Chapter 1

26.8K 705 161
                                    

Edited

January 13, 2***

SHANA'S POV

'Nakakapagod' reklamo ko sa isip ko habang patuloy na naglalakad. Ilang oras na akong naglalakad pero wala akong patutunguhan.

Well, ginusto ko naman itong nangyayari sa akin kaya magtitiis nalang ako. Wala namang nag-utos sakin na lumayas, sarili ko namang desisyon kaya ako naghihirap ngayon.

Titigil na sana ako kaso naisipan kong maghanap nalang ng matitirahan tutal wala akong mapupuntahan, mabuti nalang muna at may matutuluyan ako habang nag-iisip kung saan ako pupunta.

Wanted: Lady Tenant

Nice. Mukhang medyo maswerte ata ako ngayon, binigay kaagad 'yung gusto ko.

"Uhm, hello po,'' bati ko sa babaeng mataba ang pisngi na may hawak ng pamaypay. Mukha siyang masungit at nakatayo siya malapit sa sign.

Tumingin siya sa akin from head to toe t'saka tumaas ang kilay.

"5,000 kada buwan, sakop na ang tubig, pagkain, gamit at kuryente," aniya. Magsasalita na sana ako kaso pinigilan niya ako. "Pero! Depende iyon kung gaano mo gamitin. Kapag lumagpas ka sa usapang konsumo nito ay papalayasin kita ora mismo! Ayoko din ng late ang bayad kaya magisip-isip kana kung kukunin mo!"

Nagbago na ang isip ko. Natatakot ako na baka bigla akong sakmalin nito kapag may nagawa akong hindi niya magugustuhan.

"Ahm hehe. Itatanong ko lang po kung meron po bang malapit na tindahan dito? Nauuhaw na kasi ako"

"Meron, diyan pa sa kanto," aniya na mukhang napahiya.

Sorry po, nakakatakot ka po kasi.

* * *

Gumabi na at lahat, wala pa rin akong nahahanap na matitirahan! kung hindi ba naman mahal, sobrang dumi naman. Meron pa ngang isang lugar kung saan ang mga tao doon ay sobrang laswa ang tingin sa akin. Hindi siya safe para sa kagaya kong magisa lang, idagdag pa na lumayas ako.

Tumigil ako at napaupo. Ayoko na! Bahala na! Kung makidnap man ako o di kaya mawalan ng malay dito mismo ay wala na akong pake.

At mukhang sobrang grabe naman ata talaga ang kamalasang nangyayari sa akin talagang ngayong araw ay may tumigil na van sa gilid ko.

Jusko po, lord binabawi ko na po yung sinabi ko kanina.

Lumabas naman ang dalawang lalaking naka-itim sa Van. May takip ang mukha nila t'saka lumapit sa akin.

"S-sino po kayo?'' nanginginig kong tanong. "K-kuya, hindi po ako healthy. May sakit po ako. Ahm t-tsaka nakakahawa po sakit ko."

Mukhang hindi naniniwala ang mga lalaking naka black, o wala lang talaga silang pake sa mga sinasabi ko dahil kahit anong sinasabi ko, wala silang kahit na anong reaksyon at nakatingin lang sa akin habang nagmamakaawa.

"K-kuya." Magsasalita sana ako ulitt kaso tinabunan na nung isang men-in-black ang bibig ko at nawalan ako ng malay

* * *
[Setting: Auction House, Main Venue]

Minulat ko ang mga mata ko ng makadama ako ng panlalamig ng katawan ko. Unti-unti akong bumangon at nakita ko ang sarili ko na nakahubad. Huli kong naalala ay nasa daan ako at may tumigil na Van sa gilid ko at lumabas yung mga lalaking naka-itim.

Nakidnap ako pero kailangan ba talagang nakahubad ako?

Pero imbes na matakot ay pinili ko nalang maging kalma at alamin kung bakit ako nakidnap at anong gagawin sakin. Mabuti nga at naisip ko pa iyon sa sitwasyon ko ngayon.

Sold to a Gay Billionaire (Sold Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant