Chapter 44 (Cruel Nightmare)

270 14 0
                                    

Jaki's POV



Nagising ako ng dahil sa ingay na nanggagaling sa unang palapag ng aming bahay. Napatingin ako sa orasan at nakitang 6:30 am pa lang.

Teka nga... Anong meron sa baba?

Gustuhin ko mang bumalik sa pagtulog pero nawala na ang antok ko kaya bumangon nalang ako at niligpit ang higaan ko.

Bago ako lumabas ng kwarto ay kinuha ko muna ang cellphone ko at agad na tinext si Vice.



To: Kuya Boy
6:35 am

Good morning kuya boy ma labs!!💜😘 Kumain ng almusal hah?! Wag kang magpapagutom!😁 Labyu!💙😘



Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin syang reply. Sa tingin ko ay tulog pa ito, napagod din siguro 'to kahapon.

Iniwan ko nalang ang cellphone ko sa kwarto at agad na lumabas para puntahan sila sa baba. Pagkarating ko ay nakita kong busy sila sa paghahanda ng almusalan.



"Ehem!" pagtikhim ko.



Agad naman napunta ang paningin nila sa akin at masaya akong binati.



"Good Morning anak!" sabay na bati ni Mommy at Daddy.



"Good Morning Bunsoy!" bati din ng mga kuya ko.



Napingiti nalang ako ng makita kong masaya sila, masaya kaming buong pamilya.



"Good Morning din sa inyo! Anong meron ba't ang ingay nyo?" tanong ko sa kanila.



Nilapitan naman ako ni Daddy at agad na hinila papunta sa lamesa. Wow! Sana lagi nalang ganito ang nakikita ko. Feeling ko tuloy princess ako. Hehe...



"Did you forgot that you're our princess? Minsan lang maging alila mo mga kuya mo oh? Ayaw mo?" natatawang tanong ni Daddy sa akin.



Napatingin naman ako sa gawi nila Kuya na pursigidong nagluluto.

Oo nga noh?! Hahaha... Ang sarap sa feeling na marami talagang nagmamahal sayo.

Napangiti nalang ako habang nakatingin pa rin kila kuya.



"Yeah, you're right Daddy!" pagsang-ayon ko kay Daddy.



"Saka Bunsoy! Napagbilinan din kasi kami nung Kuya Boy mo na alagaan ka at pakainin ka ng marami." sabi ni Kuya Kiko.



Agad naman akong napangiti sa sinabi niya. Grabe talaga kabaliwan sa akin ng lalaking yun! Hahaha... Kahit di lo sya kasama ramdam ko pa rin ang alaga nya.

Makalipas pa ang ilang minuto ay natapos na silang magluto at nagsimula na kaming mag-agahan. Ang plano namin ngayong araw  ay makapagbonding. Hindi muna ako makakapasok sa trabaho dahil nagleave muna ako ng 1 week para makasama ang pamilya ko.

Alam kong mamimiss ko yung isa dyan pero kailangan ko rin syempre ng time para sa pinakmamahal kong family lalo pa't minsan lang sa isang taon kami nabubuo.

Nga pala... Gising na kaya sya?




Vice' POV



Nandito ako ngayon sa isang abandunadong mansion. Nanginginig akong pumasok dahil sa takot at sa galit.

Sino ba naman di matatakot dito? Eh feeling ko maya-maya lang may bigla nalang lilitaw ditong manika tapos sasaksakin ako. Galit naman dahil tumawag sa akin ang taong yun at pag hindi raw ako pumunta rito ay baka mawalan daw ako ng minamahal sa buhay.

Kuya Boy Meets Ate Girl (Book: 1)Where stories live. Discover now