TMAFK#64

13.5K 364 81
                                    

Adriana's pov.

"Ilan ang inyong mga tainga?"

"Dalawa Ma'am." Sagot ni Kaye Ann sa tanong ni Ma'am Alexandrea.

"Mali kundi tatlo." Intrams pa rin namin ngayon ngunit inabot ng kasipagan ang aming adviser para magdiscuss.

"Paano po nangyari?"

"Ito ang una nating tainga." Hinawakan ni Ma'am ang kanyang right ear at sinukat ito gamit ang kanyang kamay.

"Ito ang pangalawa." At sinukat din niya ang kanyang kaliwang tenga at pinakita sa amin kung anong na buong shape.

"Kapag pinagsama ang dalawang tainga ay maghuhugis puso ito." Paliwanag ni Ma'am Alexandrea para mamangha ang mga kaklase ko.

"Asan ang pangatlo Ma'am?"

"Pangatlo ay ang inyong puso inside your chest." Tinuro niya ang kanya puso at pasimple ngumiti sa akin.

"I just want you to understand na matutong magpatawad sa kapwa. The purpose of your ears ay ang makinig." Paliwanag ni Ma'am Alexandrea para ma-realize ko na sinadya niyang i-discuss ito dahil sa naging sagot ko sa Q and A.

"We must learn to forgive. Use your ears to listen to the people who have sinned against you. So, we can find out why they did it to you." Pakiramdam ko kinokonsensya nila ako upang mapatawad ko 'yung mga taong umiwan at tumalikod sa akin noon especially Mr. Sy Yabang.

"Anger is a poisonous emotion that comes from being hurt. Puwedeng ikaw ang masaktan o makasakit ka ng iba." Ang hirap magpatawad sa taong naka gawa sa'yo ng kasalanan dahil sa naiwang pain at takot na magmahal muli.

"There are different kinds of people. Some are easy to forgive, may iba naman hindi marunong magpatawad and some will not forgive you pero sa bandang huli handa ka rin patawadin."

I think, number three ako. Hindi pa ako handang magpatawad pero handa ko naman kalimutan ang nagawa nilang kasalanan sa akin.

"But sometimes we have to criticize those people kasi baka paulit ulit lang nilang gawin iyon. Use you heart para malaman mo kung deserve ba ng isang tao na patawarin siya."

"Yes Ma'am!"

"Huwag ugaliin gumanti. Ugaliin niyo ang magpatawad." Huling payo ng aming adviser bago i-end ang discussion. Hindi naman ako gumaganti. Ginagawa ko lang iyon para mabawi kung ano ang dapat sa akin.

"OMG si Dominic!"

"Anong ginagawa niya dito?" Sigaw ng mga kaklase ko dahilan para mapalingon ako ng labas.

"Adriana!" Hindi ko alam kung natutuwa ako sa nangyaring break up nila ni Belle kahapon nang dahil sa akin.

"Busy ka ba?" Kinuha ko 'yung aklat sa bag at nagpanggap na nagbabasa. Ayokong pag-initan na naman ako ng mga estudyante dahil sa pagtatanggol ni Dominic sa akin kesa sa girlfriend niya.

"I'm busy! Kita mo naman na nagbabasa ako." Kinuha niya ang aklat sa akin at mas kinabahan ako sa ginawa niyang paglapit ng mukha sa mukha ko.

"Nagbabasa o umiiwas sa akin?" After ng coronation night ay sumugod sa akin si Belle dahil sa galit at selos. Wala akong laban dahil tatlo sila hanggang sa nakita ni Dominic. Ako ang pinaniwalaan kesa kay Belle.

"Leave me alone. Nagbabasa ako, okay."

"May nagbabasa ba na naka baliktad ang aklat?" Natatawa niyang tanong para makaramdam ako ng hiya sa dahilan ko.

"Nag-aaral akong magbasa nang naka baliktad."

"Weh? Palusot!" Pang-aasar ng mga kaklase ko para mapangiti itong si Dominic.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now