Chapter 45 (Teasing Vice)

293 14 0
                                    

Vhong's POV



Kakarating ko lang dito sa studio and guess what... Hinila agad ako ni Viceral papauntang DR nya.

Walang hiyang 'to! Ang aga yatang pumasok ngayon.


"Bakit? Ano nanamang meron?" tanong ko sa kanya.



"Wait! Hintayin natin si Jhong, malapit na daw sya." sabi nya.


Then afterwards bigla nalang bumukas ang pinto. At iniluwa nito si Jhong na hingal na hingal.


"Viceral anong meron?" tanong ni Jhong kahit hingal na hingal pa.


Agad namang hinila ni Vice so Jhong at nilock ang pinto.


"Ganito kasi yan..." at ikinuwento na nga nya ang lahat.


"Ano ng gagawin natin?" tanong ko sa kanya.


"All I want is to track him down. Baka may kakilala kayong hacker or someone na kayang matrack itong number nya. And if we did that, malalaman na natin kung sino ba talaga yang hayop na yan." sagot nya.


Kitang-kita ko ang galit at takot sa mga mata ni Vice. Hindi ko alam kung anong pwede kong magawa pag may nangyaring masama sa kanya. Kaibigan namin sya kaya dapat na tulungan namin sya.


"Ako ng bahala dyan. May kilala akong makakatulong sa atin." sabi naman ni Jhong.


"Ang kailangan lang natin ay mag-ingat sa bawat hakbang na gagawin natin para di tayo mapahamak." sabi ko.


Tumango-tango naman sila bilang pagsang-ayon.


"So yung sinasabi mo sa panaginip mo na sabi mo ay familiar sayo, sino yon?" tanong ni Jhong. "Sa tingin mo yung mukha sa panaginip mo yun din ang mukha nung totoo?"


"I'm not sure, pero may kutob ako." sagot ni Vice.


Magsasalita na sana ako ng may biglang kumatok. Agad ko namang binuksan ang pinto at iniluwa nun ay si Anne na nakapamewang.


"Hoy hoy hoy! Baka gusto nyo naman i-share yang pinag-uusapan nyo? I'm so curious you know?" pambungad ni Anne.


"It's none of your business." madrama kong sabi.


"What did you say?" she asked.


"Hah? About kako sa business yung pinag-uusapan namin. You know! Kailangang patuloy kumikita." palusot ko.


Sapilitan naman syang pumasok sa loob at marahas kaming tiningnang tatlo.


"Are you hiding something from me?" she asked.


Alam nyo bang ayaw kong kausap itong si Anne? Kasi masyadong englishera! Ang aga-aga nang-ienglish nanaman... Mano-nosebleed na talaga ako nito.


"What are talking about lady?" mataray na tanong ni Vice.



Woah! Bumabalik ata ang Vice Ganda ah! Hahaha!


"OMG! Sis! I miss you! Bumalik ka na!" sabi ni Anne sabay yakap kay Vice.


"Gaga! Bitaw nga! Ba't bigla ka nalang ba sumusulpot? Tapos mang-aaway ka pa." tanong ni Vice.


Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora