Chapter 2

15 4 0
                                    

Gef's POV  (Wednesday)

Pagkagising ko ay dumeretso ako sa cr para magtoothbrush at maligo...Napagdesisyonan ko kasing pumunta sa convenience store ngayon para bumili ng mga pagkain para bukas. Kasi for sure, ako na naman ang uutusan ni kuya, kaya ito nagkusa na lang ako..

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng white shirt na may maliit na print at sweat pants.

Pagkababa ko ay kumain muna ako ng tinapay at nagtimpla ng gatas since 10am na, di na ako umabot ng breakfast. Bago umalis ay nagpaalam ako kay mama.

"Ma pupunta muna ako sa convenience store, bibili lang ako ng mga chichirya na kakainin namin bukas nila Kuya"paalam ko.

"Eh may pambili ka naman ba?" tanong ni mama.

"Meron pa pong natira sa allowance ko nung pasukan, tsaka sisingilin ko na lang po si kuya mamaya HAHAHA"

"Oh idagdag mo to" sabay abot ng 200.

"Thank you ma, punta na ko" paalam ko

"Sige ingat anak"sabi ni mama.

"Sila ang mag ingat sakin ma! Hehe! Sige po alis na ko"sabi ko at lumabas na ng bahay.


Maling desisyon yata ang magvolunteer na maggrocery! Wow, Lakas kong magsabi ng grocery ah! eh chichirya at cookies lang naman bibilin ko! Oh Wag na umangal.


Ang init init naman dito sa labas! Juice colored! Tapos dumagdag pa ang hotness ko!

(n/a: Amfee ka ghorl! Baka nasa empyerno ka na kaya mainit!)

Wag ka ngang kontrabida! Pagbigyan mo na ko Author!

(n/a: K dot)

Attitude!

______________________________

(At Grocery Store)

Nandito na ko sa labas ng grocery store at naglalakad na papasok.

'Hooooo!' ang init sa labas at buti na lang air-conditioned dito. konti lang din ang bumibili kaya hindi hassle.

Kumuha ako ng basket at pumunta sa mga junkfoods/chips and biscuits section...Kumuha ako ng iba't ibang chichirya at kumuha rin ng mga cookies.

Pumunta rin ako sa drinks section at kumuha ng canned drinks...at dumiretso na sa cashier para bayaran ang mga binili ko.

"376 po lahat ma'am"sabi ni ateng cashier na parang sinapak sa sobrang pula ng nguso.

(n/a: Judger ka ha!)

Coming from you Author ha!

Kumuha ako ng 500 pesos sa wallet ko at binayad ko..pagbigay ng sukli at pinamili ko ay umuwi na ko.

Ang init pa rin sa labas potaness! Baka masun burn pa tong porcelain skin ko! Char!

Summer na kasi,kaya mainit na ang panahon ngayon.

Nang makakita ako ng tricycle ay pinara ko ito at sumakay na dahil di ko na kaya ang init.

(n/a: psh, OA!)

Quiet ka na lang diyan Author!

"Manong bayad po!"sabi ko ng makarating na ko sa bahay namin.

Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko si Lian na nanonood ng tv at si Kuya Jad na naglalaro ng ML.

"Andito na ko!" magiliw na sabi ko kaya napatingin sila sakin.

Bumped Into Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن