Ika-Labing Pitong Kabanata

188K 8.6K 11.4K
                                    

[Kabanata 17]

MALAKAS na musika mula sa orkestra ang umaalingangaw sa unang palapag ng Hotel De Oriente kung saan nagkakasiyahan ang lahat habang ipinagdiriwang ang kaarawa ni Hukom Emiliano na siyang punong hukom ng Real Audencia. Patuloy ang pagdating ng mga lalaking naka-uniporme ng puti na siyang naghahatid ng mga pagkain at alak sa bawat mesa.

Sa gitna nagkakatipon ang mga babae at lalaki na sumasayaw mula sa bawat kumpas ng musika. Habang nasa paligid naman nakapwesto ang mga mahahabang mesa kung saan patuloy na nagkakasiyahan at nagsasalo-salo ang mga bisita ni Hukom Emiliano.

"Maligayang kaarawan, amigo" bati ni Don Gonzalo kay hukom Emiliano sabay taas ng hawak nitong baso ng alak. Halos mapunit naman ang labi ni hukom Emiliano dahil kanina pa siya tuwang-tuwa sa dami ng bisita na nakiisa sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Naroon din ang mga opisyal ng gobyerno mula sa iba't ibang kawani. Samantala, nagpadala naman ng liham ng pagbati sa hukom at humingi ng pasensiya kasalukuyan itong nasa Sugbu.

"Maraming salamat, amigo. Siya nga pala, aking nabalitaan na napakaganda raw ng boses ng iyong anak" saad ng hukom, biglang nakaramdam ng hiya si Don Gonzalo dahil halos lahat ng kasalo sa hapag ay nakatingin sa kaniya ngayon. "Sa aking palagay ay kailangan pa ng aking anak ng ibayong pag-eensayo" ngiti ng Don, napatango naman si Hukom Emiliano.

"Nais kong marinig ang kaniyang himig, aking hihilingin sa gobernador-heneral na ang iyong anak ang manguna sa pag-awit sa darating na selebrasyon pagdating ng bagong gobernador-heneral" ngiti nito, agad namang napayuko ng paulit-ulit si Don Gonzalo sa sobrang saya at bilang pasasalamat sa sinabi ng hukom.

Ngunit napatigil sila nang magsalita ang isang opisyal "Hindi ba si Loisa na anak ni Don Amadeo ang madalas manguna sa pag-awit? Hindi kaya masamain ni Don Amadeo kapag nabalewala ang kaniyang anak?" pabulong na saad nito, napatango naman bilang pagsang-ayon ang mga kasama nila sa hapag.

Napatikhim na lang si hukom Emiliano, nakalimutan niyang si Loisa ang palaging bida sa mga pagdiriwang. "Siya nga pala, hindi dadalo si Don Amadeo sa iyong kaarawan?" tanong ng isa pang opisyal, kumuha na lang ng alak si Hukom Emilano saka ininom iyon.

Inilapag na niya ang baso sa mesa saka napasandal sa kaniyang upuan. Napalingon siya kay Loisa na nag-iisa sa kabilang mesa habang katabi nito si madam Villareal. "Sumaglit na rito si Don Amadeo, marami pa raw siyang gagawin ngunit dumaan na siya rito at nakisalo kanina" tugon ng hukom, nagpatuloy naman sa pagkain ang mga opisyal na kasalo niya sa hapag. Muling uminom ng alak si hukom Emiliano, muli niyang naalala ang sinabi ni Don Amadeo kanina na umupa ito ng silid sa hotel de oriente at nagbayad ng babaeng bayaran. Binilin nito na huwag siyang gagambalain sa itaas at mananatili lang na sikreto ang bagay na iyon.

Ilang sandali pa, napatayo silang lahat at sabay-sabay na bumati nang dumating si Don Facundo. Kasama nito si Julian at Martin. "Maligayang kaarawan, hukom Emiliano" bati ni Don Facundo, napangiti naman ang hukom at agad pinaupo si Don Facundo sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi. "Maraming salamat, ikinagagalak kong muling makita ka" saad ng hukom at napatingin siya kay Martin na nakatayo sa likod ng ama. "Narito ka pala Martin, aking ibabalita sa iyong ama kung gaano ka kagaling sa ating opisina" ngiti ng hukom sabay tapik sa balikat ni Martin. Napatango lang ang binata saka nagpasalamat, gusto man niyang ngumiti ngunit hindi niya magawa dahil alam niyang hawak ni Don Amadeo sa leeg si hukom Emiliano. Madalas din nitong minamanipula ang desisyon ng hukuman lalo na ang kaso ni Don Lorenzo na kalaban ni Don Amadeo.

Naupo si Julian sa bakanteng upuan, sa tabi ni Don Facundo. At dahil wala nang bakante pang upuan, nagtungo na lang si Martin sa katapat na mesa kung nasaan si Timoteo. "Tinong! Narito na si Diego!" tawag nito habang itinataas sa ere ang sumbrero nito. "Diego! Kailan ka pa dumating? At bakit hindi ka nagsabi?" gulat na wika ni Martin sabay akbay sa kaibigan at sinakal ito gamit ang kaniyang bisig. "Sino kaya sa atin ang palaging naglilihim kung kailan darating? Ha" banat naman ni Diego habang pilit na kumakawala sa pagkaka-akbay ni Martin.

Thy Love (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon