" Tanong ni Maddy.

"Nanghihina ako." Umakto akong napahawak sa ulo at akmang matutumba.

Nakita kong tumaas ang kilay ni Maddy at agad akong hinawakan. "Hoy, seryoso ka?!" Sigaw nito sakin.

"Oo." Pumikit ako at sumandal sa kan'ya. Itinaas ko ang isang paa ko at ipinatong ang likod ng palad sa noo sabay tingala. "Nanghihina ako kapag hindi ko hinaharot si Eris."

Hindi pa ako nakakamulat mula sa pagkakapikit ay kaagad akong tinulak ni Maddy, nangilabot ito at parang bulateng inasinan kung pagpagin n'ya ang kan'yang uniform. Napatawa ako.

"Cringe, puta ka!" Panay pa rin ang pagpag n'ya sa kan'yang uniform.

"O.A mo ha." Natatawa kong sambit. Tinuloy lang namin ang paglakad namin.

"Siguro nung bumaha ng kalandian, ikaw yung human vaccuum. Higop mo lahat!" Bully sakin nito.

Grabe naman, inaano ko ba 'tong babaeng 'to't namemersonal ata?

"Gaga, hindi no! Actually nakabangka talaga ako no'n kaso tumaob ampota!"

"Ewan ko sa'yo." Kinikilabutan pa ring saad ni Maddy. Hindi ko naman mapigilang tumawa sa reaksyon n'ya. "Pumunta ka na nga kay Eris! Kulang ka na nga ata sa landi!"

"Text mo ko kapag nasa lecture room na yung instructor natin ha!" Kinindatan ko s'ya. "Sisilipin ko lang si Eris sandali."

"Oo na, malandi ka!" Tumatawang sabi ni Maddy pagkatapos ay pumasok na s'ya sa loob.

Nagmamadali naman akong bumalik at pumunta sa room nina Eris. Pagkapunta ko sa room nila, sumilip ako sa bintana. Napangiti ako nang makitang seryosong nakatingin si Eris sa librong binabasa n'ya, katabi n'ya si Xyzhie pero wala akong pakealam sa kan'ya.

Pagkatapos kong titigan ang malapad na likod ni Eris, tumalikod na ako. Sisilip lang naman talaga ako. Mamaya ko na s'ya haharutin. Mukhang abala yung future asawa ko sa pag-aaral kaya sige na. Doon tayo sa kama magharutan mamaya.

Seducing My Crush [Alluring Series #1] - Completed [TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now