CHAPTER EIGHTEEN

632 35 12
                                    

"ALAM mo bang isa 'yon sa mga crazy wishes ko?" sabi ko.

Kumunot ang noo ni Juan at napatigil sa pagsubo sana ng pizza. "Alin?" tanong niya.

"'Yong mapanood ang This Is Us sa big screen. Di ko kasi 'yon napanood nang mag-showing dati. Ang laki nga ng panghihinayang ko noon. But... you made it possible. God, I'm so happy. Thank you," malawak ang ngiting sabi ko. Pagkatapos ay masaya kong isinubo ang hawak kong slice ng pizza.

After naming manood ng sine, napagkasunduan naming kumain ng pizza. Babawi raw siya kasi hindi na niya nagawang makabili ng pagkain bago kami pumasok ng sinehan.

Pabor naman sa akin iyon kasi mas nakapag-focus ako sa panonood. Kahit kasi maraming beses ko ng napanood iyong This Is Us, hindi ako nagsasawa. Lalo pa nga at finally, sa big screen ko na iyon pinapanood. Sobrang saya lang.

After nga ng movie, parang ayaw ko pang umalis ng sinehan. Tinawanan pa ako ni Juan dahil gusto ko pa ulit iyong ulitin. Unfortunately, hindi na puwede dahil pagkatapos ng movie, tapos na rin ang oras ng reservation ni Juan.

"Paano mo nalaman 'yon?" tanong ko pa. "I'm sure, hindi 'yon alam ng source mo dahil wala akong pinagsabihan kahit sino ng mga crazy wishes ko. Not even Dixie or my family," sabi ko pa.

Masuyo ang ngiting ibinigay ni Juan. Titig na titig din siya sa akin.

"I don't know. Basta ang alam ko lang, dapat mapasaya kita. At dahil nasabi mo na isa ang One Direction sa mga nagpapasaya sa 'yo, nag-come up ako sa idea na 'yon," sagot niya.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Tuwing kasama ko si Juan, parang roller coaster talaga ang mga emosyong lumalabas sa akin.

"Thank you," sinserong sabi ko. "Hindi lang ang One Direction ang nakapagpasaya sa akin. Mas pinasaya mo ako."

Hindi ko namamalayan, sa maikling panahon, napasok na agad ni Juan ang mundo ko. Ang mundo na itinatago ko sa karamihan ng tao. He sees right through me. Nakita niya hindi lang iyong ako kundi pati na rin iyong mga kahinaan ko.

Not even Brent saw that. Lagi kasi akong compose kapag nasa harap ng mga tao. When in my weakest, hindi ako nagpapakita sa kahit sino.

Kaya sobrang naa-appreciate ko iyong mga ginagawa ni Juan. Kahit wala akong sinasabi, parang alam na alam niya kung ano ang mga gagawin niya para sa akin.

"Talaga?" ngiting-ngiti na niyang tanong. "Ayaw ko nga sana ng idea na 'yon, eh. Dapat ako lang ang lalaking makakapagpasaya sa 'yo. Pero anong laban ko sa mga lalaking 'yon? Nauna sila, eh. No choice ako kundi makipagsabayan na lang," dagdag niya.

Natigilan ako at nang makabawi, saka ako tumawa. "Baliw! Ano ba 'yang mga sinasabi mo?"

"'Ayan, buti naman at tumatawa ka na ulit. You're beautiful, more beautiful when you smile and most beautiful when you laugh. At masaya ako dahil this time, ako na ang nakapagpatawa sa 'yo, hindi na ang One Direction," sabi niya.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Kainis, eh! Ang galing mambola.

"And, oh, you're cute when you're blushing," natatawa na niyang sabi.

"Hindi ako nagba-blush!" tanggi ko kahit obvious naman na ang pag-iinit ng mukha ko tanda ng pagba-blush. "Basketball player ka nga. Ang galing mong mambola," sabi ko pa.

"Hey, hindi ako nambobola. Totoo ang sinasabi ko. You're cute kapag namumula, cuter kapag nagtataray at cutest kapag nagtataray habang namumula," nakangising sabi niya.

Inirapan ko na lang siya. "Ewan ko sa 'yo." Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ng pizza habang siya, patuloy pa rin sa pagtawa.

Mayamaya, nagtanong na ulit si Juan. "Anyway, okay ka na ba? I hope nakatulong ako kahit paano."

GDL 1: Better With You (Completed)Where stories live. Discover now