Chapter 10

11K 295 4
                                    

Edited.

Punished.

Third Person's POV

Nasa labas ng kulungan ang isa sa mga tauhan ni Seleno ng biglang may tumawag sa kanya.

Tinignan niya ang caller at nakitang ang amo niya iyon. Napamura naman siya at biglang kinabahan

'Ayokong maparusahan kung sakali pero teka? Wala naman akong ginawa at nagbantay lang naman ako'  Bigla siyang napasapo sa mukha niya at malakas na napabuntong hininga.  'Ang praning ko hayop'

"Y-yes Sir?" utal na sagot niya sa tawag. Putspa ba't kasi wala si Arnold dito? Siya dapat sumagot nito eh.

"Clean my daughter. Make her pleasant, Ayusan niyo at kung ano pang kaartehang ginawa ng mga babae. Gamutin niyo nadin ang sugat niya sa likod, sayang ang perang ibinayad sa kanya"

"S-sige po sir"

"And ohh.. bayad sa pagkatakas niya. Just kill her friends –wait, wag mo nalang pala patayin. Torture them! HAHAHAHA"  sabat ng Tito ni Shana. Ni loud speaker naman ng tauhan ang cellphone at rinig na rinig din ang munting halakhak ng ama ni Shana.

"Sige. Do as what he said, torture them!"

"I'll do the work!" excited na pahayag ng kanyang Tito.

Namutla naman ang nag-iisang tauhan na nakasaksi sa usapan ng dalawang matanda, takte may sapi ata ang mga matandang 'to.

Pagkatapos ng usapan ay umalis naman kaagad ang tito ng babae at bago pa ito umalis ay tinitigan muna siya ng matanda at sinabing "Wag mo'tong ikalat, if you do–keeek!"umaksyon p itong tila nilaslas ang leeg gamit ang kutsilyo. Kabang kaba naman siya sa inakto ng matanda at sunod sunod na tumango.

Kinarga naman ng tauhan ang walang malay na si Shana, pahirapan pa ang pagkuha sa babae dahil meron itong dalawang tigre na nakapalibot sakanya.

Takteng araw to, nakakapangilabot!

Nasa kwarto naman ni Shana sina Gregory at Kara, ang dalawang kaibigan ni Shana.

"Anong gagawin natin ngayon?" mahinang bulong ni Kara kay Gregory. Natatakot siya sa magiging kahahantungan nila lalo na at nakita nila ang malalaking ngisi ng ama ni Shana.

"Hindi ko alam, natatakot ako para kay Shana... at para sa atin" ganting bulong ni Gregory.

Magkakilala na silang tatlo simula nung bata pa sila, Gregory and Kara are siblings and both of their parents died in an accident, ngunit sa kanilang paniniwala lang 'yon.

Their parents never died in an accident sapagkat lahat ng iyon ay plano ni Seleno Oliveros– ang ama ni Shana. He's behind those things kaya maagang nawalan ng magulang sina Gregory at Kara.

Mayaman sila bago pa mamatay ang kanilang magulang at iyon ang habol ng matanda kaya't pinatay nito. Hindi simpleng car accident ang nangyari dahil ang truck na bumangga sa mga magulang nito ay utos niya. The truck driver died–knowing he will be alive after the accident.

Niloko siya ni Seleno na mabubuhay pa siya bago sundin ang utos nito but namatay siya. Pagkamatay ng mga magulang nila ay kunwaring naawa si Seleno sa sinapit ng mga bata at nagkunwaring nasaktan ito sa pagkamatay ng mga negosyante.

Inampon din niya ang mga bata hindi dahil sa last will na kung ano ay dahil pinsan niya ang pumanaw na tatay ng mga bata. Ganyan siya kawalang awa and when he was about to kill the two, dumating naman sa eksena ang batang Shana na nagsususmbong habang umiiyak dahil gusto niyang maging kaibigan ang dalawa ngunit hindi siya pinapansin nito.

Naawa siya sa mga bata–oo, naawa siya. May awa siya sa mga bata pero sa mga matatanda wala. Hindi niya pinapatay pero sinasaktan lang niya. May awa pa siya.

Kinuha naman ng apat na tauhan sina Gale at Kara, at dinala sa torture room at gaya ni Shana ay sinapit din nila ang sinapit ng babae.

"Psst.. Pogi!"  tawag ni Dontel sa isang guard. She is Dauntless Evergreen and she prefer Dontel kasi ang girly daw masyado ng pangalan niya. Not that she doesn't like it, she just remember a painful past.

"Anong atin Miss?" sagot nito

"Balito ko ho meron pong hiring ng maid dito?" nakangiting tanong niya. Napangiwi naman siya agad.

'Pareng Lucious! pagkalabas ko talaga dito sisiguraduhin kong lalaspagin–este pipikutin ko talaga ang kakambal mong si Laxus!'

And yes, She was the girl they ordered to spy the Oliveros'

Binihisan naman ng mga maid si Shana habang tulog ito, they drugged her para di muna siya magising dahil kaya gising siya ay tatagal lang ang kanilang trabaho sapagkat sadyang ayaw nito ang pinapagandahan o 'di kaya ay binibihisan ng ibang tao.

Hindi din nila kagustuhan na drogahin ang babae para makatulog ito, ngunit ito ay dahil sa utos nadin ng mayordoma o ang punong tagapagsilbi ng mansion.

Pagkalinis nila sa babae ay ginawa nila ito ng kung anong mga lotions at pagpapaganda sa katawan at sa mukha. Nang matapos ay kanila itong nilagay sa Van upang ipadala sa bahay ng naka bili sa kanya. Sa kabilang banda naman ay nasa silid ni Shana ang kanyang kaibigan at umiiyak, tila naranasan din nila ang sakit na naranasan ni Shana.

Umiiyak na napasambit naman si Kara, "Paano niya nakaya ang paghihirap na'to? Sa ilang taon? At kamag-anak at sariling ama pa niya ang gumawa"

"Paano niya nakaya? Paano niya natiis ang sakit? Lahat o kadalasan sa atin ay nasasaktan lang sa simpleng salita ng mga magulang at hampas nila ng belt , hanger o kung ano pang gamit pang disiplina dahil sa mahal nila ang kanilang mga anak at nais lamang itong pagalitan sa nagawang mali.

Pero paano naman ang magulang ni Shana? Nilatigo dahil sa pag displina? Hindi ba pwedeng, sobra sobra na ang naranasan niyang sakit kaya't nagawa niya iyon? O kahit nga wala siyang ginagawa eh, nilalatigo padin siya. Iyan ba ang pagmamahal? Ibang klase," ani ni Kara sa kanyang isip.

"I wish she could be fine" Ani ni Gregory. Iniinda padin nito ang sakit ng likod pero mas nag aalala siya sa kanyang kapatid. Mas matanda pa siya nito ng isang taon.

"Sana makalaya na siya sa impyernong ito." mumunting bulong ni Gregory at sinang-ayunan naman ni Kara bago sila mawalan ng malay dahil sa labis na sakit dulo ng mga sugat nila sa likod.

Sold to a Gay Billionaire (Sold Series #1)Where stories live. Discover now