Chapter 1 (FAVOR )

171 2 0
                                    

 Narinig ko yung phone ko na tumunog. Pagbukas ko ng message,

" Pst? Pwede ba akong makahingi ng favor?"

sino nga ba ulit to? Pangalan lang kasi niya sa clan yung alam ko. Oo may clan ako sa text that time. Way back year 2011. Ayon naman ang uso noon sa mga kabataan.

"Ha? Wait lang, Ano nga pala true name mo?" reply ko dito.

"Angelo po. :)" Ha? What a coincidence haha! Angela nga lang saakin.

"Ah. Okay. Diba ikaw yung friend ni Carl?" medyo kilala ko na kasi 'yon.

"Opo."

"Ah okay. Anyway, ano nga pala ulit yung favor na hinihingi mo?" pagtatanong ko ulit para matapos na usapan namin at may gagawin pa ako.

"Pwede mo ba muna akong pasahan ng load kung may extra ka lang naman. Kailangan ko lang kasi ngayon. :') " mahabang paliwanag niya sa text. Ayos ha, close tayo? Hahaha! Di bale, mukha namang for emergency.

"Okay sige. Wait mo nalang."

"Salamat, Hintayin ko ah?" tumayo na ko sa pagkakaupo ko at kinuha ang coinpurse ko. Makakalabas ulit ako. Bukod kasi sa marami pa akong ginagawang school works, eh wala pa akong kilala masyado dito sa lugar na to. Bagong lipat lang kasi ako. Mga tatlong buwan na din since dito ko na itinuloy ang pag aaral ko. Nagpaload na agad ako sa tindahan at agad din naman akong umuwi.

"Thank you! I love you!" Siraulo tong taong to. OA tss.

"Siraulo ka? Anong I love you ka dyan?!" biro ko iyon pero sinungitan ko ang pagkakatext. Hahaha Alam ko namang biro niya lang iyon.

"Hahaha! Joke lang 'yon. Pero salamat talaga."

"Baliw. Sige, bye. Magpapahinga na ko."

"Sige po. Goodnight Anj. ;')" Teka. Pano niya nalaman nickname ko? Ay ewan. Makapag shower na nga at gusto ko na talagang magpahinga. Nilapag ko ang phone ko sa side table at nagsimula ng ihanda yung pamalit kong damit saka naligo.

Habang pinupunsan ko ang buhok ko, tumonog ulit ang cellphone ko. May tumatawag. Pag tingin ko sa screen, si Mama pala ang tumawag. Sinagot ko na din agad. Nangangamusta lang naman siya sakin. Sabi niya pagod din yung dalawa kong kapatid dahil sa parade. Naalala ko tuloy noon doon pa ako nag aaral. Required kasi sumali sa drum and lyre troop sa school namin sa probinsya. Dagdag din kasi sa grades and awards. Nakakamiss lang. Saglit lang din pag-uusap namin ni Mama.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko sa side table ng tumunog ulit. Binasa ko muna ang natanggap kong text, galing kay... Angelo?

"Text po?" Tss. Kung kailang gabi saka siya active. Feeling ko may lahi siya ng bampira. LOL! Pansin ko kasi madalas siyang nakakpag text sa clan namin kapag gabi at napaka dalang naman sa araw.

"Bampira ka ba? Gising ka pa ng ganitong oras? " Sana may kwenta tong kausap. Sinend ko na yung reply ko.

"Ha? Ikaw nga din eh. Akala ko ba magpapahinga ka na?" Ay, haha oo nga naman. Sabi ko kasi sakanya kanina magpapahinga na ko. Tanga lang?

"HAHAHA! May tumawag kasi, nawala antok ko." sagot ko.

"Ah gano'n ba. Bigay ka nalang ng topic." Wala akong maisip.Tss.

"Ikaw nalang. Wala kasi akong maisip. "

"Ngek? Matulog ka na nga lang. Maaga pa pasok mo bukass diba?" At pano naman niya nalaman?

"Pano mo nalaman na maga pasok ko, aber?"

"Malamang, tanghali kita nakikitang pauwi sainyo. Slow." Tss. Oo nga naman Anj, Tanga lang? Asan ang common sense mo.

"Okay then. Matutulog na nga lang ako. Thanks sa time." Mabuti pa ngang matulog nalang kaysa makipag palitan ng walang kwentang text dito.

"Okay. Goodnight! Sleep well." Hindi na ko nagreply pa ulit sakanya at natulog na.

Kinabukasan..

Papunta na ko sa bahay ng kaibigan ko. Napaaga naman kasi ang gising ko kaya ako naman ang susundo sakanya ngayon.

After five minutes, nakarating din ako sa bahay nila. Kumatok na ko agad.

"Oh, Ang aga mo ata ngayon Angela?" Si Tita Helen, Mother ni Mika.

"Ay opo, Napaaga po kasi ang gising ko ngayon eh, "Medyo natatawa kong sabi. "Si Mika po ba gising na?" Ang totoo niyan, inagahan ko talaga gumising dahil kailangan namin mag review sa irereport namin today!

"Ah oo, naliligo pa ata. Halika, pumasok ka na muna."

"Salamat po. " Pumasok na ako at nagpaalam na didiretso sa kwarto ni Mika. Tumango lang sakin si Tita Helen.

"Yo, Mika. Are you ready?" Saad ko habang kinakatok siya sa cr niya.

"Wait lang naman sis! Nagbibihis pa ako. Aga mo naman kasi eh. Nagmadali na lang akong maligo nung mabasa ko text mong papunta ka na dito." Reklamo niya.

"Bilisan mo na. May sasabihin pa ko sayo about sa report natin. " Hindi ko na siya narinig pang sumagot. Mukang nagmamadali nga talaga siya.

"Okay na. Tara na. " Sabi niya matapos niyang lumabas ng cr.

"Okay. Akala ko pa naman di ka na makakalabas diyan." Tinarayan niya lang ako.

"Alis na po kami Tita"
"Alis na kami Ma."

Sabay kaming nagpaalam sa mama niya. Tss wala man lang pag 'po' tong babaeng to. Naglakad na kami papuntang school. Malapit lang naman kasi mga 15 minutes siguro ang layo.

Sa School..

"Ano sis, kuha mo na ba yung mga ire-report mo?" Naninigurado ako dahil kinakabahan ako.

"Oo na! Kuha ko na pang sampung ulit na natin to! Wag ka ngang unlimitted! Baka imbes na matandaan ko eh makalimutan ko pa. Tse!" Pagtataray niya.

"Fine! Naninigurado lang ako dahil hindi ka naman pumunta sa bahay kahapon. Edi sana nandun ka na sa tabi ni Kenneth!" Pagbibiro ko. Tinitigan niya lang ako ng msama. Tss! Napaka arte ng kulot na to.

Mamaya na kasi ang report namin, saamin pa inasa ni sir yung pinakamahirap na topic. Buti nalang at medyo mahaba yung time na binigay niya samin para mapaghandaan namin to. Nagstart na din ang klase namin at BREAKTIME na! After neto oras na ng reporting.

"Hoy bruha! Chill ka lang. Mamaya magkamali ka niyan sa report dahil sa kakaisip mo. " Napatigil ako sa kakabasa ng handouts ko sa sinabi niya. Tama nga naman siya kaya minabuti ko nalang igugol ang natitirang oras sa pakikipagtalo sa kanya.

Pinagtatalunan namin kung ano ang totoong nauna. Itlog ba o ang manok. Hahaha o diba mga siraulo lang? Natapos din ang breaktime namin at dumating na nga si sir. Napatingin nalang ako kay Mika at nakangiti siya ng mapangasar. Bwuisit na bruhang to. Sana lang talaga maging maayos ang reporting namin. 

Best friends Into LoversWhere stories live. Discover now