Chapter 3 ( Bestfriends)

89 2 0
                                    

After one year

"Dre, Ang tagal mo naman. Pahiram na ako ng gitara." Anak ng tipaklong. Tss! Napakamainipin ng mokong na to. Kanina pa panay text sakin.

"Saglit lang naman. Atat ka masyado. May ginagawa pa ako no. Tsaka sabay na tayo mamaaya mag gitara. " Reply ko habang nakaipit ang walis tambo sa kilikili ko. Naglilinis pa kasi ako ng kwarto ko dahil marami akong kalat na papel dahil sa drafts ko sa paggawa ng essay. Nasira kasi computer ko kaya kailangan ko isulat. Hay nako!

Tapos na Graduation namin sa grade school sa wakas! And yes, we turned into best friends. Ang bilis ng panahon. Well, hindi naman kasi siya mahirap pakisamahan. Isa pa, napakagaan ng loob ko sa kanya. Siyempre, dahil na din sa kakahiram niya ng gitara ko, naging malapit kami sa isa't isa. Pero Walang hiya! Wagas kung makapag utos. Akala mo amo. Tss!

"Okay." Yun lang ang reply niya. Ewan ko ba dyan sa tukmol na yan kung paano ba talaga kami naging mag best friends. Ang alam ko lang may isang beses noon na nasa labas kami at naglalakad lakad. Tapos may sinabi siya like

"Nako, ipapakain ko muna itong gitara mo sa mga asong yan para di ka nila makagat. Best Friend kita no."

O diba parang sira. Nakakatawa na nakakainis at the same time! Ang daming alam na trip nito. Kaya minsan iniisip ko na din na iniisip ng mga kapitbahay namin mga baliw na kami. Palagi nalang kasing dinig yung mga tawanana namin. At ngayong araw, gusto niya naman mag gitara. Kaya ako, ito nagmamadali ng matapos ang mga pinapagawa sa akin. Psh! Napaka bossy naman ng tukmol na 'yon!

"Hoy tokneneng ka! Napakatagal mo naman masyado!" Psh! O diba, mga baliw lang, tawag sakin klase ng street food tapos sa kanya naman ang tawag ko is klase ng isang specie na di ko malaman kung meron ba non.

"Punyemas ka, Maghintay ka naman!" Matapos na nga lang to at ng makalabas na.

Naging madalas na rin ang paglabas ko ng bahay. Paano naman kasi palagi naman kasing nagpupunta dito sa bahay namin. Buti na lang walang malisya kay lola 'yung kakapunta niya samin. At buti nalang din di ako napapagalitan sa kakalabas at kakagala namin. Ewan ko, siguro may tiwala na din sa kanya si lola. Wala naman kasing mali o masama na makikita sa intensyon niya.

'Yon nga lang, makapal ang mukha! Makapagpa-sponsor ng load sa akin wagas! Wala naman akong magagawa dahil sinanay ko. Tsaka kapalit narin siguro no'n yung mga paglilibang at saya namin.

At pinakamalala ay isa siyang BABAERO!. Oo, Babaero siya ! Kaya kung ako Sainyo mag iingat ako sa lalaking yan. HAHAHA!

"Lola, Tapos ko na po mga inuutos niyo, mayroon pa po ba kayong ipapagawa?" Tanong ko sa lola ko na busy naman sa kakalaro ng Farmtown, Hindi papahuli sa mga laro sa FB yan!

"Wala na, kung gagala ka nanaman mag iingat ha? At huwag masyadong magpapagabi sa labas. Hanggang 9pm kalang. " Bilin niya. Tumango lang ako at kinuha ko yung gitara ko. Nagpaalam na din ako na lalabas na.

Ngayon kasi ay bakasyon na. Kaya wala na akong ibang ginagawa kundi ang mag cellphone, maglinis at tumulong kay lola sa mga gawaing bahay, mag gitara at gumala kasama si Angelo. Yun na lang palagi kong ginagawa. 'Di din naman kasi ako makakauwi ngayon sa probinsya dahil nga sa hindi din ako masasamahan ni lola papunta doon. Wala ksing magbabantay sa tindahan namin.

"Hoy dre. Nasan ka na ba. Nasa labas na ako ng bahay namin, dala ko din gitara ko." Sabi ko sa text.

"Ito na, papunta na ko. Dyan nalang tayo. Wala naman ata tayong mgagalaan ngayon." Reply niya.

"Okay." 'Yon na lang ang tanging reply ko sa kanya at naghihintay na lang sa pagdating niya.

"Game na?" Saad niya ng makarating siya. Wala lang, trip niya lang daw mag gitara. Sa totoo lang, siya kasi madaling matuto sa pagtugtog ng gitara. Pati narin sa pagbasa ng tabs at chords. Tinuturo na lang niya sakin pag okay na saknya.

"Nasan pala yung pinaprint ko sayo na chords ng Kasintahan?" O diba. Bossy! Ako kasi nagpiprint ng chords. May printer eh. Pumasok nalang ako sa bahay at kinuha yung hinahanap niya. Sinama ko nadin yung iba pang na print ko na.

Ganito kami palagi, kapag may nagugustuhan kaming kanta ay hahanapin namin ang chords at ipi-print ko para mapag-aralan namin. Syempre sya muna, tapos kapag alam na niya kung pano, ituturo naman niya iyon sakin dito sa may tapat ng bahay namin.

"Ito na oh." pag-abot ko nito sa kanya ay umupo na ako sa harapan niya. Lagi kaming ganito kapag hindi kami nag gagala. Naglalabas kami ng upuan at inilalagay sa harap ng bahay namin.

"Very good, tokneneng. Nakuha mo din."

"Ul*l! Akala mo naman talaga hindi mahirap tong chords na to." Oo, nagmumura ako, at sa kanya lang ako nakakapag-express ng bad side ko. Si Mika? Well, nag bago na siya. Nadoon na siya sa mga bago niyang friends sa labas. Ewan ko ba doon sa babaeng yon. Laki ng pinagbago, nakalimutan nadin yata niya na nag exist ako sa buhay niya.

"Dre, malapit na yung liga dun sa court ah, sama ka ba?"

"Ha, ano naman gagawin ko dun? Eh di hamak na ikaw ang naglalaro sa court."

"Tangeks! Malamang manunood ka. Kasama kasi kami sa maglalaro. Moral support naman dyan!" HAHAHA! Wow ha? Sa kapal ng mukha nito parang di na niya kailangan pa ng moral support. Tss!

"Sus! Arte mo. Kayang kaya niyo na yon no. Di naman ako yung maglalaro eh. " Pag bibiro ko.

"Ano kaya 'yon? Ayaw mo pa. Makakagala ka nadin ng gabi at makakasalamuha mo pa ibang tao dito." Panghihikayat pa niya.Tss, Napaka talaga nito kahit kailan.

"Sus, wag na! May tukmol naman akong kaibigan. Para kang baliw."

"HAHAHA! Dali na kasi, para naman ganahan ako dun maglaro."

"Akala mo naman siya pinakamagaling." Pang uudyok ko pa lalo. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"SIge na nga. Kasama ba si Miguel sa grupo niyo?" Sino si Miguel? Boyfriend ko. Si tukmol may kagagawan kung bakit kami nagkakilala ni Miguel.

FLASHBACK

Nakatambay ako ngayon sa rooftop ng bahay namin dahil wala akong magawa. Si Angelo naman ewan ko kung nasaan. Ang sabi kasi niya tatambay daw siya ngayon pero wala pa din siya. Kung sa bagay, kakagaling lang nun dito sa bahay kanina. Tumambay pa sila saglit nung mga tropa niya na kailan ko lang din nakilala. Ang iingay! Tss. Hiniram pa cellphone ko para lang makapag soundtrip sila.

Best friends Into LoversOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz