CHAPTER FORTY-FOUR

610 29 11
                                    

NAKAKUNOT pa rin ang noo ko kahit wala na sa paningin ko si Juan. Pagkatapos kasi niyang tumawag sa kung sino, sumakay na rin siya sa elevator. Nakasimangot naman ako at maglalakad na rin sana nang biglang tumunog ang cell phone ko. Tiningnan ko naman iyon.

Voice message? From Juan?

Nagtataka man, pinakinggan ko iyon habang pasakay sa elevator.

“Hi, baby. Alam mo ba, nanalo kami sa laban namin ngayon. Gusto ko sanang ipagmayabang at sabihin sa 'yong I did well. Sana nandito ka para nakita mo kung paano ako nakipagsabayan sa mga kalaban. Miss na miss na kita. Don’t worry, pagkauwing-pagkauwi ko, mag-uusap tayo. Saka, sorry nga pala ulit. Alam ko, ayaw mo ng marinig 'yan, pero uulit-ulitin ko pa rin kasi alam kong nasaktan kita. I’ve been a total jerk. Teka, tama na nga ito. Masaya ako kasi panalo kami. Hmm… nga pala, may isa pa kaming laro. Gagalingan ko ulit. I’ll make you proud. I love you!”

Teary-eyed ako pagkatapos pakinggan iyon. Juan’s words warmed my heart. It has a different kind of magic. It was as if I’m under a spell. Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya, pakiramdam ko, nakangiti na ulit ang puso ko.

So… walang ibang tinawagan si Juan. At para sa akin pala ang ngiti niyang iyon kanina.

Damn you, Juan Gomez de Liano! You’re the only one who can make my heart flutter. You make me go insane!

Magaan na ang pakiramdam ko nang makarating sa hotel room na ino-occupy ko. Para pa rin akong lumulutang sa mga ulap.

May bahagi sa isip at puso ko na gustong magpakita na kay Juan, pero pinipigilan ko talaga. I couldn't take the risk. Though lamang ang pakiramdam ko na mas gaganda ang laro niya kapag nalaman niyang nandito ako, ayoko ng subukan.

Hay, oo na, ako na ang makapal ang mukha na mag-assume. Pero wala na akong pakialam. Kay Juan na rin naman nanggaling, mahal pa rin niya ako. Kailangan na lang matapos ang FIBA Asia para makapag-usap na kami. And I can't wait for that day.

--

TODAY'S the big day for the Gilas Pilipinas. Ngayon na kasi ang araw ng huling laban nila para sa fifth window. Make or break game din ang laban nilang ito. Kailangan nilang ipanalo ang labang ito para makapasok sa FIBA World Cup. Well, medyo nakasalalay rin sa laban ng South Korea kontra Lebanon at Japan kontra Australia ang pagpasok ng Gilas sa world cup. In short, kailangang manalo ng Gilas Pilipinas, South Korea at Japan para sure na ang world cup stint ng Gilas.

Siniguro ko na may energy ako para makapag-cheer sa buong team. Hindi ako sumama kina Kuya na maglibot kahapon. Nag-stay lang ako sa hotel room ko. Bukod sa mas gusto kong manatili roon, iniiwasan ko lang din na magkasalubong kami ni Juan lalo na at iisa lang ang hotel na tinutuluyan namin.

Well, if ever na makita man ni Juan sina Kuya at magtanong siya, puwede namang sabihin nina Kuya na nag-travel sila at hindi nila ako kasama.

Katulad noong nakaraang araw, marami pa ring OFW ang manonood at handang sumuporta sa team. Katulad ng unang laban, nagmukhang mas home court ng mga Pinoy ang court na iyon sa Qatar.

At katulad rin noong una, nagpapalit ako ng ticket para sa upper box seat maupo. Okay na ako kahit medyo malayo ang upuan, basta napapanood at nakikita ko nang maayos ang laro.

Nag-umpisa ang ratsada ng Gilas sa hook shot ni Junemar Fajardo who was one heck of a player. Parang hindi siya nagkaroon ng lagnat the other day.

Napapapalakpak talaga ako nang bongga sa bawat tira na nai-shoot ng Gilas. First quarter pa lang, halatang ganado na talaga ang bawat players.

And I'm so proud dahil isa sa mga nagpapakitang gilas si Juan. Ipinasok siya under three minutes of the first quarter. At hindi talaga siya nagpapahuli sa mga kuya niya. He was not scoring that much, pero on point ang depensang ipinapakita niya.

GDL 1: Better With You (Completed)Where stories live. Discover now