Chapter2(Gitara)

83 0 0
                                    

"Anj, ano na? Magpapaiwan ka ba?" Tss. Di naman to makapag hintay si Mika. Napaka aporada talaga minsan.

"Wait lang naman bruha. Di ko kasi mahanap eh." Nasan na ba kasi yon kung kailan uwian na saka ko pa nalaglag.

"Bilisan mo diyan at ayokong abutan dito ng dilim! May multo daw sa building nato sis." Napaka talaga! Ayon! Nakita ko rin sa wakas! Dinampot ko na yung singsing ko at pinagpag ang palda ko bago pa ako lumabas ng classroom.

"Thank God! Akala ko 'di ka na lalabas sa classroom! Halika na bilisan mo!" Pag uutos niya sabay flip ng buhok niya bago ako talikuran at nagsimula ng maglakad.

"Sorry na, alam mo naman na mahalaga sakin tong singsing na to." panunuyo ko. Hindi kasi niya nalandi si Kenneth kaya masungit. HAHAHA!

"I know. Pero next time wag tatanga tanga naka suot na sa daliri mo inalis mo pa, tapos paghihintayin mo pako. Kaimbyerna ka sis. Sayang ganda ko today, di ko nasabayan si ano." nakanguso pa niyang reklamo. Natawa nalang ako sakanya at nagpatuloy nalang din sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

"Siya sige bruha ka. Dito nako, salamat sa pag hatid. Puntahan kita mamaya sainyo. Magpapaturo ako sa Math." Sabi niya sabay kindat. Nakakapang duda ang kindat niya parang hindi totoo.

"Ayan kasi, hilig makipaglandian sa katabi. May kapalit ha, magdala ka ng pagakin." Tumawa lang siya sa sinabi ko at nag b-bye na. Naglakad na ko palayo sakanila. Nagmadali na ko makauwi dahil alam kong susunod din yun agad.

"Lola andito na po ako." Saad ko habang kinakatok ang pintuan. Paniguradong hindi niya maririnig ang boses ko dahil masyado siyang nagpapaka busy sa kung ano ano mang ginagawa niya dito pag wala ako. Pinagbuksan din ako agad ni lola at nagpaalam akong aakyat na ko sa kwarto ko. Sinabi ko narin na pupunta ulit si Mika dito. Tumawa lang siya at pinabayaan na kong umakyat.

Ginawa ko muna mga dapat kong gawin at humiga para iunat ang katawan ko. Grabe nakakapagod tong araw na to kahit wala naman kaming physical activity na ginawa.

Kinuha ko ang cellphone ko para i-check dahil alam kong sabog na ang inbox ko. Tss, bakit ba kasi di ko to dinala kanina.

"200+ unread messages?" Napabuntong hinga nalang ako at binura lahat. Hindi ba nag aaral tong mga kasali sa clan nila Patrick? Araw araw nalang puno inbox ko sa mga group message nila. Pinikit ko muna mata ko para marelax.

"Anj! Andito na ako. Lumabas ka na sa lunga mo!" Narinig ko bigla ang maingay na boses ni Mika. Di na talaga siya nahiya kay lola. Palibhasa close na rin sila. Tss. Bumangon na ko at bago pa ko makatayo ay nakapasok na siya sa kwarto ko.

"Oh, andyan na palaka. Este ka pala." sabi ko habang naka ngisi. Tinarayan niya lang ako. HAHA Deserve mo malait minsan sis.

"Shut up!" asar niyang sabi. Tinawanan ko lang ulit siya. Pangit niya pag nakasimangot HAHA.

Lumipas ang trenta minutos namin sa pagtuturo ko sakanya pero..

"Ano ba naman yan! Ang hirap. Hindi ko parin maintindihan 'yang bagong lesson natin." Reklamo niya. Napakareklamador talaga nito. Kaya hindi agad natutuo eh. Walang pasensya sa pag aaral.

"Ano ka ba naman. Simpleng equation lang naman di mo pa rin ma gets. Ikaw naman kasi, panay ka sa pakikipaglandian dun sa mga katabi mong lalaki. Kung ako nakatabi mo nako!" Panenermon ko habang ngumunguya ng biskwit na dala niya.

"Ha? Hindi naman ako nakikipaglandian doon eh. Tsaka may tinatanong kasi siya sakin. May Gus--" hindi niya tinuloy sasabihin niya tapos uminom siya bigla ng juice. Ano ba 'yon pabitin.

"May ano? Bakit mo pinutol sasabihin mo?" Pinaningkitan ko pa ng mata para kunwari interesado ako sa sasabihin niya.

"Ah wala. Wag mo na pansinin!" Saad niya habang umiikot ang paningin niya sa kwarto ko na akala mo ngayon lang nakapasok dito. Psh!

"Tama na nga tong pagkukunwaring aral nato. Akyat tayo sa taas niyo, tumogtog ka nalang ulit ng gitara mo. You know, dating gawi" sabi niya habang naka ngiti ng malapad.

"Tsss! Katamaran mo kamo!" Napailing nalang ako ng biglang nauna siya sa paglabas ng pinto. Niligpit ko nalang mga gamit ko at kinuha ang gitara ko sa dati kong kwarto.

Madalas namin ginagawa to ang tumambay sa rooftop habang nagjajamming kami. Minsan nirerecord niya din. Wala naman akong pakialam don kasi hindi naman niya pinapakita sa iba. I guess?

Kumanta lang kami ng ilang saglit at nagpaalam din siya agad.

"Ay be uwi na pala ako ah. Nagtext na kasi si mother. " Sabi niya sabay pakita sakin ang screen ng phone niya. Tumango lang ako at bumaba na kami.

Nagpaalam na siya kay Lola at akmang aalis na pero pinigilan ko.

"Wait lang bruha. Ihahatid na kita! Baka masisi pa ako ni tita kapag tatanga tanga ka sa daan." Sabi ko rito sabay halakhak ng nakakaloko.

"Ah ganon? Eh kung sipain kaya kita!" Pagbabanta niya at umakma pa na sisipain ako. Nagtawanan lang kami at nagpaalam na rin ako kay lola na ihahatid ko muna siya.

Tara na, Baka madapa ka sa daan ha?" Pagbibiro ko pa. Binatukan niya ko bigla. Walang hiya to.

"Alam mo nakakayamot ka na." reklamo niya. Tinawanan ko lang ulit siya.

"Masakit yun ah. Parang laging bago sayo pag inaasar kita eh."

"Kaya nga sarap mong batukan lagi! " babatukan pa sana ulit niya ko pero umilag na ako.

"Oh teka lang tama na! Baka masira braincells ko. Sayang naman baka hindi ko matupad mga pangarap ko." Natawa kaming pareho sa sinabi ko.

"Arte mo, kala mo totoo. Siya sige na. Dito nalang ako wag mo na ako ihatid samin. Makakauwi ako ng ligtas di ako tanga." Saad niya. Pinaningkitan pa ko ng mata. HAHAHAHA!

"Sure ka?" paninigurado ko. Tumango lang siya

"Sige na. Chupi ka na nga."

"Aray ! Maka chupi, ano 'ko aso?!"

"HAHAHA kulit mo! Sige na uwi ka na din gabi na oh!" Sabay turo niya sa langit.

"Ay oo! Sige na bye!" Sabi ko habang patakbo ako papabalik samin. Narinig ko pa siyang tumawa. Bawal kasi ako magtagal sa labas kapag gabi na maliban nalang kung importante gagawin ko. Ayoko din naman na pinagagalitan ako ni lola. Paulit ulit kasi sinasabi non eh. Napapadpad pa sa panahon nila mama.

Pagkaratin ko ng bahay nagaayos na ng pagkain sa lamesa si lola. Inaya niya ako kumain na kaya umupo narin ako at kumain. Pagkatapos namin kumain ay naghugas muna ako ng mga pinagkainan namin at umakyat na sa kwarto ko.

Tumunog yung phone ko kaya agad kong tinignan kung ano yon.

"Pst! Pwede pahiram ng gitara?" Ah si Angelo. Pano naman neto nalaman na may gitara ako. Ang daming alam nito. Ay tanaw nga pala rooftop namin kapag nasa basketball court ka. Tss.

"Ah sige. Wait lang baba ako." Madali lang naman silang hanapin kasi dun lang sila tumatambay sa kabilang street. Natatanaw yung tambayan nila sa taas namin. At kilala ko narin naman yung iba sa mga kabarkada niya.

"Saan ka? Kunin mo nalang dito sa bahay. Ayoko na lumabas."

"Ah sige. Papunta na kami dyan." Reply niya. Hinintay ko nlang sila at inabot ang gitara ko.

"Ingatan mo 'yan ah. " Bilin ko bago pa sila makaalis. Tumango lang siya habang naka ngiti.

Nakatanggap ulit ako ng message galing sakanya.

"Ibabalik ko din to mamaya. Salamat."

Habang binabasa ko iyon, naalala ko yung ngiti niya kanina. May dimples siya sa ilalim ng mga mata niya. HAHA cute. 

Best friends Into LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon