CHAPTER SEVENTEEN

684 33 16
                                    

MABILIS akong naglakad palabas ng classroom. Ayoko ng marinig ang kuwentuhan at insights ng mga kaklase ko sa katatapos lang naming topic. Kung alam ko lang na ganoon ang magiging discussion namin sa Abnormal Psych, hindi na sana ako pumasok. I will ditch my class for my sanity.

Alam ko, kailangan kong tatagan ang loob ko para sa grades at para na rin sa sarili ko. Pero kasi, iyong discussion, very disturbing talaga sa isip. Plus, it brought back so many memories. At very sad and painful memories.

Malapit ng tumulo ang mga luha ko nang magulat ako dahil may biglang tumapik sa balikat ko. Nang lingunin ko kung sino iyon, nakita ko si Juan.

Ang nakangiti niyang ekspresyon ay napalitan ng pagkakakunot ng noo nang makita ang hitsura ko. Nakita ko rin ang pag-aalala sa mukha niya.

"Hey, are you okay?" tanong agad ni Juan.

Iling lang ang isinagot ko. Pakiramdam ko kasi, maiiyak na talaga ako kapag nagsalita ako.

Bumuntong-hininga si Juan. Hindi nagsasalitang hinawakan niya ang kamay ko saka inalalayan palabas ng CAS Building. Dere-deretso lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa parking lot. Nang tumapat kami sa kinapaparadahan ng sasakyan niya, hindi pa rin umiimik na ipinagbukas niya ako ng pinto.

Tahimik din naman akong sumakay. Ilang sandali lang at nasa driver's seat na rin si Juan. Nang makalabas na kami ng university, saka ako nagtanong.

"Saan tayo pupunta?"

"We'll just drive around," sagot niya. Sinulyapan niya ako saglit saka ulit nagtanong. "What happened? You look so upset."

Sandali akong nag-isip kung sasabihin ko ba o hindi. Pero dahil si Juan siya, pinili kong sabihin. I had this feeling of being comfortable with him. Parang ang gaan lang magsabi ng kahit ano sa kanya.

Bumuntong-hininga muna ulit ako bago nagsalita. "'Yong class namin kanina sa Abnormal Psych... May ipinapanood sa aming video clip para sa discussion," pagsisimula ko.

Hindi siya nagsalita, pero nakikita ko naman na nakikinig siya. Hinihintay ang kasunod ng sasabihin ko.

"'Yong video clip... 'Yong suicide video ng isang singer-dancer sa Europe," sabi ko pa. "Sa course namin, normal mo ng maririnig ang salitang suicide. Part 'yon ng maraming discussion sa mga subjects namin. Pero ang makapanood ng video ng suicidal attempt mismo ng isang tao? I don't know."

Huminga ako nang malalim. "Baka iniisip mo, bakit ko pa kinuha ang course na ito kung mahina ang loob ko sa mga ganitong bagay. Alam ko naman na dapat okay ako after class. I should be objective about it. But that video? Its very alarming. Very disturbing. Alarming kasi mas dumadami 'yong cases ng suicide sa mundo because of depression and other mental illness. Nakakalungkot lang. Disturbing kasi nakaka-trigger 'yong video. Plus, kapag napanood mo 'yon, parang hindi na 'yon maaalis sa isip mo. In fact, hanggang ngayon, nagre-replay pa rin 'yon sa isip ko. Nakangiti pa siya bago tumalon sa building. Walang makikitang remorse sa kanya. But we all know that it was just a mask. Dahil sa likod ng ngiting 'yon, nakatago ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"Higit sa lahat, kaya ganito ang reaksiyon ko ay dahil naalala ko si... si Mommy. Nabanggit ko na sa 'yo na nawala siya sa amin dahil nag... nag-suicide rin siya, di ba? The memories are haunting me. Alam ko, in time, mao-overcome ko rin ito. Pero, parang hindi pa sa ngayon."

Naramdaman ko na hinawakan ni Juan ang kamay ko saka bahagyang pinisil. Para bang sinasabi niya sa akin na everything will be alright. At dahil doon, kataka-takang kumalma kahit paano ang pakiramdam ko.

Nang mapatingin ako kay Juan, nakita ko na nakatingin din siya sa akin. Eksakto kasi na naka-red ang traffic light kaya sandali kaming tumigil. He smiled at me, so I smile back.

GDL 1: Better With You (Completed)Where stories live. Discover now