CHAPTER FIFTEEN

663 45 12
                                    

DAHIL hindi na talaga ako kumportable sa mga matang nakatingin sa akin, si Dixie na lang ang um-order ng pagkain namin. Pilit kong binabale-wala ang nakukuha kong atensiyon hanggang sa makabalik ang best friend ko.

"So, he's that Juan pala. In all fairness, he's one hot of a guy," sabi ni Dixie nang magsimula na kaming kumain.

"Sshh! 'Wag ka ngang maingay. Grabe na nga 'yong atensiyong nakukuha ko, gusto mo pa yatang dagdagan," sabi ko.

Pero hindi pinansin ni Dixie ang sinabi ko. Tuloy lang siya sa mga hanash niya. "Eh, bakit ba? If I know, karamihan sa kanila, naiinggit lang sa 'yo," sabi ng best friend ko.

Well, what can I do? Dixie was being Dixie. Sa aming dalawa kasi, mas outspoken at straightforward talaga siya. Kapag may gustong sabihin, sasabihin talaga.

"Inggit? Bakit naman?" tanong ko saka sumubo ng lasagna.

Isang hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay sa akin ni Dixie. Parang gusto na niya akong sabunutan sa uri ng pagkakatingin niya.

"Hello? Siyempre, dahil ikaw 'yong gusto ng Juan nila. Dahil hindi man literal na sinabi, parang ipinagsigawan na rin ng lalaking 'yon na ikaw ang reyna ng buhay niya."

Bumuntong-hininga naman ako. "Hindi ko alam kung maiinis o kikiligin ako dahil doon. Grabe! Ganoon ba talaga kasikat ang kulot na 'yon?" sabi ko pa.

Nagtaka ako nang ilang minuto na ang nakalipas, hindi pa umiimik man lang si Dixie. Mula sa kinakaing lasagna, nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin.

"What?" tanong ko. "Ang weird mo, Dixie Anne. You're starting to freak me out."

Bahagya siyang natawa, pero mayamaya, nagseryoso na ulit. "'Yong huli mo kasing sinabi, eh. Bakit ka kililigin if ever?"

Natigilan naman ako. Hindi ako kikiligin, not unless...

"Don't tell me..." nanlalaki ang mga matang sabi ni Dixie. "Oh, my God!"

"Sshh! 'Wag ka sabing maingay!" saway ko ulit.

"Tsk! Umamin ka nga sa akin, Mystery. Gusto mo na ba ang lalaking 'yon?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. I could have said no. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi.

"I-I don't know." Iyon na lang ang nasabi ko.

"What do you mean by that?" taas-kilay na tanong ni Dixie.

Grabeng makapag-interrogate ang best friend ko! Parang kinalimutan na niya ang pagkain at ipinagpalit sa pinag-uusapan namin.

Huminga muna ako nang malalim at uminom ng buko juice.

"Hindi ko talaga alam, eh. There's something about him na iba kay Brent o sa mga lalaking nanligaw sa akin. Don't get me wrong. I'm not trying to compare. Iba lang talaga in a sense na at ease ako when Juan's with me. Sure, noong una, naiilang ako. Pero nang makasama ko siya sa orphanage? May nag-iba, eh," sabi ko.

"Oh, God, babe! Attracted ka na sa kanya!" sabi ni Dixie.

"To be honest, after sa orphanage saka ng Laguna daytrip namin, nalito na ako. My heart started to beat faster than usual. Siguro nga, attracted na ako sa kanya. He's not just a pretty face after all. Pero... hindi ba masyadong mabilis? I mean, two months ago, bitter pa ako sa panloloko ni Brent. Then, now..."

"Nonsense. The heart knows no time, remember that. Maybe, sa ilang beses na nagkasama kayo, naramdaman mo hindi lang ang pagkakaiba niya sa ibang lalaki kundi pati na rin kung sino talaga siya. Just enjoy the feeling. Go with the flow. That's normal," sabi ni Dixie.

GDL 1: Better With You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon