TMAFK#6

27.4K 529 26
                                    

Adriana's pov.

"You're late!" Bulyaw ni Sir Merta nang maabutan ko ito sa room habang nagdi-discuss.

"Sorry Sir!" Nalate ako dahil sinumpong na naman ng matinding head ache nang mapanaginipan ko ang tatlong bata naglalaro sa playground.

"Maupo ka na o ipapakick out kita?" Madalas kong mapansin na ako lagi ang pinag-iinitan ni Sir Merta.

"Pa upo na po."

"At talagang sumasagot ka pa," sigaw muli ni Sir Merta dahilan para pagtawanan ako ni Abigail at ang kanyang dalawang kaibigan.

Abigail was my ultimate enemy since high school. Hindi kami nagpapansinan dahil karibal ko ito noon kay Kristoff. And I can't believed na maliit ang mundo para sa aming dalawa dahil naging kaklase ko pa ito.

"Anaerobic respiration is an organism depends on glycolysis to genarate ATP and on fermentation—" hindi na tapos ang pagtuturo ni Sir Merta nang biglang pumasok si Dominic na wala man lang paalam.

"Unfair!" Bulong ko matapos hindi pagalitan si Dominic na thirty minutes late. Dumeretso ito sa tabi ko at hindi ako pinansin.

"It's called carbon carbon dioxide." Habang nagdidiscuss si Sir Merta ay napansin kong matamlay si Dominic.

"Okay ka lang?" Hinahawan ko ang kanyang noo ngunit agad niyang tinabig ang kamay ko.

"Okay ka lang ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Bulong ko dahilan para bigyan niya ako ng masamang tingin.

"I don't need your help." Saad nito dahilan para mapatahimik ako. Wala naman akong ginawang masama para ikagalit niya.

"Hangover ka ba?" Tanong ko habang kinukuhit ito. Nangangamoy alak ito habang namumutla.

"Oy tara sa clinic," pangungulit ko.

"What the fuck Adriana! Don't mind me, okay?" Galit nitong sabi dahilan para matakot ako.

"What's wrong with you Dominic?"

"Mind your own business, okay." Muling umob-ob ito at hindi na ako pinansin. Sweet pa ito noong minsan dahil binilhan ako ng panda bear sa Mall pero ngayon bigla na lang itong nagbago.

Nakinig na lang ako sa discussion ni Sir Merta ngunit hindi ako mapakali tuwing iniinda niya ang kanyang sikmura.

"Hoy! Bastos kang bata ka." Sigaw ni Sir Merta matapos kong lumabas sa klase.

"Emergency lang po," sigaw ko at nagmadaling tumakbo sa canteen para bumili ng makakain at gamot sa hangover ni Dominic.

Nagmadali na akong bumalik sa room ngunit nakasalubong ko si Sir Merta.

"Go to the guidance office now." Sigaw nito para mapatingin sa akin ang ibang estudyante.

"Sir, emergency lang po kaya ako'y lumabas." Paliwanag ko.

"Emergency? Hindi ka ba kumakain sa inyo o sadyang patay gutom ka lang?" Pamamahiya ng guro ko dahilan para masaktan ako habang pinipigilang huwag umiyak.

"Pumunta ka sa guidance office, now na."

"Pero Sir—"

"Kung ayaw mong ipapatawag ko ang magulang mo." Panakot niya at umalis sa harap ko.

Napakamot ulo tuloy ako habang pabalik sa room. Problemado na nga ako kay Dominic dagdag pa si Sir Merta.

"Hindi ka dapat umiinom kung hindi mo kaya." Nilagay ko sa table niya ang pinamili kong pagkain at gamot.

"Stop pretending you care about me. I hate it!" At tinabig niya ang pinamili ko dahilan para mahulog.

"Kainin mo 'yan para mabawasan ang hangover mo." Pinatong ko muli 'yung sandwich at mineral sa table niya.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now