stalker/creepy girl

16 2 0
                                    

Taong 2010 po ng magtrabaho ako sa isang sikat na Mall dito sa lugar namin. Fresh grad pa lamang ako noon pero hindi na po ako nakaisip magpahinga, dahil single Mom po ako sa aking 3 years old son. 23 years na po ako noong mga panahong iyon. Medyo may idad na po ako para maging fresh grad. Nagluko po kasi ako noon at nagbuntis pa nga kaya akoy napagiwanan na ng mga kabatch ko talaga.

Dalawang buwan na po akong kahera sa mall ng makilala ko si Michaela. Tinitrain sila ng ka close kong trainor na si Maam Lennie sa kalapit kong kaha. Ang totoo po ay may pagkasuplada po ako sa personal, pero dahil nga po kaclose ko si Maam Lennie ay nakikipagbiruan ako dito. Sabi ko pa sa mga tinitrain niya na huwag maniniwala sa mga tinuturo ni Maam Lennie dahil pawang kalokohan lamang iyon. Nagtawanan silang lahat at napansin kong panay ang titig sa akin ng isa sa mga tinuturuan ni Maam Lennie. Hindi ko mawari kung anong dahil pero hindi ako kumportable sa titig ng babaeng iyon. Hindi ko na lamang iyon pinansin at eksakto namang nagka costumer na ako.

Fast forward

Naendorse na nga ang mga bagong kahera, pero may mga kasama pa din silang luma na mag-assist sa kanila. Unang araw nila na magkaha ay nakatabi ko ang babaeng creepy kung makatitig. Medyo naghuhuntahan kami niyong kasama niyang kahera. At ewan ko ba pero napapansin ko sa gilid ng mata ko na tinititigan na naman niya ako, at pag nagtatama ang tingin namin ay nginingitian niya ako ng pagkaka creepy, kaya naman nagiiwas na lamang ako ng tingin.

Nang sumapit ang lunch break ko at dumating ang kapalitan ko ay sinabi nito sa akin na isabay ko na daw si creepy girl sa pagla lunch sabi ni Maam Angge. Kaya napalingon ako dito at nakita ko na naman ang titig at ngiti nitong makapanindig balahibo. Ayaw ko man sana ay hindi na lang ako nagsalita. Pagdating sa canteen ay mabilis na akong pumila at nag order ng pagkain ko at ng magbabayad na ako ay inunahan ako ni creepy girl na nasa likod ko. Sabi niya ay sagot na niya ang lunch ko, pa thank you niya dahil isinabay ko daw siya. Nawiwirduhan man ako e tumango na lang ako at nagpasalamat.

Madami pang beses na nasundan ang panlilibre niya sa akin, at hindi lang iyon, kung anu-ano din ang mga ibinibigay niya sa akin pagkain, damit, make-up, accessories, load, unan, at sigarilyo. Pati anak ko ay binibilhan niya din minsan ng diaper, gatas, pagkain, damit, at kung anu-ano pa. Ayoko mang magisip ng malisya ay nakakahalata na ako, dahil mas naging clingy na din siya sa akin daig pa niya ang girlfriend ko.

Nga po pala marahil ay naguguluhan kayo, ako po ay isang Bisexual. Pwede sa lalaki, pwede sa babae, depende po sa kung anong hinihingi ng pagkakataon. Iyon nga, nung panahon po na iyon ay may "mga" karelasyon po ako. Isang pulis na lalaki na nakadestino sa Mindoro, isang college student na babae na klasmate ko dati, isang bagger na lalaki, at isang selling clerk na babae. Ang bagger at selling clerk ay kasamahan din namin doon sa mall. Alam ko na mali ang mga pinaggagagawa ko, pero eto po talaga ako e. Mas naeenjoy ko po kasi pagmadami, may kahati, fan po kasi ako ng Polygamy, hindi naman po ko katulad ni Aubrey sa My special tatay, ha.

Ayon nga, mabalik tayo kay creepy girl. Patuloy ang pagbibigay niya ng mga kung anu-ano na tinatanggap ko naman. Dahil naniniwala ako sa kasabihan na ang "Tumanggi sa grasya ay lumalabo ang mata."

Minsan ay tinanong ako ni Jenny, ang gf kong selling clerk. Tinatanong niya kung ano ko ba daw talaga iyong kahera na bigay ng bigay ng kung anu-ano sa akin. Sabi ko'y kaibigan ko lamang iyon na galante. Tiningnan ako ng may pagdududa ni Jenny pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Fast forward ulet.

Closing po ako that time at nalimutan po akong pag coffee breakin ng Visor namin dahil napakadami pong tao noon dahil buwan ng Desyembre. Mag na nine na po ng pinag break ako ng 15 minutes. Hindi na po ako kumain at namahinga na lamang po ako sa locker. Magisa lamang po ako ng mga oras na iyon, kaya pumikit na lamang po ako dahil antok at pagod na po talaga ako. Hindi pa man ako nagtatagal sa pagpikit ko ng maramdaman kong may kung anong nakadapo sa labi ko. Sa pagkabigla ko ay agad akong nagmulat at napabalikwas at napatayo ako ng mamulatan ko si Michaela AKA creepy girl na siyang dumapo sa labi ko, inshort hinalikan niya po ako. Galit ko siyang tinanong kung bakit niya ginawa iyon. Sabi niya ay hindi na daw siya nakatiis dahil mahal na mahal daw niya ako. Lalapit pa sana siya sa akin pero mabilis ko na siyang tinalikuran at agad na din akong nag in kahit pa nga hindi pa naman ako time.

Nung pag out namin ay inabanggan niya ako, pero hindi ko na siya pinansin. Hinila ko na lang si Jenny na naghihintay din sa akin na siguradong naguguluhan sa mga kinikilos ko. Hindi naman sa nagpapa virgin or Whatsoever ako, pero kasi natakot talaga ako at nabigla sa ginawa ni Michaela.

Iniwasan ko na si Michaela mula noon. Kinutsaba ko na din ang mga CS at Visor ko para hindi ko na makasabay ng schedule at breaktime si Michaela. Pero one time ay nagpang-abot kami sa locker. Naka break siya, habang ako e papasok pa lang. Pinagbigyan ko na siya ng magmakaawa siya, pinagtitinginan na kasi kami ng ibang nasa locker. Nakiusap siya sa akin na wag ko na daw siyang iwasan. Umiyak pa siya at sinabi niyang sobra lang daw talaga niya akong mahal kaya niya nagawa iyon. Sa huli ay pinatawad ko na lang siya, pero nilinaw kong wala akong ibang maiioffer sa kanya kundi ang Friendship ko. Pumayag naman siya at muli ay inabutan niya ako ng paper bag na nang buksan ko ay damit ang laman na nagustuhan ko sa penshoppe noong isang araw na napadaan kami doon ni Jenny. Hindi ko nga lang nabili dahil wala pang sahod. Hindi ko alam kung paano niyang nalaman na gusto ko iyon, basta nagpasalamat na lang ako.

Bumalik kami sa dati bilang magkaibigan pero napansin kong tila lalo siyang na obsess sa akin. Pag absent ako o kaya ay naka rest day ay halos sumabog ang cp ko sa katatawag at katetext niya. At pag nasa work naman ako ay lagi siyang naka dikit sa akin. Pati nga sa mga breaktime ko, sinasabayan niya ako kahit pa nga nag ka warning at DA na siya. And then noong malapit na ang birthday ko, sabi niya ay cellphone daw na samsung champ ang gift niya sa akin, pero dapat daw ay sa bahay nila ako matulog para maipaghanda din daw niya ako. The hell NO! syempre hindi ako pumayag! Baka mamaya mo ay gahasain pa niya ako, pikutin, gayumahin, kulamin, o barangin.

Then one time noong naglalakad na ako sa palengke, papunta sa sakayan namin ay nalingunan ko siyang sumusunod sa akin. Medyo madilim sa lugar na iyon, kaya naman pandalas akong sumikot papasok sa isang fast food chain at tinawagan ko ang Mama ko para magpasundo. Hindi talaga ako lumabas ng food chain hanggang hindi dumadating ang Mama ko. Nakita ko pa si Michaela noong paglabas namin at pagsakay ko sa motor. Nginitian at kinawayan pa nga niya ako na nakita din nina Mama at ng pinsan kong lalaki. Bababain pa sana ni Damian si Michaela pero sabi ko e gusto ko ng makauwi agad, kaya iyon umuwi na nga kami.

Ilang beses pang nangyari na sinundan niya ako sa paguwi, kaya naman lagi na tuloy akong sinusundo ng pinsan ko. Sobra  na ang inabot kong takot sa kanya. Kaya naman tuluyan na akong dumistansya at muli ay kinausap ko ang mga CS at Visor para pag ibahin ulet ang shift at mga break time namin ni Michaela.

Tapos isang araw ay nawala na lang siya, hindi na siya pumasok, nag AWOL na ng tuluyan. At nabalitaan ko sa mga katrabaho ko na napakadami daw iniwang utang ni Michaela. Bukod tanggi palang ako lang ang hindi niya nautangan. Biniro pa nga ako ni Maam Lennie, na kaya daw yata utang ng utang si Michaela ay para daw may maibigay sa akin. Ang masama lang daw e walang napala sa akin, kaya iyon, nawala na lang ng bigla. Nagkatawanan na lang kami. As if naman kasi madadaan niya ako sa mga regalo.

One Shot HorrorWhere stories live. Discover now