Chapter 6

8 4 0
                                    


Nang makarating kami sa kwarto ay inayos ko na ang mga gamit ko at nagbihis na din..

Black shirt at denim short ang suot ko.

"Hay salamat at makakapagpahinga na tayo!"sabi ko. At humikab.

"Inaantok na ko" sabi naman ni Lian. Kaya nahiga na.

Kasama ko sa kwarto sila Lian at Kuya..At sa kabilang kwarto naman sila mama at papa.

Bale 2nd floor ang condo nila tita at sa taas ay may dalawang kwarto at dito sa baba ay dalawa rin.. Ang kwarto sa taas ay kay Yohan since si Marley ay natutulog sa kwarto ng mommy at daddy niya na nasa taas din.

Malaki ang kwarto namin kaya kasya kaming tatlo dito...May dalawang kama dito sa kwarto at tabi kami ni Lian at si kuya naman sa isa. Ang swerte naman ng ugok!

'Makatulog na nga!.'

________________________________

"Ate!Ate!Wake up!Let's eat na daw!"narinig ko ang matinis na boses ni Marley.Napaka cute talaga nitong batang to!. Kung di ko lang pinsan to kanina ko pa hinampas to! Ganda ng panaginip ko eh! Magki kiss na dapat kami ni Shawn!

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko syang tumatalon sa kama,kaya pati si Lian ay nagising na din.

"Hi Ate Aya!Hi Ate Lian"bati samin ni Marley at umupo sa gitna namin ni Lian.

Ang cute cute talaga nitong batang to! Sarap kurutin sa singit!

"Hi Marley!"bati din namin sakanya.

Tinignan ko naman ang kabilang kama at wala na si kuya,baka nauna na.

Tinignan ko ang phone ko na nakapatong sa side table ng kama at 12:30 na.

"Lian ikaw muna ang bahala dyan kay Marley, magc-cr lang ako."paalam ko kay Lian.

Bumangon na ko sa pagkakahiga para pumunta sa cr at magtoothbrush. Oh sa mga di pa nagtoothbrush dyan, tama na muna ang basa, magtoothbrush naman kayo!' Char!

Pagbalik ko ay nagpaalam naman si Lian na pupunta din sa banyo kaya ako naman ang kinulit ni Marley.

"Ate punta tayo later sa baba ha! Play tayo!"sabi ni Marley,syempre di na ko tatanggi kasi naman napakacute niya.

"Oh sige ba basta kakain muna tayo okay?"sabi ko sakanya

"Okay po!"sabi niya na parang na-eexcite.

Pagbalik ni Lian ay lumabas na kami ng kwarto,para pumunta sa dining table..

Pagdating namin sa kusina ay nandon na silang lahat at nakahanda na ang pagkain,hinihintay na lang kami.

"Halina kayo kakain na "sabi ni mama saamin at pumunta naman na si Marley sa mommy nya.

Umupo na kami at sinimulan ng kumain.

____________________________

"Yeeeey!"

Nandito na kami nila Lian at Marley sa lobby ng condo para mamasyal. Paglabas mo ng building ay matatanaw mo na ang malaking swimming pool at andaming nagsiswimming ngayon.

At shet ang wawafu at ang hahot ng mga boylets dito! May mga pandesal!

Naglilibot kami sa pool area na super luwang..siguro ang sarap magswimming dito..at ang ganda pa ng ambiance!

Bumped Into YouWhere stories live. Discover now