Chapter 17

546 21 1
                                    


(Sage's POV)

I can't believe it she really left me here.

"Iho halika tulungan mo kong mag ihaw" saka ito tumayo na agad ko namang sinundan

Pumunta kami sa labas ng kanilang bahay kung saan nakatanim ang puno nang mangga at kung saan naruon ang ini ihaw nilang karne

"Maupo ka iho" saad nang Ninay Ni Shin saka itinuro ang isang upuan na gawa ng kahoy na bahagyang nakatagilid sa ihawan

"Tawagin mo na nga pala akong Ninay.Ninay Lila yun naman ang tawag sakin ni Kiana" she said while smiling

Kaya tumango lang ako...
I really dont know why the people in here used to smile even Shin she used to smile alot when she's here.

"Alam mo bang maraming nakaka kilala Kay Kiana dito sa lugar namin ehh! Paanong Hindi makikilala ang batang iyon dito ehh! Sobrang tigas nang ulo mahilig sa away at mapa bata o matanda ehh! Pinapatulan walang pinapalampas pag nagkakasala sa kanya" natatawang pag Ku kwento nito sa nakaraan ni Shin habang pinapay payan ang iniihaw niyang karne

"Saka maloko sa buhay ang batang iyan parating naka ngisi na akala mo parating may binabalak na kalokohan. Pag pinapagalitan siya ng kanyang ama ay Hindi iyon umuuwi sa kanila,dito mamamalagi ng isang linggo " dagdag nito na ikina ngiti ko

She's really unbelievable ...

"Pero iba magalit ang batang iyon. Tandang tanda ko pa noong minsan nakatulog siya sa ilalim ng puno ginupit ng tatlong babae ang kanyang buhok dahil na iinggit ng ang mga ito sa kanya.
Walang emosyon ang muka niyang sinugod ang tatlong babae ng malaman niyang iyon ang pumutol ng kanyang buhok.binugbog niya ang tatlong iyon naku! Kung hindi pako dumating malamang napaglalamayan na ang mga iyon mabuti nalang at tanging pasa at bukol lang ang natamo nila" Natatawa pa ito habang nag Ku kwento na para bang ina alala niya ang lahat ...

"At Hindi pa nakuntento si Kiana kinalbo niya ang mga babaeng iyon kaya ang ilan din ay takot nang banggain siya"

I smirked when I heard some of her story...she's that brave and strong.

She's mysterious.
And there is something in me na gusto pa siyang makilala...

"Naaay!" Natigil ang pag uusap namin ni Ninay nang humahangos na dumating Yung kakambal ni Miko nasi Mika

"Ano ka ba namang bata ka! Wag ka ngang sumigaw nakakahiya sa bisita natin" pangaral nito nang makarating si Mika sa harap namin

Hinihingal na humarap ito sa amin saka nag salita

"Si Kiana napa away" nag aalangang pag babalita nito na ikina kunot ng nuo ko

What should I expect
She's really a trouble some

"Hala tayo nat humayo at nang matigil na ang away" nag mamadaling tugon ni Ninay saka sinenyasan ang isang bata para bantayan ang inihaw

Na unang naglakad si Mika na sinundan naman namin ni Ninay

Malayo layo pa ay tanaw na namin ang kumpulan ng mga tao sa gilid ng dalampasigan rinig rin namin ang malakas na sigawan ng mga tao

"Jusko po!" Wika ni Ninay ng marating namin ang kina ruruonan ng kumpulan

Nahati ang kumpol ng mga tao at bumungad samin ang nakahandusay na babae may pasa Ang gilid ng mata nito at magulo ang buhok

Napatigil naman Sa pag,pag-pag ng damit si Shin ng makita niya kami napangisi ito at nag iwas ng tingin

"Ikaw talagang bata ka!" Sabi ni Ninay habang tinuturo pa si Shin at naglakad papalapit rito ngunit bago pa makalapit si Ninay ay tumakbo na si Shin

"Nay! Wala akong kasalanan" sigaw nito habang hinahabol siya ni Ninay

Perfectly BadGirl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon