Chapter 36

511 24 0
                                    


(ThirdPerson's POV)

Pabalik-balik na naglalakad si Dark Hindi alam kong anong gagawin masiyado siyang kinakabahan kaya Hindi niya magawang kumalma.

"Will you please calm down?" Inis na sita sa kanya ni Death na naka upo sa sofa naiirita ito sa ginagawa ni Dark.

Inirapan siya ni Dark at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Habang sila Black,Juno,Rence,Clover,Aya ay hindi rin mapakali sa nangyayari ngunit lahat sila ay naka upo lamang.

"Asan na ba kasi siya" bulong ni Aya habang nakatingin sa kawalan ngunit narinig parin ng lahat ang ibinulong nito dahil tahimik silang lahat.

"Kilala ko si Blood tumutupad siya sa usapan.Pag sinabi niyang darating siya darating talaga siya." Inis na sabi ni Dark habang napapasabunot ng buhok.

Lumubog na kasi ang araw ngunit wala parin ang kanilang lider si Blood.Ilang oras na siyang nawawala at kanina pa sila naghihintay.

Nung una ay Hindi pa nila napapansin dahil akala nila ay na late lang ito o kung ano pa mang nangyaring aberya bago makapunta sa pangalawang hide out nila kung saan napagkasunduan nilang magkita kita pagkatapos ng matagumpay na pagdukot nila kay Kael Montemayor.

"Ilang minuto nalang ba ang natitira?" Baling na tanong ni Black kay Death na nakatingin sa wristwatch nito.

"Isang minuto nalang" sagot nito dahil ayon sa isa pa nilang code kung magkataong mawala man ang lider nila ay kailangan mo na ng 5 oras bago sila maghanap.Labag man sa kalooban nila ay sinunod parin nila iyon dahil Ilang taong na nila iyong nakagawian at ngayon lang sila nakaramdam ng ganitong kaba.

Alam nilang malakas ang lider nila at hindi ito basta bastang maitutumba.Pero iba ang isinisigaw ng kani-kanilang kutob para bang nagkaka isa ang mga ito at may sariling isip.

"Its time" pag papa alam ni Death sa kanila na oras na para hanapin ang lider nila.

Nagkukumahog naman na naupo sa tabi ni Death si Dark habang sinisimulang gamitin ang loptop nito upang I trace ang lokasyon ni Blood.

Ngunit Hindi paman nag iisang minuto ay umalingaw-ngaw ng sabay-sabay ang malakas na tinig ng ringtone ng selpon nina Black,Death,at Dark.

Nabulabog silang tatlo at nagkatinginan ng makahulugan habang naguguluhan naman ang apat sa ikinikilos ng mga ito.Malayo ang paraan ng mga ito sa pag tatrabaho ng misyon pati na rin ang bawat aksyon ay halatang pinag iisipan na malayong- malayo naman sa nakagawian ng dating gang ni Shin.

Agad na sinagot nilang tatlo ang tawag dahil iisa lang ang ibig sabihin ng pagtunog ng selpon nila ng sabay-sabay isa iyong emergency call na galing kay Blood/Shin.

"Hello?"Agad na salubong ni Dark habang nagkakatitigan silang tatlo.

(Dr.Red's Hospital)

Yun lamang ang sinabi ng pamilyar na boses mula sa kabilang linya at agad na pinatay ang tawag.

"Damn it!" Inis na mura ni Black saka pabagsak na inilagay sa bulsa ang selpon nito.

"Let's go" Agad na utos ni Death sakanila at kinarga ang natutulog na anak ni Blood na si Shon.Hindi nila ito pwedeng iwan dahil paniguradong malalagot sila.

Walang tanong-tanong naman na nagsisunuran at nagsilabasan silang lahat dala-dala ang tag iisang baril.

Siniguro muna nilang lahat na maayos ang pagkakasara at siguradong Hindi makakatakas ang bihag nilang si Kael bago nagsi sakayan sa dalawang kotse.

Nasa iisang kotse si Dark at Death pati na si Black na siyang sinusundan ng pangalawang kotse na sina Rence,Aya,Clover at Juno ang sakay.

"Ano kaya ang sabi nung tumawag?" Kuryusong tanong ni Juno

Perfectly BadGirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon