kulam

11 2 0
                                    

Taong 2016 ng magtrabaho po ako sa isang pabrika at dito ko po nakilala at naging nobya si Lerma na Supervisor ko. Matanda po sa akin si Lerma ng sampung taon. May asawa at mga anak na rin siya. Magkaganoon man ay hindi naging hadlang iyon para mahalin ko siya. Lihim na lihim ang relasyon namin, pero kahit ganoon ay may ilang nakakahalata pa din sa mga katrabaho namin. Hindi lang ata may isandaang beses akong tinanong ng LL at mga ka linya ko, Kung ano ba daw talaga ang namamagitan sa amin ni Maam Lerma, pero ika ko sa isip ko ay 'mamatay na ang aamin.' Hanggang sa maendo na ako ay hindi talaga ako umamin kanino man. Tumagal pa ng isang taon ang lihim naming relasyon ni Lerma. Pumupunta siya at natutulog sa bahay namin pag night shift siya, it happens once a month. Meron kasi sa company namin na tinatawag na company holiday at pag pumatak iyon ng saturday ay pwede niyang hindi pasukan. Namamasyal din naman kami at kumakain sa labas minsan, yun nga lang limited ang time, kasi ang alam lang kasi ng asawa niya ay OT siya kaya di pa siya nauwi, pero in reality ay kasama niya ako na jowa nya. Pero dumating sa punto na hindi na ako nakukontento sa oras at panahon na ibinibigay niya sa akin. Naging mapaghanap na ako, kaya naman naging madalas na ang aming pagaaway.

Nagtatrabaho na ulet ako sa iba namang mall bilang kahera ulet at dito ko naman nakilala ang maharot, malandi, at maalembong na si Rhealyn. Mas bata sa akin ng sampung taon si Rhea na katulad ko ay kahera din. Apple of the eye ako ng batang ito. Alaga akong tuksuhin at alembongin. Noong una ay umiiwas ako dahil kahit naman paano ay loyal ako kay Lerma, pero noong napapadalas na nga ang mga pagaaway namin ay pinatulan ko na din si Rhea. Pakiramdam ko kasi ay napupunuan ni Rhea ang mga pagkukulang ni Lerma. Pero katulad din ni Lerma, ay number two din pala ako ni Rhea dahil sa may Tomboy itong dalawang taon ng kinakasama.

Nalaman ni Lerma at nung kinakasama ni Rhea ang tungkol sa relasyon namin. Kaya naman agad din kaming naghiwalay ni Rhea. At sa kasawiang palad ay hiniwalayan na din ako ni Lerma. Nasaktan ako ng sobra dahil imagine, two heartbreaks in one day. Pero hindi ko akalain na hindi lang pala puso ko ang iindahin kong sakit. Dahil noong araw din na iyon ay bigla akong nanghina, para akong halaman na biglang nalanta. Hindi ako makabangon dahil hindi ko kaya ang katawan ko. Sobra din ang pagsakit ng ulo ko. Naliliyo ako na parang kabababa ko lamang mula sa napakatagal na pagsakay sa roller coaster. Napansin din nina Mama na hindi nagpapantay ang kulay ko. Maputi po kasi ako at makinis, (Hindi naman po sa pagbubuhat ng sariling bangko Kuya Clark), pero bigla ay nagkaroon po ako ng mga itim na patche patche, para pong itim na an-an. Lalo na po sa mga daliri ko sa kamay at paa na talagang umitim. Madalas din po akong magsuka at magdumi ng kulay itim na napakabaho. At ang pinaka disgusting po sa lahat ay ang pagkakaroon po ng masangsang na amoy ng aking 'perlas ng silanganan'. Kahit po hugasan ng madalas at palitan palagi ng panty ay napakabaho pa din po talaga. Malaking palaisipan po talaga iyon sa amin ng Mama ko, kasi ay kilala niya po ako sa pagiging super conscious sa hygiene. Kaya malabo po talagang mangamoy ng ganoon ang aking 'perlas ng silanganan'. Nahihirapan na din po akong umihi noong time na iyon, dahil hindi ko po maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko sa 'perlas ng silanganan' ko.

Pina check up po ako noon ng Mama ko at ang sabi lang po ng Doctor ay may infection ako at niresetahan lamang po ako ng antibiotics. Pero hindi po nawawala ang mga sakit na nararamdaman ko. Hindi na nga po ako nakakapasok sa trabaho ko.

Hanggang sa dinala na po ako nina Mama sa Albularyo. At pagkakita po nito sa akin ay agad po akong tinanong nito kung may naagrabyado daw ba ako. Noong una ay nahihiya pa akong umamin pero sa huli ay kwinento ko na din kay Manong Albularyo ang tungkol kina Lerma, Rhea at sa kinakasama nito. Dinasalan at tinapalan lang ako ng paper tape na may guri-guri sa noo, dibdib, likod at puson. Nang itanong ni Mama kung ano daw ba talaga ang nangyayari sa akin, sabi ni Manong Albularyo ay mayroon daw gumagamot sa akin. Hindi niya tinukoy kung sino ang gumagawa sa akin niyon. Sabi lang niya ay wala naman daw balak ang gumagamot sa akin na patayin ako, gusto lamang daw niyon na iparanas sa akin ang sakit na dinanas nito. Pinayuhan niya akong humingi ng tawad sa mga nagawan ko ng hindi maganda.

Sinunod ko ang payo ni Manong Albularyo. Chinat ko si Lerma pero hindi ito nag response bagkus ay blinock ako nito. Si Rhea at yung kinakasama niya ay ini-unblock ko muna saka ko chinat pareho ng simpleng sorry tapos ay blinock ko na ulet sila pareho. Si Rhea po kasi ay makulit habang iyong kinakasama niya ay iskandaloso. Minsan nga ay nagpost pa iyon ng mga mura sa time line ko kaya ko iblinock.

At paglipas ng anim na byernenes na paguli-uli namin sa Albularyo ay gumaling na ako. Lumakas na ulit ang katawan ko. Wala ng sumasakit sa akin. Nagbalik na din sa dati ang kulay ko at higit sa lahat, nawala na ang nakakasulasok na amoy ng 'perlas ng silanganan' ko.

One Shot HorrorWhere stories live. Discover now