Chapter 5

5 4 0
                                    

Gef's POV

"Oh tara na!" ani papa..

Nandito na kami ngayon sa terminal ng bus at pasakay na sa bus na papuntang Manila.

Doon kami sa pinaka dulo umupo kung saan 5 seats.

Umupo ako sa left side katabi ng bintana at katabi ko si Lian...sa right side, tabi ng bintana umupo si kuya at ang katabi niya ay si papa, sa gitna naman si mama.

Habang naghihintay ng iba pang mga pasahero ay isinalpak ko na ang earphones sa aking tenga at nakinig ng musics.

Ilang minuto ang nakalipas ay bumiyahe na kami.

__________________________________

(2 Hours Later)

"Ma malapit na ba tayo?"tanong ni Lian..

Sabi nila mama malapit na kami sa tinitirahan na condo nila tita Jane,kaya nililibang ko ang sarili para di mainip..

Habang nakikinig ng musics ng hubby kong si Shawn Mendes ay kumakain rin ako ng chips..

Si Lian naman ay natulog ulit dahil kanina pa nahihilo at sumusuka.

Si kuya naman ay kina career ang paglalaro ng ML sa cellphone niya habang nakaearphone... Sana naman makaalis na siya sa GM para di masayang effort niya!

Nang maubos ko ang kinakain ay uminom naman ako ng soft drink at tumingin na lang sa mga nagtataasan na building na nadadaanan namin..

Nagtake din ako ng ilang pics at in-story, na may caption na,
'OTW to your heart, Char!' '@Manila,Philippines'

_______________________________

Makalipas ang ilang oras ay bumaba na kami ng bus...

"Wala ba kayong naiwan na gamit sa bus?"

"Wala po"sabi namin at pumara na ng taxi si Papa..

"San kayo boss?"

"Sa Vanguard Residence Boss!"sabi ni papa at sumakay na kami...

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating na kami sa Condominium na tinitirahan nila tita.

Wow ang ganda naman ditets! For sure puro mayayaman ang nakatira dito!Hindi naman sa ignorante pero ang ganda kasi ng design ng condo,napakamodern!.

Pagpasok namin sa lobby ng condo ay pumunta si mama sa front desk para tanungin kung anong room no. at floor sila tita.

"Miss anong floor at room no. nila Mary Jane Lopez?"Tanong ni mama sa babae dun sa front desk.

"Kaano-ano niyo sila ma'am?"tanong nung babae.

"Kapatid niya ko, Margie Mendez ang pangalan ko"sagot ni mama

"Ay sige po tawagan ko lang po kung kilala kayo"sabi naman nung babae...

Grabe naman! Sinabi na nga lang na kapatid ni mama si tita di pa naniwala! Kala naman ni ate gorl modus operandi kami. Sa ganda at gwapo naming to? Hello?!

Sa bagay, sa panahon ngayon madami ng manloloko, gaya ng ex niyong niloko lang kayo! Boom!

"Good Afternoon Ma'am Jane,may kilala po ba kayong Margie Mendez?.....Ay opo...okay po"sabi ni ate gorl sa telepono kausap na si tita.

Nang ibinaba niya na ang telepono ay kinausap niya na si mama.

"Sorry po kanina ma'am,ganon lang talaga kami kahigpit dito"paumanhin nung babae

Bumped Into YouWhere stories live. Discover now