subscriber

10 1 0
                                    

Si ashley ay subrang mahilig sa mga katatakutan. Panoodin, babasahin, at kung anu-ano pa. At nang maging aware siya sa YouTube at mga channels doon na nag ooffer ng ibat ibang kwentong katatakutan ay doon naman siya nahumaling. Galing sa may sinasabing pamilya si ashley. Isang hukom ang kanyang ama at pulitikong negosyante naman ang kanyang ina. At dahil nagiisa siyang anak ay nagagawa niya ang kahit na anong kanyang naisin. Mabalik tayo sa youtube. Iyon nga po naging madalas ang pakikinig niya sa mga kwentong katatakutan ng isang narrator. Hindi naman ganoon kadami ang mga subscribers ng nasabing narrator na ito pero talagang humaling na humaling si ashley dito. Lagi niyang inaabangan ang notification ng video na ini-a-upload nito gabi-gabi. Regular likers and taga comment din siya at masayang-masaya ang pakiramdam niya tuwing ina-acknowledge nito siya. Isang araw ay nagcomment siya dito na nagtatanong kung saan niya ito maaaring padalhan ng ilang regalo dahil nga sabi niya ay super fan siya ng narrator na ito. Nagreply naman ang narrator at ibinigay ang fb account nito at sinabi pang i message nalang nya ito sa messenger. Noong ding araw na iyon ay nakatanggap ng notification ang narrator na nagsasabi ng ashleykrung wants to connect with you or something like that. Inaaccept niya iyon at ang chat niyong ashleykrung ay: ashley here po iyong subscriber ninyo po sa inyong sikat na channel. Napangiti ang narrator ng mabasa iyon, marahil siguro ay na flutter ito sa message na iyon. Kaya naman agad itong nagreply kay ashley. Nagpasalamat ito at hiningi ang opinyon ni ashley doon nga sa vlog niya. Puro positibo at papuri naman ang sinasabi ni ashley sa narrator.

Hindi pa doon natapos ang mga private conversation nina ashley at ng narrator sa youtube. Para na talaga silang magkaibigan na palagi ay nagkukumustahan at nagpapalitan ng mga kwento. Pinadalhan na din ng ilang beses ni ashley ng regalo ang narrator sa mismong bahay nito. Hanggang sa isang gabi ay napagkasunduan nilang magkita sa isang bar. Hindi naman naging awkward ang pagkikita nila siguro dahil para na din naman talaga silang magkaibigan. Sige lang sila sa pagkekwentuhan habang nag iinuman. Maya-maya ay nakaramdam na ng pagkahilo ang narrator. Nag excuse ito saglit kay ashley. Tumango lamang naman ang dalaga. Di nagtagal ay tumayo na din ang dalaga at lumabas na ng bar, sumakay na ito ng kotse nito at tuluyan na ngang iniwan ang kinatagpong narrator.

Kinabukasan ay maagang nagising si ashley. Agad itong nagtungo sa kanyang itinuturing na ngayon na entertainment room. Ini on niya ang ilaw at nagliwanag sa stage na may salamin na nakapalibot nandoon ang narrator na paborito niya at nakikiusap na pakawalan na niya. Pero ngumiti lamang si ashley saka may pinindot na kung ano. Saglit na nangisay ang narrator at pagkatapos ay nag umpisa na nga itong magnarrate ng nakakatakot na kwento sa nagiisa na nitong subscriber. Nanginginig at naiyak sa takot ang narrator, hindi dahil sa takot sa ikinikwento niya kundi sa kung ano pa ang kayang gawin sa kanya ng kanyang subscriber. Wakas

One Shot HorrorWhere stories live. Discover now