CHAPTER FOUR

1K 54 31
                                    

HINDI pa rin ako makapaniwala habang nakatingin sa nangyayaring medical mission. Kanina pa iyon nagsimula, pero hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa puwesto ko.

Hindi lang kasi ang magkakapatid na GDL ang nandoon. Juan practically dragged their family doctor for the medical mission. Hindi ko alam kung paano niya iyon nagawa. Kaya hayun, bukod sa mga doktor na kasama nina Kuya, may isa pang nadagdag para tumingin sa mga taong nandoon.

"Hey, are you okay?"

Hindi ko namalayang nakalapit na pala si Juan sa akin.

"Bakit 'yan ang lagi mong tanong kapag nagkakausap tayo?" tanong ko. Gosh, hindi ko alam kung bakit iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

Parang nagulat siya pagkatapos ay bahagyang natawa. Hindi ko alam kung maguguluhan o maiinis ako dahil sa pagtawa niya.

Puwede ka ring kiligin. Ang guwapo niya lalo na kapag tumatawa.

Pinagalitan ko ang sarili ko sa mga naiisip ko. Huminga ako nang malalim bago uli nagsalita. "Bakit ka tumatawa?"

Tumikhim muna siya para matigil sa pagtawa bago sumagot. "I'm sorry. Hindi ko naman kasi napapansin na 'yon pala ang lagi kong natatanong sa 'yo. Well, siyempre noong una, I caused you harm, kaya naman nang sunod tayong magkita, tinanong kita kung okay ka na ba. Nagi-guilty kasi talaga ako sa nangyari sa 'yo lalo na nang malaman kong isang linggo kang hindi nakapasok. Ngayon naman, I was asking kung okay ka lang kasi parang hindi maganda ang mood mo."

Huminga ako nang malalim. "Why are you here?"

"I promised your brother that I will be here. I intend to keep my promised," sagot niya.

"Why? Puwede ka namang hindi pumunta. Don't tell me takot ka kina Kuya?" tanong ko.

Nakita ko ang bahagya niyang pagngisi. Napataas ang kilay ko dahil doon. Aba, siyempre kahit hindi pakikipag-away ang hanap nina Kuya, nakakatakot pa rin ang frat nila.

"I'm not afraid of them. I'm here because of you." Titig na titig siya sa akin habang sinasabi iyon.

Susko! I'm right! He spells trouble! Kasi naman, bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? Hindi puwede ito!

"Bakit dahil sa akin?" Pinilit kong hindi mautal. Kailangang hindi niya malaman na naiilang ako sa mga titig niya.

"Kung ito lang ang paraan para makabawi ako sa 'yo, gagawin ko. Kaya nga nagdala rin ako ng isa pang doktor, para hindi ka na obligadong tumulong dito. Kailangan mo pa ring ipahinga 'yang paa mo," sabi pa niya. "Oh, right. Mamaya, ipa-check mo ulit 'yang paa mo, okay?"

"Thank you, but like I told you, I'm okay. Hindi mo na kailangang magpauto pa kay Kuya," sagot ko.

"Who told you na nagpapauto ako sa kapatid mo? Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? I was doing this because of you," seryosong sabi ni Juan.

"Why?" matapang na tanong ko.

"Because you're my Kwyn Mystery Montenegro," nakangiti na niyang sagot.

--

AFTER a tiring but a very meaningful day, nakauwi rin kami sa bahay. Hindi ko alam kung bakit parang pagod na pagod ako samantalang wala naman ako halos ginawa sa medical mission nina Kuya.

I was just so tired na hindi na ako kumain ng dinner. Ang gusto ko na lang ay mahiga at ma-relax ang katawan ko.

Pero... parang hindi pa rin ako makapag-relax. Hindi kasi maalis sa isip ko iyong sinabi ni Juan.

"Because you're my Kwyn Mystery Montenegro."

What did he mean by that? And... how did he know my full name? Ang gulo-gulo niya! I don't get it!

GDL 1: Better With You (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن