Chapter 3

16.8K 493 61
                                    

Edited.

Party

Shana's Point of View

Nasa magarang sasakyan ni Manyak ngayon. Isang limousine, sa mga TV ko lang nakikita yung ganito, di ko inakala na mararanasan kong sumakay dito. Inikot ko ang tingin ko  loob ng sasakyan at may TV pala dito , meron ding speaker tas may maliit na kama dahil sa haba ng upuan nito. May table pa nga dito eh pero yung maliit na table lang. Parang mini bahay.

Tinanong ko si Manyak kanina at papunta pala kami sa isang hotel. Sabi pa niya sa akin kanina isang formal event daw yun at dapat nakasout ng pink ang babae at blue naman sa lalaki.

Nahagip ng mata ko si Manyak at pinagmasdan siya. Mukhang siyang anghel habang natutulog. Kung hindi ko lang talaga siya nakausap baka nagka crush nako sakanya.

Yung kilay niyang ganda tignan. Tas medyo mahaba pa ang pilik mata. May pagka curvy naman yung labi niya na bumabagay sa matangos niyang ilong kaso nga lang ang cold ng aura niya.

Naimagine tuloy yung mukha niyang nakangiti. Yung labing niyang mapupula na nakangiti sa akin.Yung masarap niyang labi.Gusto ko tuloy siyang halikan.

Napaubo ako sa naisip ko. Parang di ko yata kayang nakangiti siya. Parang nakaka tunaw. Natatakot na ako sa mga naiisip ko.

"Why are you staring at me?" bigla niyang tanong at binuka ang dalawa niyang mata. Nanlaki ang mata ko habang sinasalubong ang maitim niyang mata. Napa iwas ako ng tingin. Tingin palang yan nakaka tunaw na.

'Bat ba kasi ang gwapo ng naka bili sa akin. Nagdurusa tuloy ako. Napailing ako. Mas okay ng gwapo ang nakabili saakin kesa naman dun sa mga goon or di kaya pedophile. No thanks nalang. Mas okay na sigurong siya yung nakabili. Atleast di niya ako inaabuso.

"D-di kaya kita tinitignan'' utal kong pag iwas. Alangan namang sabihin ko na ' Oo tinititigan kita. Ang gwapo gwapo gwapo mo po' Baka lumaki ang ulo nun. Pero napaisip naman ako. Bat kaya niya ako binili kasi kung iisip ng mabuti, marami naman willing sakanya kasi ang gwapo naman niya.

"Tss" Ungos niya. Bumulong naman siya "Kadiri tong babaitang to. Makakatitig gosh baka gapangin ako nito pag tulog ako. Its so, nakakakilabot. Kaloka" na di ko naman narinig. Napa 'ano' naman ako ngunit di na niya ako pinansin.

Ilang minuto siguro kaming nasa biyahe bago kami naka rating sa destinasyon namin. Una naman siyang bumaba kasi pinagbuksan siya ng butler niya na si Mr. Fumiya. Yep meron siyang butler and his butler is a Japanese. Yaman talaga ng taong to.  Paano ko nalaman ang pangalan at kung gaano kayaman? Nagpakilala si Mr. Fumiya sa akin at dinaldal ako kung paano kayaman itong Manyak na kto.

Bago kami gumayak paalis. Buti pa nga si Mr. Fumiya nagpakilala pero itong amo niya? Nako maski apelido or pangalan di man lang binigay. Gusto ko sanang tanungin kaso baka di naman ako pansinin nito. Pa special pa naman siya.

Pagkababa niya ay nilahad naman niya ang kamay niya. Di ko sana tatangapin kaso parang nakikita ko sa mata niya na pag di ko tatangapin ay malilintikan ako kaya tinanggap ko nalang. Ngumiti naman siya at biglang may maraming flash ng camera ng nagsulputan.  Tsaka ko lang napansin na may media pala dito. Nakakasalisaw yung mga flash. Meron ding red carpet. Ang sosyal naman ata. Parang di ako bagay. Pero ang mas nakapansin saakin ay ang pag ngiti niya. Napatanga ako ng kaunti dun. Mas lalo siyang gumwapo.

Bumaba naman ako ng limousine.

"Let's go" aniya at ginaya ako papasok dun sa hotel. Sobrang namangha ako sa loob dahil ang ganda ng interior. Isama pa na ang daming magagandang mukha nandito. May nakita pa nga akong artista eh. Kaya pala andaming media's dito. Baka dahil sakanila.

Hinila naman ako ni Mr. Manyak sa kung saan kaso wala akong pake sa kung saan kami pupunta dahil umagaw talaga ng pansin ko ang buffet table. Jusko po nagugutom na ako. Wala pa pala akong kain. Nakakainis na lalaking ito at hinila ako agad na wala pang kain. Breakfast at lunch. Wala pa ako nun. Hapon narin kasi ako nagising dahil pagod ko. Siguro mag f-five na ng hapon at walang wala pa akong kain. Malakas akong matulog lalong lalo na at pagod ako. Ngayon ko lang rin kasi namalayan ang gutom ng naka kita ako ng sangkaterbang pagkain.

"A-ahm saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. He looked at me.

"Upstairs" tugon niya.

"Ahmm pwede kumain muna? Wala pa akong kain" aniko. Wala ng hiya hiya basta gutom na talaga ako.

Kumunot ang noo niya at hinila ako papunta sa buffet table. Napangiti ako ng malaki. May puso parin pala ang isang to.

"Eat" utos niya. Dali dali naman akong kumuha ng plato at nagpa serve dun sa nagbabantay ng pagkain. Napakunot ang noo ko. Ang konti ng nilagay niya.

"Damihan mo" utos ko. Tinignan ako nito na parang nakakita ng multo.

"S-sigurado po kayo ma'am?" Napakunot ang noo ko.

"Oo, bakit?" paarte kong sabi. Parang gusto ko lang subukan maging maarte.

"Eh kasi po. Kadalasan ng nagpapalagay konti lang sinasabi tas sainyo madami?" aniya at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at nilagyan ng pagkain ang plato ko. Yung madami. Mabuti naman pala at marunong itong sumunod eh.

Pagkain nalang sinabi ko. Di ko rin kasi alam kong anong tawag sa mga pagkain yun.

Umupo naman ako sa bakanteng lamesa na pinatungan ng pink na tela. Iniscan ko naman ang buong lugar. White and Pink ang theme ng lugar. White Roses,white plates,white designs with the touch of light pink.Basta ang ganda niya tignan at di masakit sa mata.

Tinanggal ko ang mata ko sa lugar at nagsimulang kumain. Ewan ko kung nasaan na ang lalaking yun dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay ang pagkain na nasa harap ko. Sobrang sarap nito at gusto ko pa sanang umulit kaso nakakahiya naman. Kaya nung natapos ako ay nakaupo lang ako habang hinahanap ng mata ko si Mr. Manyak.

"Hey" ani ng tao sa likod ko. Nakita ko ang isang lalaking may piercing sa tenga at may eyeliner. Mukha siyang badboy sa datingan niya dahil kahit naka pink siya na suit ay naka bukas naman ang tatlong butones ng sout niya.

"Hello" bati ko din. Ayoko namang maging pa VIP. Sobrang bad nun. Isa pa mayaman iyan at dukha lang ako kaya dapat respetuhin.

"Alone?" he asked. Di ako nagsalita. Linyahan ng playboy tsk tsk.

"Laxus." Tawag ng isang pamilyar na boses. Pag tingin ko si Mr. Manyak kasama ang isang matandang lalaki at babae. Medyo kamukha ni Mr. Manyak ang matandang lalaki habang kasing kulay naman sila ng matandang babae.

"Oh cousin!" ani nung Laxus t'saka lumayas. Bigla namang lumapit ang matandang babae saakin.

"Are you my son's wife? Wait, are you pregnant? Did my baby boy take you already? How was it? "

"Ma!" ani ni Mr. Pink.

Sold to a Gay Billionaire (Sold Series #1)Where stories live. Discover now