Chapter4(Drama ng Boyfriend mo)

120 1 0
                                    

*Beep*

May nagtext? Si Angelokaya?

"Pre asan ka ngayun?"Huh? Unregistered number? Nagpalit kaya siya ng sim?

"Sa rooftop Dre, Bakit?Tsaka nagpalit kang sim?"

"Huh?Hindi ah." Ano? Ang gulo naman neto kausap.Dumungaw ako sa gatter para hanapin siya sa baba, sa labas. At ayun! Nakatambay pala siya sa Tindahan nila Maxcell.

"Psst! Hoy tukmol!!" Tinawag ko na siya. Pagtingala niya naman nakita niya ako at sumenyas lang ng bakit-look.

"Ikaw ba yung nagtetext sakin?"

"Hindi ah! Wala akong load!"hirap naman makipag-usap ng pasigaw.Kaya tinext ko nalang tanung ko.

"eh bakit hinahanap mo ako?Nagtext ka pa nga eh."Then i send it to him.Hinintay ko lang na makasagot siya ng pasigaw XD!

"Hahhaha di ako yun!Baka yung tinext ko kanina.Nakitext pala ako sayo kanina nakalimutan kong sabihin sayo!"

"Ah Baliw!Geh okay na." Sigaw ko nalang din pabalik. Tumango lang naman siya kaya bumalik na ako sa pagkakaupo ko.Tapos tinext ko ulit yung unregistered number.

"Ah, sino ka? 'Di ito si Gelo eh."

"Ha?Eh diba gamit niya to kanina? Eh sino ka ba?"

"Si Anj."

"Sinong Anj?Yung kapatid ni Lester?"

"Hindi.Apo nung may ari ng tindahan sa Bahay na kulay Orange."

"Ah, Yung apo ni ate Mel?"

"Oo."

"ah sige save ko nalang number mo.Ano pala Full name mo Anj?

"Ah?.. Angela Cruz.Ikaw?"

"Ah,ako si Miguel Concepcion."

"Ah okay."

"Sige salamat."

**********END OF FLASHBACK*************

Simula nun naging malapit na sakin yung kaibigan niyang si Miguel.At hanggang sa nagkaroon ng isang insidente at bigla nalang siyang nanligaw.Hinayaan ko lang naman siya.Seryoso naman kasi siya sa lahat ng efforts na ginagawa at yung feelings na pinapakita niya sakin.

And besides,I can feel it. Hindi din nagtagal ang panliligaw niya. madali lang din naman kasi akong nahulog sa kanya.And that's what I hate about my self.Kahit na nasaktan na ako sa nauna kong Bf eh di padin ako nadadala sa sakit na naramdaman ko nung nalaman kong niloloko lang pala niya ako.

Si Miguel naman talagang tinulungan niya akong makalimutan ko ang sakait na ginawa ng nakaraan ko noon.And to be fair for him,pinakita ko ding wala na akong pakealam sa ex ko but di ko rin naman maitatanggi na mahirap lumimot at may natitira padin siyang puwang sa puso ko.

Isang beses nga nakatambay kaming tatlo sa tapat ng bahay nila Maxcell,tropa namin.Tamang trip lang si Miguel at Angelo kaya naman tawa kami ng tawa.Biglang may lumapit sakin na babae kaya naman napatigil ako sa pagtawa at ganun din yung dalawa at napatingin nalang samin nung babae.

"Ate ikaw ba si Angela?"Tanong nung babae.Di ko kilala pero bat niya ako kilala?

"Oo bakit?"Saad ko in a cold tone of my voice.Ganyan ako pag may kumakausap sakin na di ko naman close.

"Sinabihan mo daw ng MALANDI kaibigan ko."

"Huh?Ate sino ba yang sinasabi mong kaibigan?Eh sa Bago nga lang ako sa lugar na to at wala pa akong masiyadong kakilala.

"Si Melen.Sabi niya sinabihan mo daw siya eh."What? For Pete's Sake.Wala akong kilalang Melen.

"Ano?Eh sino ba siya?At isa pa di ko siya kilala."Medyo di na maganda tono ng boses ko dahil naiirita na ako.Pagbintangan daw ba akong naninirang puri?!My God!

"Eh May nagsabi sakanya na sinabihan mo daw siya eh."

"Pwede ba?Bakit ikaw yung nagsasabi sakin ng mga yan?Di ko siya kilala okay?!Tantanan niyo ako at lalong hindi ko ugaling manghusga ng tao ng di ko pa kilala."

"Ah sige.Ganun ba?"Yun nalang sinabi niya at umalis.Naginit talaga ulo ko sa babaeng yun.

"Psst?Easy lang"Saad sakn ni Migz.Psh How can I'd be easy huh?

"Hay Ewan. Iba talaga mga ugali ng tao dito."

Nagtawanan nalang silang dalawa.Tss Kaibigan ko talaga yung dalawang yan.Mga buang.Dinamay pa ako,ayan tuloy nabansagan pa kami ng mga kapitbahay na BIG THREE Hahha!Oo lagi kasi kaming tatlo ang magkakasama.Pero i won't say na masaya kami kapag tatlo kami. May pagka KJ kasi si Migz sa ibang mga trip namain.

"Dre ano na?Wala ka na bang balak tumayo diyan?Tara na gala na muna tayo." Aya sakin ni Gelo sabay nag taas baba pa ang kilay niya. Psssh!

"Tss, San nanaman tayo gagala? Kakaulan lang kaya kaning hapon!Mabasa daan Dre!" Saad ko ng napaka sarkastiko.

"Mukha mo! Ang arte mo tara na!" Natawa nalang kami pareho tapos biglang umubo si Migz. Ay nako nakalimutan ata naming tatlo pala kami rito? Eh! Bahala siya,Di naman kasi siya nakikisabay sa trip namin eh.Kaya Natatawag namin siyang KJ eh.

"Sige na tara na! Lakad na!"Saad ko naman ulit para mabasag yung katahimikan.

Nagumpisa naman nang lumakad yung dalawa at ako naman bumaba na sa inuupuan ko kanina at sumunod na sakanila.

*********

(Sinasagot na Kita)

September 3,2011

Buwan na ng Kaarawan ko Dre!Ilang araw nalang at celebration nanaman ng birthday ko ;))

Anyways.Ito nga pala ang araw na sinagot ko siya. Si Miguel

At ayun!Nabansagan pa kaming the Big three ng mga Marites sa lugar namin.

Ewan ko ba kung bakit ako nag oo. Siguro dahil sa  napupunan niya yung hinahanap hanap kong care, love and affection?

END OF FLASHBACK
At ayun na nga, apat na buwan na kami, pero napapadalas na ang pagtatalo namin. Hindi ko malaman kung bakit kahit sa maliliit na bagay lang ay nagtatalo pa kami. 'yong maliit na gusot lumamaki pa.

Pero pinipilit kong intindihin. Pinipilit kong ipaintindi sakanya.

AFTER 3 MONTHS

"Dre May time ka ba dyan??Gusto ko lang ng makakausap eh."

Nag text ako kay Angelo,hindi ko na kasi alam kung nong gagawin ko dito sa nararamdaman kong bigat sa dibdib at sama ng loob.

"Oh,wag mong sabihing nag away nanaman kayo ni Payat?Lagi naman eh pag ganyan text mo.Ano nanaman binibintang sayo?"

"Di ah!Namiss lang kita.Medyo madalang na kasi pag uusap natin." Pagdedeny ko.

"SAUCE! Kilala kita oy! Tawagan mo na lang ako para mas okay."Kilala talaga niya ako.

*Phone rings*

Tinawagan ko na nga.Baka batukan pa ako neto bukas eh.Di na kasi ako pwedeng lumabas.Lagpas Curfew na kasi.

"Oh ano? IIYAK mo na yan.Sabihin mo lahat sakin.Lahat ng hinanakit mo dun sa bf mong timang."

Bumuhos nga ang luha sa mga mata ko.

"Oyy anu?!Hindi kita sinabihang umiyak lang.Magsalita ka din."

He said.With his sarcastic voice.

Best friends Into LoversWhere stories live. Discover now