Chapter 8

14 4 0
                                    

Gef's POV (Friday)

Paggising ay tinignan ko ang oras sa phone ko at 9am na pala..sumulyap ako sa katabi kong kama at wala na si kuya at wala na rin si Lian..

Kaya naman nagpunta ako sa cr para maghilamos at magtoothbrush..

Paglabas ko ng cr ay nadatnan ko si Lian na may kinakalkal sa bag niya pero di ko na siya pinansin at lumabas na lang ng kwarto..

Pagdating ko sa sala ay nakita ko si Kuya at Yohan na may tinatawanan sa phone...

"Hahahaha!"tawa nila, pero mas malakas nga lang ang kay kuya.

"Ano yan!?"curious na tanong ko..kaya nagulat silang dalawa at binaba ang phone..

"Ito ba?Pffftt"sabi ni kuya sabay taas ng phone at...kingina! picture ko yun na nakakunot ang noo at nakanguso habang natutulog!..ang pangit ko pa naman dun!

"Kuyaaaaa!"sigaw ko at hinabol siya..

Nagpaikot-ikot kami sa sala,pero di ko pa rin siya nahahabol... dahil malapit ko na siyang maabutan ay lumabas na siya sa unit pero hinabol ko pa din siya...

"Kuya idedelete mo yan o idedelete mo!?sabi ko habang hinahabol pa din siya.. Hinihingal na ko ha! Pagod na ang beauty ko!

"Ayoko nga!"sabi niya,tignan niyo tong si kuya parang bata.. Di nga lang cute!

Ilang minuto kaming naghahabulan, pero di ko pa rin siya mahuli..

Di man lang ba napapagod tong si Kuya?

"Kuya please! Idelete mo na yan...!"

Natigilan ako sa pagtakbo nang lumabas ang lalaking pinaka kinakainisan ko.

Bwiset na bwiset na nga ko kay Kuya pero mas lalo pa akong nabwiset nang makita ko ang pagmumukha ng Kupal.

Nagkatinginan kaming dalawa..
"Oh why are you staring at me?"sabi ko at tinaasan ko sya ng kilay habang nakapamewang.

"Uy umi-English ka pala sis?!" singit naman ng kapatid kong bwiset din..

"Ikaw kuya sinabi ko bang magsalita ka?di ba hindi naman! tsaka idelete mo na nga yan!"inis na sabi ko..at inagaw ko ang cellphone niya pero na out of balance ako kaya sumalpok ako sa semento at nahulog ang phone..

King ina talaga! Pangalawang beses na to ha! At wala man lang sumalo?!

(n/a: may ineexpect ka ba?)

Ha?

(n/a: Halakangjuwa!)

Baptrip ka din author no? Oops wag ka ng magsalita.

"Sh*t yung phone ko!"sabi ni kuya.

Lumingon agad ako kung saan nakatingin si Kuya. At nakita ko ang cell phone ni kuya na nasa paanan ng kupal ..Sh*t baka makita niya..Ampangit ko pa naman dun baka pagtawanan niya rin ako...hiyang hiya na nga ko kahapon pati ba ngayon mapapahiya ako! Siguro malas lang talaga yang lalaking yan!

Dali dali kong kinuha yun pero huli na ang lahat. Nakuha na ng kupal..And worse tinignan niya yun..Putcha naman!

Maya-maya ay lumingon siya sakin nang natatawa..sabi na eh! Badtrip!

"Pffftt! Here"binigay niya kay kuya yung phone habang pinipigilang matatawa.

"Mautot ka sana sa kapipigil mong tumawa." bulong ko. At tumayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bumped Into YouWhere stories live. Discover now