sekreto sa punerarya

40 2 0
                                    

Pasko noon at dahil bata pa ako e syempre bibisitahin ko ang mga ninong at ninang ko para mamasko. Ilang beses na din akong nakapunta sa punerarya nina ninang vicky, kasi andito sya tuwing pasko, wala kasing kinikilalang holiday ang negosyo nila. Galante ang ninang vicky ko, bukod kasi sa mga regalong hindi basta basta ay may cash pa, bihira ang ninang na ganyan diba, kaya naman tuwing pasko siya ang inuuna kong puntahan para maganda ang buena mano. Hindi ninyo po kasi naitatanong, noong bata ako e napaka business minded ko. Iyon na nga po alas 7 palang ay nasa punerarya na ako. Binati ko ng merry christmas si mamang guard ng pumasok ako, binati din niya ako at nginitian, kilala naman na kasi niya ako. Iyon nga pumasok na ako.  Papunta na sana ako sa tanggapan ng ninang ko ng may idinating doon na patay na babae. Kinausap ng namamahala doon ang kapamilyang kasama noong patay bago ipinasok sa double door iyong patay.

Aywan ko kung bakit pero palihim akong sumunod sa dalawang lalaki na may tulak sa higaan ng patay. Iyon palang pinto na pinasukan ay may mahabang pasilyo at sa dulo ay may pinto pa ulet, pumasok sila doon at syempre sumunod ulit ako, pagpasok ko doon ay napakalamig. Mayroong malabong parang plastic na mabigat na parang kurtina doon. Papasok sana ako doon pero narinig kong may patungo sa direksyon ko kaya naman nagtago ako sa nakasalansang mga drum sa isang gilid. Nakita kong lumabas ang dalawang lalaki. Naguusap ang mga ito, "tsk! May mabibiktima na naman si sir brix." Narinig kong sabi niyong isa. Ang sir brix na tinutukoy ng mga ito ay ang bunsong kapatid ng ninang vicky ko. Hindi umimik iyong isa sa mga lalaki, hanggang sa tuluyan ng makalabas ang mga ito ay wala na akong narinig. Lumabas na ko sa pinagtataguan ko ng masigurado kong wala na nga sila. Pumasok ako doon sa nilabasan nila, malakas ang pintig ng puso ko, pero mas malakas ang kuryusidad ko. Hindi ko naman alam kung ano ba ang gusto kong makita basta hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nakita ko ang patay na ipinasok ng mga lalaki nagiisa lang iyon duon. Tiningnan ko iyon, maganda ang babae na medyo bata pa siguro mga nasa 20 lang iyon mahigit. Ako nga pala ay dose anyos na noong time na iyon. Maya maya ay naulinigan kong bumukas ang pinto kaya naman dali dali akong naghanap ng matataguan. Sa isang panig ng kwartong iyon ay may parang kabinet na may mga nakaboteng hindi ko alam kung ano. Doon po ako nagtago.

Nakita kong si kuya brix ang pumasok. bata pa din at napaka gwapo ni kuya brix sa katunayan nga ay crush ko iyon noon. Hindi ko alam pero nakamasid lang ako kay kuya brix, inaabangan ko kung ano ba ang gagawin nito. Lumapit ito doon sa hinihigaan niyong patay na babae, at napatakip ako sa bibig at mata ko ng makita kong pinatungan nito ang patay at hinalikan sa labi. Hindi naman na ako ganoon kainosente para hindi ko malaman kung ano ang ginagawa ni kuya brix. Pero iyong mga sunod na ginawa ni kuya brix iyon ang hindi ko alam kaya labis ang sindak ko. Tuluyan ko ng tinakpan ang mga mata ko ng hubuin ni kuya brix ang pantalon niya. Hindi ko na nakikita kung ano ang mga ginagawa niya basta Naririnig kong umuungol si kuya brix para itong nasasaktan at nahihirapan. May katagalan din bago tumahimik si kuya brix. Doon ko na inalis ang takip ko sa aking mata nakita kong paalis ni si kuya brix. Maya maya ay umalis na din ako hindi na ako tumuloy sa pagpunta sa ninang ko. Umuwi na lamang ako kahit wala akong naging pera.

Nahalata ng mga mama ko ang pagkatulala ko kaya tinanong nila ako kung ano ba daw ang nangyayari sa akin. Sinabi ko ang nakita ko sa punerarya. Sinabi ko iyong ginawa ni kuya brix doon sa patay na babae. Nagkatinginan ang lola at mama ko. Tapos sabi ng mama ko may sakit daw si kuya brix. Hindi daw iyon naa arouse sa mga buhay na babae kundi sa patay lamang. Noon ay hindi ko alam kung ano iyong arouse, basta ang alam ko lang ay may sakit si kuya brix. Kinukunsinti daw ng pamilya ang kakaibang trip ni kuya brix. Mula noon ay hindi na ako bumalik pa sa punerarya at hindi na din ako namasko sa iba ko pang mga ninong at ninang.

One Shot HorrorWhere stories live. Discover now