BadGirl 13

581 19 3
                                    


(Third Person's POV)

Itinaas ng babaeng naka suot ng maikling damit ang flag na hawak nito hudyat na malapit ng mag Simula ang laban

Sabay na binuksan ni Shin at Leo ang Makina ng kani kanilang kotse

Ready

Umigting ang tensyon sa loob ng Arena ng mag Simula ng mag salita ang babaeng may hawak na flag gamit ang mic.

Set

Go ...

Kasabay nun ang pag baba ng flag at ang pag harurot ng dalawang kotse

Nag hihiyawan ang mga tao dahil nag gigit gitan ang kulay itim at puting sports car

Parehong walang gustong mag patalo sa dalawa

"Ares! Ares! Ares! Ares! Ares!"

"Leo! Leo! Leo! Leo! Leo!"

The crowds chanted...

Maya Maya lang ...
Pansin ang unti unting pag bagal ng kotseng itim na siyang mina maneho ni Shin

Naguguluhan ang mga tao dahil sa ginawa nito

Ngayon ay na ngunguna na Si Leo sa Finish Line

Habang si Shin naman ay sakto lang ang pagpapatakbo ng kotse

Marami ang nag bubulung bulungan dahil sa ginagawa nito

Tila kampante lamang ito sa ginagawa ...

Habang si Leo naman ay nakangisi akala nito na matatalo na niya si Shin dahil sa pagbagal ng takbo ng kotse nito

-

Maya Maya lang malapit na si Leo sa finish line kaya mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo ng kotse

Habang si Shin naman ay nakangisi ng malamang malapit na sa finish line ... Agad nitong binilisan ang pag papatakbo sa sobrang bilis ay parang hangin nalang ang nakikita ng mga tao

Si Leo naman ay nagulat sa biglaang pag bilis ng takbo ng kotse ng kalaban ...Sa isang iglap ay nasa likuran na niya agad ang kalaban.

Maliit na distansiya nalamang ang pagitan ng kotse ni Shin kay Leo

Ng ilang hakbang nalang ay finish line na dinoble ni Shin ang pagpapatakbo ng kotse saka walang alinlangan na dumaan sa ibabaw ng kotse ni Leo upang mas mauna sa finish line

Gulat na gulat ang mga tao dahil sa ginawang stunt ni Shin para bang nag slowmo ang ginawa nito

Gayun din si Leo na mas gulat na gulat sa nganyari Hindi ito makapaniwala sa ginawang pag daan ng kotse ni Shin sa ibabaw ng kotse niya

Ng makalabas si Shin ng kotse gumuhit ang isang tagumpay na ngiti sa kanyang mga labi

"Wooooooooooohhhhhhhhhh"

"Ares! Ares! Ares! Ares! Ares!"

Nag wawala sa saya ang mga tao dahil sa pagkapanalo ni Shin

Agad siyang niyakap ni Gab ng manalo ito sa pustahan

"Woooooohhhhhh ang galing mo" natutuwang ani ni Gab habang tumatalon talon pa at nakayakap sa kanya

Agaran namang binatukan ni Shin Si Gab para huminto ito

Napanguso nalang si Gab habang hinihimas ang parteng nasaktan.

Napakuyom naman ang kamao ni Shin nang mapansin nito na mukang tatakas si Leo

Napansin ni Gab ang pagkuyom ng kamao ni Shin kaya sinundan nito ng tingin ang tinitingnan

Nakita nito si Leo na mukang tatakas na dahil sa pustahan ...

Perfectly BadGirl Where stories live. Discover now