Chapter 32 (Friends)

617 29 8
                                    

Jaki's POV





🎶Matagal-tagal din nawalan ng gana, pinagmamasdan ang dumaraan.
Lagi nalang matigas ang loob, sabik na may maramdaman.
Hindi ka man bago sa paningin, palihim kang nasa yakap ko't lambing.
Sa bawat pagtago, di mapigilan ang bigkas ng damdamin.🎶





"Wake up guys! Rise and shine!" sabi ko sa kanila habang isa-isa silang inaalog.





🎶Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga, walang papantay sayo.
Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga, walang papantay sayo maging sino man sila.🎶





"Ang ingay mo naman Jaki! Good mood na good mood ka na naman eh." sabi ni Madc.





"Bilisan nyo na, male-late nanaman tayo sa rehearsals." sabi ko sa kanila.





"Oo na! Basta wag ka ng kumanta..." sabi naman ni Melvie sabay tawa.





Hahaha! Ibang-iba ang gising ko ngayon, feeling ko wala na along magiging problema. Basta masaya ako! Yun lang!

Kinaladkad ko na sila papuntang kusina. Pagkarating namin sa kusina nagulat sila sa nakita nila.





"Ta-da! Ako lahat nagluto nyan, kaya umupo na kayo at kumain na." nakangiting sabi ko.





"Jaki may lagnat ka ba? O kahit  anong sakit?" tanong ni Charm.



Tinawanan ko nalang sila. Ang totoo kasi nyan ngayon ko palang sila pinagluto ng ganyan kaya ganyan ang mga reaksyon nila.

Ewan ko ba! Good mood ako eh! Naupo na kami at nagsimula ng kumain. After naming magbreakfast, dai-dali kaming nag-ayos ng mga sarili namin. Pagkalabas namin ng apartment saktong may tumigil na kotse sa harapan namin. And I know na kung sino 'to.



"Well there he is!" sabi ni Madc.



"Ang nag-iisang leader ng Beksbattalion..." sabi naman ni Melvie.



"The Unkabogable Star..." sabi pa ni Charm.



"Ang Kuya Boy ni Ate Girl." sabay-sabay na sabi nilang tatlo then tumingin sa akin.



Oo na! Oo na! Ang nag-iisang Kuya Boy sa buhay ko.

Lumabas na sya sa kotse nya, as usual naka-Vice Pogi mode nanaman sya... But, hindi lang yun. May dala pa syang bouquet of pink roses. Then yung aura nya ngayon, grabe! Nakakapatulala ang kagwapuhan nya. May nanalo na talaga! Kinabog na nya si Daniel Padilla, Enrique Gil, James Reid at kung sino pa dyang gwapo at famous na artista.



"Good morning Ate Girl ko!" bati nya sa akin sabay beso.



"Good morning Kuya Boy ko." kinikilig kong sabi.



Lalo syang napangiti ng sabihin ko yun. Parang ayaw ko nanamang ialis ang paningin ko sa kanya, lalo na sa mga mata nya. Ang gwapo naman ng nilalang na 'to!



Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Where stories live. Discover now