EPILOGUE

849 23 3
                                    

Marahang umihip ang hangin.Isinasayaw nito ang iilang hibla ng kanilang buhok.Makulimlim ang langit nagbabadya ng ulan.Napakatahimik ng kapaligiran walang katapusang kapayapaan.Pigil na hikbi ang miminsang pumipiga sa kanilang puso,walang sino man ang nakaisip na hahantong ang lahat sa ganito hindi nila matanggap ang nangyari.

Lahat sila ay nakasuot ng itim tanda ng pagdadalamhati.Ngunit iisa lang ang lubos na nanghihinayang at nadudurog ang puso.

Namumugto ang kanyang mata dahil sa labis na pangungulila sa nobya.

"Pare...Nandito lang kami para sayo" pagpapalakas ng loob nito kay Rence.Ngunit walang nakuhang sagot si Juno naiiyak narin ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang luha.

Lahat sila ay naruon para makiramay.Si Black, Dark,Death,Sage,Juno,Clover,at Rence.

Inilapag ni Rence ang isang bungkos ng puting rosas sa labi ng kanyang namaalam na nobya.

Masakit para sa kanya ang pagkawala ni Aya.Parang pa ulit ulit na sinasaksak ng kutsilyo ang kanyang puso dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman.

Pinilit niyang ngumiti upang hindi mag alala ang kanyang mga kasama.

"Mauna na kayo.Susunod ako"

Nagkatinginan muna ang mga ito bago napag desisyonang iwan ang kaibigan upang makapag isip isip.Isa isa nilang tinapik ang balikat ni Rence bago sumakay sa kani kanilang kotse.

Nanghihina siyang napa upo sa harap ng puntod ni Aya.Pinakawalan ang hikbing kanina pa kinikimkim.Hindi siya makapaniwalang wala na ang nobya niya.Hindi niya manlang nalamang may kinikimkim pala itong sama ng loob,wala siyang alam sa totoong pagkatao nito.

Ikinagagalit niya na hindi niya nagawang pigilan ang nobya sa mga kasalanang nagawa nito.

Iniyak niya lahat hanggang sa maubos ang kanyang luha dahil sigurado siyang hindi matutuwa ang kanyang nobya pag nalaman nitong umiiyak siya.Gusto nitong lagi siyang masaya ngunit pano niya magagawang maging masaya kung ang taong tanging kasiyahan niya ay wala na.

Marahan niyang hinaplos ang nakaukit na pangalan ni Aya sa lapida.

AYA KATE MILLER FRANCISCO
BORN ON: July 21,****
DIED IN : April 8,****

"I'm sorry I didn't know about your pain,and all about you"

Hindi niya alam na kapatid siya ng babaeng may kagagawan ng lahat ng iyon.Wala siyang kaalam alam.

                          ***

Alfarez,

       
        Alam kong iniisip mong planado ko ang lahat.Tama ka,mula una nating pagkikita, ang pag sali ko sa grupo mo,ang pagpapanggap na nag bago nako,lahat ng nangyari sayo ako ang may kasalanan,pati pag kamatay ng mga magulang mo ay kasalanan ko din,ang pagkamuhi sayo ng kapatid ko ay kasalanan ko lahat yun kasalanan ko at ni isa man sa mga iyon wala akong pinagsisihan.I just gave justice to my family,and to our empire.Kahit labag sa loob ko nais kong pasalamatan ka sa mga kabutihan at kasamaaan mo.

     Kasi kung hindi ka naging mabuti sakin siguro pinatay ko na ang anak mo.At kung hindi ka naging masama sakin Hindi ko makikilala ang lalaking mahal ko.
Nakakatawang pinagkatiwalaan mo parin ako sakabila ng pagdududang nararamdaman mo.Sinira ko ang buhay mo,dahil sinira ng pamilya mo, ang pamilya ko.Bilang kabayaran sa lahat tinapos ko ang buhay ko.Hindi ko man alam kung mababasa mo to o kung susunod kanarin sakin.Pero gusto kong hilingin sayo na...ingatan mo ang lalaking pinakamamahal ko.Wag mo sanang hayaang sisihin niya ang kaniyang sarili ng dahil lang sakin.Inihahabilin ko siya sayo dahil alam kong itinuturing mo siyang kaibigan.Paalam.

Perfectly BadGirl Where stories live. Discover now