Chapter 33 (Unkown Message)

559 26 9
                                    

Vhong's POV






"Huy! Bilisan mo na dyan! Matatapos na ang commercial break!" sigaw ko kay Vice.







"Oo! Wait Lang!" sagot nya.







Itong dalawa talaga... Tsk! Kulang nalang langgamin na 'tong mga ito.

Ilang araw na ang lumipas at palagi silang ganyan. Grabe kung maglambingan... Hindi pa sila nyan ah! Hay naku Viceral! Ang tagal!







"Malapit na po magsimula." sabi sa amin nung staff.







"Huy! Away na kayong dalawa! Vice di ka pa ba busog? Kanina ka pa pasubo ng pasubo dyan kay Jaki." pag-awat ni Jhong.







Maya-maya pa ay lumapit na sya sa akin.







"Ito naman ang bi-bitter... Oh! Eto na!" masungit nyang sabi.







Hinila na namin sya papunta sa gilid ng stage.

Kung mapapansin nyo, ibang-iba na mga ngiti at tawa nya ngayon kumpara noon. Ang laki ng pinagbago nya simula nang dumating si Jaki. Kaya salamat kay Jaki kasi may dahilan na 'tong kaibigan namin para maging masaya.

Tulad nalang ngayon oh! Nakangiti nanaman sya habang nakatingin sa kawalan.







"Ngiting-ngiti ka nanaman ah!" Sabi ko.





"Hah? Bakit? Masama? Edi ngumiti ka nalang din." sagot nya.







"Sus! Sabihin mo nga... Nanliligaw ka pa rin ba? O kayo na?" tanong ko sa kanya.







"Yan nanaman kayo eh! Araw-araw nyo nalang lagi tinatanong, syempre nanliligaw pa lang. Paulit-ulit ko nang sinabi sa inyo na patatagalin ko muna ang panliligaw ko sa kanya bago ko sya tanungin. Ilang araw palang ang akong nanliligaw tapos tanong kayo ng tanong kung kami na? Atat? Mga Vaklang twoah!" mabilis nyang sabi.







Ang bilis ah! May potential talaga 'tong tao na 'to sa rap. Vaklang twoah! Vakla mo kamo!

Maya-maya'y nagsimula na ang TNT. Habang nakatutok ang Camera kay Jhong ito namang si Viceral ang ingay, ang cute daw ni Jhong. Pagpalo ni Jhong sa gong napatawa kaming lima dito sa gitna. Mukha syang timang eh.







"Bagay na bagay ang mga suot nyo, matching... Black, white, and fatigue." sabi ni Jhong sa amin.







"Matsing?" pabiro kong tanong.







"Ikaw kahit wala kang katabi matsing ka eh." pang-aasar ni Vice kay Jhong.







"Uy oh!" Sabi ko.







"Akala ko ba sabi mo kanina cute sya." sabi ni Tyang.







Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Where stories live. Discover now